Chapter 7

1.9K 44 2
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Miracle, ano 'yon? Ano'ng nangyari? Jowa mo si Lincoln?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tabitha na masama ang tingin sa akin.


"Gaga ka, nagpanggap ka pang hindi mo kilala si Lincoln, pero jowa mo naman pala. Gusto kitang tirisin," sabi naman ni Tin at tinapunan rin ako ng masamang tingin.


I sighed. Nakaiinis naman kasi si Lincoln, e. Ngiti lang ang hiningi ko pero lumapit pa talaga siya sa akin. Dapat ay itinext na lang niya ako kung gusto niya akong i-invite na mag-sleepover. Hindi naman ako nagpalit ng number, e.


"Magsalita ka nga riyan. We deserve an explanation!" Umarteng umiiyak si Tab habang hawak-hawak ang dibdib niya na wari'y nasasaktan.


"Stop it, he's not my boyfriend," I exclaimed as I shallowed the last bite of my cake.


"Hoy, Miracle, huwag ka nang magsinungaling diyan. Mas lalo mo lang kaming sinasaktan ni Tab, e," Tin mumbled. I rolled my eyes.


"Totoo nga! Hindi ko boyfriend si Lincoln. He's just my... friend," I argued.  Napatingin naman ako sa mesa nina Lincoln. Napataas ang isa kong kilay nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Are they talking about me?


"Ang showbiz ng mga sagot mo. May friends bang ganoon? Puta, mamamatay ako kung ako ang kausapin ni Lincoln nang gano'n. Your lunch, Miracle. Is this your lunch?" natatawang sabi ni Tab na ginaya pa ang mga sinabi ni Lincoln sa akin kanina.


"Friends nga lang kami... since elementary," I bickered and gave them a stern look. "Huwag na nga nating pag-usapan si Lincoln. Mag-aral na lang tayo. Kapag ako nabagsak mamaya sa quiz, kasalanan ninyo."


"Oo na, oo na. Mag-aral na tayo. Pero last question... nag-kiss na ba kayo or nag-sex?" My eyes widened at Tin's question. Binato ko nga ng notebook. Ang bastos ng bunganga, e. "Aray naman! Nagtatanong lang, e!"


"Why would we do that?! We're just friends!"


"Kaya nga, puwede namang friends with benefits, ah! Hoy, ako talaga hindi naniniwala na wala kayong something. Nase-sense ko na mayroong isa sa inyo ang may gusto o pareho ninyong gusto ang isa't-isa."


"Tin's right! 'Wag puro dede ang pairalin, mag-isip ka naman!" Aba, tangina ng dalawang 'to. Pinagtutulungan ako.


Napatingin tuloy ako sa boobs ko. Malaki nga, pero sakto lang naman sa katawan ko. Medyo malaman ako kaya malaki-laki rin ang akin.


Hindi ko na pinansin ang dalawa dahil hahaba lang ang usapan namin kung magsasalita pa ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang umiinom ng kape.


"Miracle naman, e. 'Yung totoo nga kasi! Nag-sex na nga kayo?" tanong ni Tin.


Puta, hindi pa rin tumitigil!


"Hindi nga!" I hissed. "Fresh pa 'to."


"E, bakit ganoon kayo mag-usap? I swear, iba talaga. The way he looks at you, the way ka niya hawakan, the way ka niya pagalitan kasi akala niya ito na 'yung lunch mo. The way ka niya ipakilala sa mga friends niya, parang sobrang proud siya sa'yo para ipakilala ka. Ugh! Sobrang cute lang," ani Tab.


"Totoo! Kahit masakit, sobrang bagay kayo ni Lincoln. Close mo pa ang parents niya. Sana all."


Hindi tumigil ang dalawa sa kaaasar sa akin kaya sinisi ko sila nang mag-alas-dos na at wala pa akong na-memorize. 3 PM kasi ang klase namin kay Sir Alarcon kaya kailangan na naming bumalik ng USI.


Meant to be YoursNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ