Chapter 2

2.6K 56 16
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





Anika Vidal: Hoy, mga pokpok! May kuwento ako.


Basa ko sa chat ni Anika. Si P1 o pokpok number 1, ang pinakamalandi sa barkada. Siya 'yong walang pakialam sa lumalabas na kabastusan sa bunganga niya. Hindi na virgin.


Thara Jimenez: Ano 'yang chika mo?


Sagot naman ni Thara. Si P2 o pokpok number 2, ang sumusunod sa yapak ni Anika. Isinuko ang bataan noong nag-18 siya.


Coleen Torres: What's the tea?


Si Coleen, si pokpok number 3. 1/2 painosente at 1/2 green-minded. Siya 'yong totoong definition ng painosenteng warak. Not a virgin, isinuko sa boyfriend niya last month.


Siyempre ako si P4, ang pinakainosente sa aming apat. NBSB at fresh na fresh pa ang bataan.


Simula first year high school pa lang ay magkakaibigan na kaming apat. They've always been on my side, and I'm grateful that I've met these people who share the same passion as me. This academic year, it's nice to know that we'll all be attending USI to pursue our dreams.


Miracle Lopez: Kuwento na, bilis, nag-aaral ako.


Type ko sa cellphone ko saka isinend 'yon sa group chat namin.


Anika Vidal: Nag-aaral kaagad? Hindi pa nga nagsisimula ang klase. Pabibo ka talaga.


Miracle Lopez: Hindi na puwede mag-joke?


Thara Jimenez: Bawal daw, lalo na kapag walang kumakain ng mani, hahaha.


Miracle Lopez: Gago, hahaha.


Coleen Torres: Ang daming satsat naman. 'Yung kuwento, Anika.


Anika Vidal: Heto na nga! Click ninyo ang link!

Anika Vidal: https://usithunderwolves.com/2020/03/24/basketball-bluechip-recruit/


Kaagad kong pinindot ang link na sinend ni Anika. Kapag 'eto walang kuwenta, patay sa akin ang babaeng 'yon.


USI Thunder Wolves secure US bluechip recruit Lincoln Kaiden Gomez. Basa ko sa pamagat ng article na sinend ni Anika.


Aba! Putangina! Roon nga talaga siya mag-aaral!


Napatingin ako sa picture ni Lincoln sa article. Sobrang pogi niya. 'Yung mga mata niyang mapupungay, tapos 'yung ilong niyang sobrang tangos. At ang favorite ko na mga labi niya kasi sobrang pula! Para bang sinisipsip niya parati. Mukha tuloy masarap.


Okay, masarap talaga. Proven and tested.


Pero grabe, bakit naman ganito siya kag'wapo? Guwapo na siya noon, pero mas dumoble yata ngayon.


Dalawa 'yung picture niya sa article. 'Yung nasa kanan ay naka-focus sa mukha niya. 'Yung sa kaliwa naman ay picture niya habang nagba-basketball siya. Halata sa kaliwang picture 'yung ganda ng katawan niya. 'Yung muscles niya sa braso, nakatutulo ng laway! I can't believe I'm obsessing about his physique. He'd grown up so much.


Meant to be YoursWhere stories live. Discover now