11

82 6 17
                                    

Kabanata 11

Silent


"Kumpleto na ba lahat?" kanina pa pabalik-balik yung school paper adviser namin para i-check kung kumpleto na ba lahat ng participants ng RSPC from our school.


Si Solaire ang naging abala para sa pag-alis, kasama niya ang SPA namin. Nanatili lamang akong nakaupo sa likod ng driver's seat. Gusto ko kasi ay sa tabi ng bintana kapag nagt-travel. Maluwag sa pwesto namin dahil maliit na bag lang ang dala at nasa likod ng van ang mga maleta.


Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mata. Gusto ko pang matulog. It's only six o'clock. Ayokong mamatay dahil kulang ako sa tulog.


Wala pang isang minutong nakapikit, nag-ring na ang akong phone. Inis kong kinuha iyon sa loob ng sling bag pero napalitan ng ngiti nang nakita ang caller ID.


[Good Morning, Jaide!] masiglang bati ni Cali pagkasagot ko sa tawag niya sa facetime. I smiled at him. [Paalis na kami ng school, inaantok pa ako. Kayo ba?]


Halata ngang inaantok pa si Cali. Mapupungay ang mga mata nito at bahagyang magulo pa ang buhok. Naka-blue hoodie siya at medyo kita ang kwintas na suot.


"Paalis na rin. Baka halos sabay lang tayong makarating sa venue," mahinang sabi ko dahil baka may makarinig sa amin. Wala akong dalang earphones kaya no choice ako kung hindi i-loud speaker ang tawag ni Cali.


[That's good.] humikab pa siya saglit. [Napuyat ako sa ginawa natin kagabi.]


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Shit! That sounded so sensual.


"Oh, may ginawa kayo kagabi?" mas lalo akong kinabahan dahil sumilip si Chace mula sa likuran ko. Nakikita na siya ngayon sa screen ng phone ko.


[Oy shit, pare! Wala. Naglaro lang ng online games. Dumi ng utak mo, bro.]


Tumawa si Chace at bumalik na sa pagkakaupo sa likuran ko. Muli ko namang kinausap si Cali tungkol sa mga plano namin sa Antipolo. Gusto raw niyang gumala kasama ako.


[Sige na. Ibaba mo na yung call. Don't miss me too much.]


Nagpakawala ako ng isang mahinhing tawa bago nagpaalam na rin sa kaniya. Sakto naman na paalis na ang van namin.


Halos apat na oras ang naging byahe namin, kasama ang ilang stop overs at ang heavy traffic.


"Kamusta, Jaide? Panalo na ba?" tanong ni Sir Ruiz sa'kin nang makabalik ako sa station namin.


Katatapos ko lang sa laban ng photojourn. Second day pa lang namin dito sa Antipolo. Kahapon ay namasyal lang kami sa plaza at bumisita saglit sa Antipolo Cathedral. Hindi rin kami nakapagkita ni Cali dahil may briefing pa ang mga journalist ng Sci High.


"Medyo kinakabahan po, Sir. Magagaling po ang mga representatives from Cavite e. Sana po makapasok ako kahit top three," I uttered.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now