23

66 5 15
                                    

Kabanata 23

Déjà vu


My mind drifted off somewhere else. Umuwi ako sa penthouse nang lutang. Hindi mawala sa isip ko ang naging reaction ni Cali kanina sa basement parking.


First of all, he thought that Kade is my boyfriend. Pangalawa, nagalit siya dahil hindi ako hinatid ni Kade na hindi ko naman boyfriend. Pangatlo, may sinabihan siya ng "I love you too" pero kung maka-react, akala mo siya ang boyfriend ko.


Napasinghap ako. The audacity of this man!


"Anak, kumain ka muna. Nagluto ako ng paborito mo," boses ni Manang Eli ang bumungad sa'kin pagkapasok ko pa lang sa penthouse.


Matanda na si Manang Eli. Siya na ang nag-aalaga sa'kin magmula kabataan ko. I am already full but she cooked for me. I can't waste her effort.


"Sure, Manang," I smiled at her and went to the dining area. "Kumain na po ba kayo? Sabay na po kayo."


Inihain niya ang carbonara sa harap ko. Marami iyon at hindi ko kayang ubusin. Sinabi ko kay Manang na tawagin na ang iba pang mga kasamahan niya para sumabay na sa'kin pagkain.


"Salamat po, Ma'am. Akala ko po hindi ulit kayo kakain," Sabi ni Lea. Dalaga pa siya at isa sa mga househelps ko rito.


"Actually, nagdinner na ako sa labas. Pero sabi ni Manang ay paborito ko ang niluto niya kaya hindi ko matanggihan," tumawa ako nang kaunti.


"Ay kaya... Never hihindi si Madam sa carbonara," sabi naman ni Sally, kaedad lang halos ni Lea. Siya ang naka-assign sa kusina at laundry. Sinuklian ko lang ng ngiti ang sinabi niya.


"Sinong kasama mo, anak?" si Manang Eli.


Muntik na akong mabulunan sa tanong ni Manang. "Kaibigan ko po, si Kade. Saka si Cali." Parang natural na dumulas ang pangalan niya sa bibig ko. I did not even filter my words.


"Cali?! 'Yong ex mo, Madam?!" napasigaw sa gulat si Lea.


Medyo natigilan ako roon pero tumango rin sa huli. Napasinghap siya pati si Sally at nagpaypay pa gamit ang kamay.


"Comeback na ba, Madam?" usyoso ni Sally gamit ang mahinang boses. Intrigang- intriga sa love life ko.


Hindi ako nakasagot at mabuti ay sinaway na sila ni Manang. Natahimik sila at Nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para maligo at matulog.


The next week, I drove all the way to Laguna for a presentation. Naimbitahan kasi ako sa Science High as a speaker for their career guidance week. Hindi ko alam kung bakit ako ang inimbitahan nila pero ang sabi ay madali lang naman gagawin. Ma-eenganyo rin daw ang mga studyante dahil sikat ako sa industriya.


Nag-enjoy akong magsalita sa harap ng mga high schoolers na ito. Makukulit sila at madaling pakisamahan. Magaan ang loob ko sa kanila. I shared some of my experiences in the arts. Dito raw ako mag-focus sabi ng teacher na nag-imbita sa'kin. Mayroon naman daw kasing ibang speaker na iba ang major.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat