29

58 3 0
                                    

Kabanata 29

Hatid


We've been together for three years. I've waited for her for 7 years. Every moment feels like the first time I saw her.


Una kong nakita si Jaide noong nasa 9th  grade pa lang kami. Hindi ko pa nga sure kung grade 9 siya noon dahil maliit siya kumpara sa mga kasamahan niya. The DSPC was held back then and I can still remember how she helped an old lady to cross the road.


"Lola, tulungan ko na po kayo," she naturally said. Kinuha niya ang dalawang malaking bag na dala ng matanda. Inihatid pa niya ito sa sakayan at inihabilin sa driver ng tricycle. After that, she continued to capture photos. And starting that day, I admired her.


"Ate, ito oh!" iniabot ko sa cashier ang pera. "Basta, ate, Jaide Alastair. Sa kaniya mo ibibigay 'yong order."


"Hay nako, sige na. Kahapon mo pa ako kinukulit tungkol diyan. Iced coffee with cream and two pumps of mocha. Ayon lang?" mukhang naiinis na si ateng cashier pero nagingiti rin naman.


Tumawa ako. "Yes, ate! Ito pala ang itsura niya. Para hindi ka magkamali ng bigay. Iwan mo na lang din sa kaniya 'yang picture," I put the polaroid picture on the stand. It was Jaide reading a book with a coffee on the table. Kinunan ko ang litratong 'yon noong nag-testing kami ng bagong biling polaroid camera ng kaibigan ko.


Simula sa araw na iyon, uunti-untiin ko na ang pagpapakilala sa kaniya. Matagal na rin ang tatlong taon na pa-stalk stalk lang ako sa IG niya. At alam kong hindi niya ako kilala dahil ang dami ng followers niya.


Libo rin ang followers niya sa Instagram. Paano niya ako mapapansin doon?


"Yes, Miss? May kailangan ka?"


What the fuck?! Nasa harapan ko siya ngayon! Mamula-mula pa ang kaniyang pisngi, malamang nahihiya. I tried to act cold and show no expression on my face. Baka isipin niya, kinikilig ako sa unang pag-uusap namin.


"A-ano- I took a picture of you kasi. I'm a p-photojournalist. P-pwede ba kitang ma-interview saglit?" she asked me with an awkward smile. She looked so cute with her short hair.


Gusto ko siyang tawanan. Ang cute niya! Sige, Jaide. Interview-hin mo ako, itanong mo na rin plano ko sa buhay na kasama ka.


I did not expect that picture to be awarded as the best photo. Gusto ko sana siyang puntahan para batiin pero niyaya na ako ng kapatid ko palabas dahil naroon na raw sila Daddy na susunduin kami.


"Thank you, Cali, but I can go to the mall entrance by myself," wika ni Jaide at tinalikuran kami.


"Bars, bro!" tinawanan ako ni Isaiah.


Tinanggihan ba naman ang alok kong ihatid siya! Grabe, strong independent woman ka girl?


"Shut up, Iah," ibinato ko sa kaniya ang tissue na nakapatong sa table.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now