Chapter 18

1.9K 49 4
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





"Miracle, magrelax ka nga!" sigaw ni Coleen sa akin. Kanina pa kasi ako naglalakad pabalik-balik sa kuwarto ko. Hindi kasi ako mapakali. Lincoln called me 4 times this morning tapos hindi ko nasagot dahil naliligo ako. Tapos nagtext siya na kinakabahan daw siya at gusto niya akong makita.


"Kinakabahan nga si Lincoln, e! Kinakabahan din ako," sagot ko.


"Nasaan na ba kasi si Anika? Nasa kaniya ang tickets natin," Coleen said.


"Tawagan mo na kaya muna si Lincoln," suhestiyon naman ni Thara


"Hindi nga sinasagot-" Napatigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Lincoln. Thank God, he called!


"Hello?" I greeted. Pumasok din ako sa closet ko para hindi ako marinig ni Thara at Coleen.


"Miracle."


"I'm sorry, I took a bath kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo kanina. What's wrong? Bakit ka kinakabahan?"


"I want to see you. Come here."


"Wala pa si Anika, Lincoln. She has our tickets."


"Okay, I'll just wait for you here." Ano ba 'yan! He sounded tense! Gusto ko na tuloy siyang makita para mayakap ko siya.


"Hey, you can do it, Link. If you've done it before, there's no doubt that you can't do it now. Saka, win or lose, I'm still proud of you."


"How do you do that? You always say the right things. That's why I always seek for your presence. You calm me, do you know that?"


"What?"


"Just come here already, Miracle. I want to hug you so bad." Gago, bakit ganito siya kalandi ngayon? Mamamatay na yata ako sa kilig.


I hung up after telling Lincoln I'll call Anika. Pero hindi na pala kailangan dahil paglabas ko ng closet ay naroon na siya.


Kaagad ko siyang tiningnan nang masama. "Okay, I'm sorry! Na-late ako ng gising. Pero ang aga pa naman, ah!" depensa ni Anika na inaayos pa ang buhok niya. Halatang kagagaling lang maligo.


"Nakaiinis ka naman, e! Halika na nga," sabi ko saka kinuha na ang bag ko. Naka-plain blue knitted croptop lang ako saka black leggings. Nagdala rin ako ng jacket at nagsuot ng white cap.


Nang makasakay kaming apat sa kotse ni Thara, hindi ko maiwasang pansinin ang damit ni Anika. Magkatabi kasi kami sa backseat, samantalang si Thara ang driver at si Coleen ang nasa shotgun seat.


"Ano'ng meron at may pa-turtleneck ka?"


"Ha? Wala. Pake mo ba," sagot niya na halatang may tinatago.


"Patingin nga ng leeg mo. Bakit may mga pula-pula riyan?" I spotted a hickey! Kaya naman pala late nagising! Nagpakain pala ng mani.


"Okay, fine. Jerome and I had sex last night," kuwento ni Anika na parang kinikilig pa.


"Hala, inggit ako. Na-miss ko tuloy ang jowa ko. 2 weeks na akong tigang," ani Coleen na nakanguso pa.


"Ako nga 3 weeks na, e. Umuwi si Joe ng Pampanga," sabi naman ni Thara.


"Girls, 'di ba napag-usapan na natin 'to na hindi natin pag-uusapan ang sex life natin kapag nandito si Miracle?" Anika said. Napailing na lang ako.


Meant to be YoursWhere stories live. Discover now