Chapter 19

1.9K 45 15
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Baby, kanina ka pa namin hinihintay sa baba. Mag-aalmusal na. Nasa baba na sina Thara," rinig kong sabi ni Mommy. Mas tinakpan ko pa ng unan ang mukha ko. Ayaw kong makita niya ang itsura ko!


"I'm not hungry, Mommy. Mauna na po kayong kumain. Gusto ko pa pong matulog."


"May masakit ba sa baby ko?"


"I just want to sleep, Mom, please?" I pleaded.


"Okay, baby. Padadalhan na lang kita kay Manang ng pagkain." Mom combed my hair with her fingertips. "Can I at least get a kiss?"


"Mommy, ikaw na lang po ang mag-kiss sa akin," sagot ko na nakapagpatawa kay Mommy. Baka makita niya ang sugat ko!


"You're acting so weird today, Miracle. But okay, baby," Mom mumbled and kissed my head.


Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto, kaagad akong sumilip kung nasa kuwarto pa si Mommy. Nang masigurado ko na wala na siya sa loob, I rushed to the vanity table and examined myself in the mirror.


"Oh, God." Napahawak ako sa lower lip ko. Sobrang namumula ang labi ko dahil sa maliliit na mga sugat. Halatang-halata kung ano'ng ginawa ko kagabi.


Halos mawalan ako ng hininga nang marinig kong bumukas ang pinto. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kanang kamay ko.


"Ayos ka lang ba? Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Thara nang umupo sa kama.


"Wala," I replied. Dahil sa nakatakip ang kamay ko sa bibig ko, hindi gaano malinaw ang sinabi ko.


"Parang tanga 'tong si Miracle. Bakit ba natin naging kaibigan 'to?" ani Anika na lumapit pa sa direksyon ko.


"Ano ba, 'wag kang lumapit!" sigaw ko pero huli na dahil nakalapit na si Anika.


"Hawakan mo ang kamay, Thara! Ako na sa paa. Coleen, ikaw sa baywang," utos pa ni Anika.


"Tangina," I cussed.


Kahit ano'ng mangyari, hindi ko tatanggalin 'tong kamay ko sa bibig ko. Magkamatayan na!


"Ano 'yang tinatago mo sa bibig mo, ha!" tanong ni Anika


"Wala nga!"


"Thara, kilitiin mo ang baywang!" utos naman ni Coleen na agad namang sinunod ni Thara. Dahil mahina ako sa kiliti, tawa ako nang tawa at tuluyan kong naalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko.


"Aha! Bakit may sugat 'yan?" tanong ni Thara na binitawan na ako at nakatingin na ngayon sa mga labi ko.


"Hoy, nagmomol ba kayo ni Lincoln? Hala? Yehey!" masayang sabi ni Coleen. At ang mga gaga, lahat ay tumalon sa tuwa. Wala na akong nagawa kundi magkuwento sa kanila.


"Gago, ang aggressive ni Lincoln. Nangangagat!" tawang-tawa na sabi ni Anika.


"Kinagat mo rin ba ang labi niya, Miracle? 'Wag mong sabihing hindi?" Coleen asked.


"I don't know how to kiss," I admitted. I even pouted my lips kasi iniisip ko kung nasarapan din ba si Lincoln sa paghalik sa akin. Siya lang kasi ang panay sipsip at kagat sa labi ko. Ngayon ko lang naisip na para akong estatwa kasi hindi ako gumagalaw habang hinahalikan niya ako.


"Hayan na nga ba ang sinasabi ko! Halika, manood tayo ng video. Porn marathon tayo," Thara suggested. Binato ko nga ng unan. Ang bastos kasi ng bunganga. "Heto naman, hindi na mabiro! Kissing tutorial lang sa YouTube."


Meant to be Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें