03

70 6 0
                                    

Chapter 3

Encounter


Ipinatawag sa grounds and mga journalist para sa briefing ng press conference. Tulad ng nakagawian, isang oras lamang ang ibibigay para sa ma-interview ang speaker. Sa collab group, ang natirang tatlong oras ay gagamitin para sa pagsusulat ng mga articles, pagguhit ng mga cartoonist, at pagle-layout ng dyaryo. Samantalang isa hanggang dalawang oras lang ang ibinigay para sa mga individual writers.


Kaming mga individual photojournalists ay iba ang gagawing tasks. We need to capture three photos and write a caption about it. Ang theme na ibinigay sa amin ay "Humanity."


Iba-iba ang schedule mg individual contests. Ang ilan ay ngayong umaga gaganapin at 'yong iba naman ay sa hapon.


Tumingin ako sa relong suot ko at nakitang 9am pa lang. Alas diez ang simula ng pagkuha namin ng larawan. Mukhang aabutin pa ako ng lunch time. Di bale, bibili na lang siguro ako ng biscuit at kakainin 'yon kapag magsusulat na ng captions.


"Oy, Jaide, tingnan mo mga camera. Ang gaganda. Taas siguro ng focal length niyan," chismis sa akin ng isang kasamahan ko.


Inilibot ko ang tingin ko para makita kung sino-sino ang mga makakalaban ko mamaya. Paniguradong photojournalists din itong mga may nakasabit na DSLR sa leeg. Ibinabalandra ang naglalakihang lens ng camera. Sana all na lang.


Nahagip ng mata ko ang imahe ng isang lalaki. Nakahilig sa isang poste sa corridor, nakahalukipkip, tikom ang bibig, at seryosong nakatitig sa akin si Cali. Nagtama ang mga mata namin, dahilan para makaramdam ng kung anong kalabog sa aking dibdib.


His cold eyes pierced into mine like I am some prey in the wilderness. Sa kaba ay agad akong nag-iwas ng tingin. Bakit 'yon ganoon makatingin?! Inaano ko ba siya?!


Ilang sandali pang nagtagal ang briefing. Nagsipuntahan ang mga journalists sa kani-kanila nilang mga puwesto. Ang iba namang mga photojournalists ay lumabas ng school para maghanap ng mapi-picture-an.


"Sir Ruiz, lalabas po ako ng school para mag-picture. Babalik din po agad ako bago maglunch," paalam ko sa adviser namin bago tumulak palabas ng Sci High.


I brought my DSLR out from my bag. Ipinulupot ko ang lace sa braso ko para hindi malaglag kung sakali mang mabitawan ko. Ayoko kasing isabit sa leeg ko dahil malilimitahan ang layo ng camera sa akin. Nagsimula na akong mag-ikot sa bayan para maghanap ng magandang subject.


Sa loob ng 30 minutes, may dalawa na agad akong nakunan ng litrato at na-interview. Buti na lamang at maraming tao sa bayan kaya hindi ako masyadong narirapan sa paghahanap ng subject. Isa na lang ang kailangan para makabalik na ako sa Sci High at makapagsulat na ng caption.


Habang naglalakad, narinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Gosh! Hindi nga pala ako kumain ng breakfast. I glanced at my wristwatch and saw that it's already 10:42am.


Maybe I could buy some biscuits from a sari-sari store somewhere near. Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng tindahan ngunit tanging 7/11 lang ang namataan ko. Fine, I guess, I have no choice. Mauubos ang oras ko kung lalayo pa ako at maghahanap ng tindahan.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now