Chapter 22

1.8K 46 16
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Happy Valentine's day!" sigaw ko habang nakikipag-toast sa mga kaibigan ko. Sunday ngayon kaya nandito kami sa bahay para mag-celebrate ng araw ng mga puso.


"Mahal na mahal ko kayo. Tangina, hindi ko kaya kapag nawala kayo sa akin," sabi ni Coleen na umiiyak na naman. Sa aming apat, siya ang pinakaiyakin.


"Ako rin! Okay lang na walang jowa basta kasama ko kayo," ani Thara na umiiyak na rin. "Siyempre joke lang. Mahal ko kaya ang baby boy ko."


"Akala ko seryoso na. Pero grabe 'no, ilang taon na tayong nagce-celebrate ng Valentine's together tapos hanggang ngayon, wala pa ring jowa si Miracle," biro ni Anika. Umurong bigla ang luha ko sa sinabi niya. Ako na naman ang nakita.


"Share mo lang?"


"Ano na ba kasi ang status n'yo ni Lincoln?" tanong muli ni Anika na panay ang ligok ng alak sa wine glass.


"Naghahalikan pero walang label," sagot ni Thara.


"Tamang landian lang," sabi naman ni Coleen. Tiningnan ko sila nang masama saka pinag-cross ang mga braso ko sa dibdib ko.


"Stop it," singhal ko.


"Miracle, let's be serious nga for once. Ayaw kong i-take for granted ka ni Lincoln. Imagine, umaasta kayong mag-jowa pero hindi naman kayo. Ano 'yan?" Anika scowled.


"Ayaw lang namin na masaktan ka, P4. Alam naming mahal na mahal mo si Lincoln pero kung hindi ka niya kayang bigyan ng label, ibang usapan na 'yan," Coleen said. She even went towards me to hug me. Siguro ay naramdaman niya na naiiyak na ako.


"Aww, Miracle, we love you so much. Susuportahan ka namin sa lahat ng gusto mo. Ayaw lang namin na masaktan ka. Nakikita naman namin na mahal ka ni Lincoln, e, siguro pareho lang kayong takot sa nangyari dati." Thara comforted me too. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa kanila.


"I don't like this feeling," I started. "I want to tell him I love him, but I can't. Natatakot ako na baka hindi niya naman ako mahal. Paano kung umaasa lang ako sa wala? Nararamdaman ko naman na mahal niya ako, e, pero bakit hindi niya masabi sa akin? I just want an assurance from him," I cried out. Ang hirap naman nito.


"Please, P4, don't cry. Ganito na lang, kapag natapos ang birthday mo na hindi pa rin siya umamin sa'yo, kausapin mo na siya nang masinsinan. Hindi puwedeng paasahin ka niya nang ganito," Thara advised. Tumango lang ako saka patuloy na umiyak.


"Thara is right, Miracle. Umamin ka kay Lincoln, dahil malay mo mahal ka rin pala niya. Baka natatakot lang siyang umamin sa'yo dahil hindi mo nasuklian ang pagmamahal niya dati," sabi ni Anika.


Tama sila, kahit na natatakot ako, kailangan kong lakasan ang loob ko na umamin kay Lincoln. Kung mahal niya ako, edi masaya. Kung hindi, edi move on.


Lincoln and I have become really close over the last few months. Parang bumalik kami sa dati na walang ilangan. Hindi ko man aminin, alam kong nagkalamat nang kaunti ang relasyon namin ni Lincoln nang pumunta sila ng California. Pero ngayon, sobrang okay na kami.


We kissed a lot too. Alam kong mali ang ginagawa kong paghalik pabalik sa kaniya dahil hindi naman kami, pero hindi ko kasi mapigilan. Kapag hinahalikan ako ni Lincoln, napapapikit na lang ako and I just found myself kissing him back.


Last night, he texted me to say that we will be celebrating Valentine's Day together. Kakain daw kami sa labas. S'yempre excited ako kasi after how many years, kasama ko na ulit si Lincoln ngayong araw ng mga puso. Naalala ko dati kuntento na ako sa Netflix date namin ni Lincoln. Wala pa nga akong gusto sa kaniya noon, kaya imagine ang nararamdaman ko ngayong niyaya niya akong mag-dinner. Sobrang saya ko lang.


Meant to be Yoursحيث تعيش القصص. اكتشف الآن