Chapter 1

3.1K 67 17
                                    

𝙈𝙄𝙍𝘼𝘾𝙇𝙀 𝘼𝙇𝙀𝙓𝙄𝙎





Hello, Miracle Alexis,

CONGRATULATIONS!

Thank you for your participation in the USIET 2020 held in September of last year with more than 100,000 applicants. We are pleased to inform you that the University of Saint Isaac has determined that your application meets the requirements for admission.

We are glad to admit you as a freshman to the following:

USI MAIN CAMPUS, BACHELOR OF SCIENCE IN ARCHITECTURE
First Semester, SY 2020-2021

To be part of the USI community, please reply to this offer starting April 3, 2020 until April 30, 2020. Please follow the instructions below on how to accept this offer.

We look forward to welcoming you to USI this coming year!





Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang sulat sa akin ng USI. I can't believe I passed the admission test. I'm not one of those bright students who always aces their exams. I'm an average. I did a lot of studying before the day of my exam because I really want to study at USI. That's my dream school, so hearing the positive news made me very happy.


I took nine entrance exams and was accepted to eight universities. Pero iba talaga ang puwang ng USI sa puso ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa sulat nila sa akin. Para tuloy akong nakatanggap ng love letter galing sa crush ko.


Tumayo na ako para ibalita kina Mommy na nakapasa ako. Siguradong matutuwa sila para sa akin. Umuwi ba naman ako na umiiyak pagkatapos ng exam ko noong September.


"Mom! Dad!" sigaw ko habang pababa pa lang ng hagdan. Kaagad akong sinalubong ni Daddy. Siguro ay natakot sa sigaw ko kaya napatakbo agad sa akin.


"Baby, careful," suway ni Daddy saka hinawakan ako sa kamay para alalayan. Napakaprotective talaga kahit 18 na ako. "What happened? Why are you shouting?"


"It's a secret, Dad. Nasaan po si Mommy? Dapat ay sabay ninyong malaman."


"Did you pass the USIET?" Kaagad na lumaki ang mga mata ko.


"Dad! Okay, you got me. I did pass the admission test," sabi ko habang pinapakita sa kaniya ang sulat na natanggap ko galing sa USI. Nakita ko kung paano lumaki ang ngiti ni Daddy. My heart melt, and I live for this. Gusto ko ay palaging masaya ang magulang ko.


"Wow! I'm so proud of you, baby." My dad hugged me. 'Yung yakap na ramdam na ramdam mong proud na proud siya sa'yo. "Ang galing naman ng baby ko." He kissed my forehead. "I told you, makapapasa ka. Ikaw lang naman ang ayaw maniwala. Nagmana ka yata sa akin," biro ni Daddy na nakapagpatawa sa akin.


Dad and I headed to the dining room to see Mom. I'm sure she's preparing our lunch. She always cooks for us even though we have a lot of helpers. "Daddy, kapag sinabi ko kay Mommy 'to, dapat mabibigla ka. Dapat kunwaring wala ka pang alam. Bahala ka, magagalit 'yon kasi huli siya sa balita," bulong ko kay Daddy dahil malapit na kami sa hapag-kainan. Tumango naman si Daddy pero bago pa man siya makasagot, nakita na kami ni Mommy.


"Miracle, ano'ng nangyari? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mommy. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.


"Hi, Mom." I kissed her cheek. "I'm perfectly fine but there's something I want to tell you," I began. "Mom" —I looked at her then at my dad— "Dad, I passed the USIET!"


"Really, baby? Wow! I'm so proud of you!" sigaw ni Daddy na akala mo ay karirinig lang niya ng balita. "Sabi ko na sa'yo, papasa ka. Siyempre kanino ka pa ba magmamana? Edi sa Mommy mo!" dugtong pa niya. Kanina lang ang sabi niya ay nagmana raw ako sa kaniya, tapos ngayong nandito na si Mommy, kay Mommy na raw ako nagmana. Tawang-tawa kami pareho ni Daddy habang si Mommy naman ay hindi kumikibo. Nang tingnan ko ay umiiyak na pala ito.


"Mom, why are you crying?" I chuckled. She cried even more kaya niyakap siya ni Daddy.


"Wala lang, I'm just happy and proud of you, Miracle. I don't think I'll be able to bear the pain if you didn't pass the exam. I know how badly you wanted this," Mom said. Sobrang suwerte ko talaga sa magulang ko, kaya lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila lagi.


"Mom, I love you." I kissed her cheek. Tumingin naman ako kay Daddy at hinalikan din siya sa pisngi. "I love you, Dad. Thank you for everything."


"Mahal na mahal ka namin, Miracle. I can't even believe na magco-college ka na. Time flies so fast," Mom uttered.


"I love you, baby. Ihanda mo na ang sarili mo dahil baka magka-boyfriend ka na sa pasukan," ani Daddy na kung tumingin sa akin ay parang nanunukso. "Tumawag ang daddy ng manok ko, uuwi na raw sila rito sa pasukan, at sa USI rin mag-aaral ang manok ko."


Putangina?


Manok ni Daddy = Lincoln Kaiden Gomez


Parang hindi ako makahinga bigla. Totoo ba? Uuwi na si Lincoln after almost 4 years? Kanina lang ay sobrang excited ako, pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.





Meant to be YoursWhere stories live. Discover now