Chapter 23

1.8K 49 10
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Miracle, tawag ka ni ma'am." Kalabit sa akin ni Lily na katabi ko ngayon sa isang subject. Doon lang ako natauhan at napatingin kay Ma'am Castro na masama ang tingin sa akin. Napalunok ako saka dahan-dahan na tumayo.


"Are you listening to me, Ms. Lopez? Parang kanina ka pa wala sa sarili," sambit nito.


"I'm sorry, ma'am." I looked down, feeling embarrassed. Pasalamat na lang ako at hindi ako gaano sinabon ni Ma'am Castro. Pinaupo na niya ako pagkatapos kong sagutin ang tanong niya.


Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tanga-tanga ko. Umamin ba naman ako kay Lincoln na mahal ko siya. Tangina, alam kong lasing ako nun, pero gago, lahat yata ng lasing hindi nagsisinungaling. Kaya alam kong alam na ni Lincoln kung ano'ng nararamdaman ko para sa kaniya.


After my confession to Lincoln, he never reached out to me again. Hindi rin siya nagpakita sa akin, kaya naisip ko na baka iniiwasan niya ako.


Dapat nga ako ang magalit sa kaniya, e, kasi hindi niya ako sinipot noong Valentine's Day. Pero paano naman ako magagalit kung nalaman kong sinugod nga talaga niya si Tita Reese sa ospital at naiwan niya ang cellphone sa bahay ng kaibigan. Wala akong karapatang magalit kasi nagsasabi siya ng totoo.


But I miss him already! Tomorrow is my birthday, at sa tingin ko ay hindi ko na naman makakasama si Lincoln, katulad ng mga nagdaang taon.


"Class dismissed." Napabuntong hininga ako sa narinig ko. Isa na namang araw ang lumipas na wala akong natutunan. "Miracle? Can I talk to you?" Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko saka tumingin kay Ma'am Castro. Heto na nga ba ang sinasabi ko, e. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Pinipilit ko namang mag-focus pero wala talaga. Kapag nalaman 'to nina Mommy, baka ma-disappoint sila sa akin.


Nang makaalis na ang mga kaklase ko, lumapit ako kay Ma'am Castro saka umupo sa harapan niya. "Ma'am, I'm so sorry, I promise it won't happen again and I will—"


"Ms. Lopez, what are you talking about? Kung ano man ang nangyari kanina, it's fine. Bumawi ka na lang at siguraduhin na hindi na dapat maulit. Kaya kita pinaiwan kasi kinausap ako ni Mrs. Benitez, ang in-charge sa sports and recreation. Ikaw ang gusto nilang kuhanin na bagong courtside reporter sa next season ng UAAP." Ano raw? Parang nasamid ako sa narinig ko. Paano 'yon, papalitan ko si Alessana?


"Ah, bakit po ako?" wala sa sariling tanong ko. Ma'am Castro chuckled and held my hand.


"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin, Miracle? Lahat yata rito sa campus ay kilala ka. Gandang-ganda kaming lahat sa'yo. And you're not just a pretty face, matalino ka rin at mabait."


"Uhm, thank you po. But can I think about it first? Kasi po I need to consult my parents on this," sabi ko, kahit na alam kong susuportahan ako nina Mommy sa kahit na ano'ng gawin ko.


"Sure, Miracle. Basta kung may desisyon ka na, sabihan mo lang ako. Mag-au-audition ka pa naman, pero alam naming makukuha ka. Ni-refer ka yata ng director natin."


"Thank you, ma'am. I appreciate it. Pag-iisipan ko po nang mabuti," I answered. Tumango lang naman ang teacher ko saka niligpit na ang mga gamit niya.


"Sure. Anyway, mauna na ako, ha. May klase pa ako sa 1-C," paalam sa akin ni Ma'am Castro. Naiwan ako sa room na nag-iisip. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang offer nila o mag-focus na lang sa studies ko.


Kapag tinanggap ko 'yon, palagi kong makikita si Lincoln dahil ako ang mag-co-cover ng game nila. Sa totoo lang, ayaw ko muna siyang makita sa ngayon dahil una, nahihiya ako. Pangalawa, nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. At pangatlo, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.


Meant to be YoursWhere stories live. Discover now