Chapter 10

1.9K 49 5
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Hoy, nakabili na ako ng ticket sa opening, ha. Bayaran n'yo ako, sobrang hassle kaya pumila," sabi ni Anika habang humuhugot ng upuan sa binigay na table sa amin ng receptionist.


Sabado ngayon kaya nagyaya ang mga kaibigan ko na pumunta ng mall. Marami-rami kaming nabili sa mga boutiques na favorite namin. Kanina pa kami paikot-ikot kaya nang makaramdam kami ng gutom ay naisipan naming kumain sa Soban. Na-miss na rin kasi namin mag-korean barbecue. Siguro ay mga 2 months na akong hindi nakapag-samgyup.


"Sige, magkano ba?" sagot ko nang makaupo ako sa harap niya. Magsisimula na kasi ang UAAP basketball next week, tapos opening game pa ang school namin. Napag-usapan namin na manonood kami ng live. Bukod sa hilig ko talaga ang basketball, requirement din sa PE namin na suportahan ang Thunder Wolves.


"3K," maikling sagot ni Anika na nilalagay ang mga paper bags niya sa ilalim ng mesa. Napatingin naman agad kami kay Anika nang marinig namin ang sagot niya.


"Gaga, 500 lang ang Patron seat, ah. Manggagantso amputa," Coleen snorted.


"Patron ba 'yan baka Gen Ad pa," Thara scoffed, rolling her eyes.


"Aba! Kayo pa ang galit. Pumila ako sa SM tickets kaninang umaga. Ang haba ng pila. Edi sana hindi ko na kayo sinabay. Mga walang utang na loob," Anika retorted. May hinahalughog siya sa bag niya, at nang makuha niya ang wallet niya, nilabas niya roon ang apat na ticket. "Hayan, isaksak n'yo sa mga baga ninyo, pero bayad muna." Naglahad pa siya ng kamay sa mesa, hinihingi ang bayad namin.


Hindi na ako nagreklamo. Hassle nga naman talaga pumila ng sobrang haba. Balita ko ay ubusan na ng ticket, kahit ka-re-release lang kanina.


"Puta, hindi talaga ako makaget-over. 3K? Hayop, parang hindi kaibigan," ani Thara na masama ang loob habang kumukuha ng pera sa wallet niya.


"Hoy, Anika, dapat may kasamang pagkain 'to. Tangina, wala na akong allowance next week," sabi naman ni Coleen sabay bigay ng tatlong libo kay Anika.


Kumuha na rin ako ng three thousand sa wallet ko, pero bago ko maibigay kay Anika ang bayad, tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko saka tiningnan kung sino ang tumatawag.


Unknown number?


Napakunot ang noo ko. Sino kaya 'to?


"Ay, wow, may jowa na si Miracle. May tumatawag na," Anika joked. Tapos kinurot pa ako sa braso. Pinakita ko agad ang screen ng phone ko para malaman nila na hindi ko kilala ang tumatawag.


"Sagutin ko ba?"


"Malamang! Pa'no mo malalaman kung sino 'yan kung hindi mo sasagutin? Block mo na lang after kapag hindi mo kilala," Thara suggested.


I nodded my head before answering the call. "Hello?"


"Where are you? Galing ako sa bahay n'yo. Wala ka."


"Who's this, please?" I asked, hindi ko kasi masyado mabosesan ang kausap ko dahil medyo maingay sa kinakainan namin.


"Kaiden."


Halos mabulunan ako nang marinig ko ang pangalan ni Lincoln. Kilala pa pala niya ako pagkatapos niya akong hindi pansinin ng halos dalawang buwan.


"Miracle, are you still there?"


"Ano'ng kailangan mo?" I asked calmly kahit na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa pagka-miss ko sa kaniya.


Meant to be YoursWhere stories live. Discover now