"Thank you so much, Jaide, for letting us have you here in our show! Everyone, Miss Jaide Macquez!" pasalamat ng host. Nagsabi pa siya ng kung ano-anong ending remarks bago tuluyang na-cut ang live show.


This is my life now. Influencers and famous television shows are inviting me for interviews and some guesting. I'm just taking everything lightly. Paulit-ulit lang naman halos ang mga tanong nila kaya paulit-ulit lang din ang isinasagot ko.


"Thank you po. Thank you for having me! Good work everyone!" I thanked all the staffs na madadaanan ko.


Bumalik ako sa dressing room at nagpalit ng casual na outfit. Kinausap ko rin ang personal assistant ko para sa mga susunod na activities at guestings. I also have my manager. Siya ang nag-aasikaso sa schedule ko at tumatanggap ng mga offers. Matapos kong magtanggal ng make up, napansin ko ang mga bagong mukha na nasa loob ng dressing room. Mga iinterviewhin yata sa susunod na time slot. I greeted them and gave them a small smile which they returned back to me.


"Isay, do I have a meeting this afternoon?" tanong ko sa personal assistant kong nag-aayos ng iba naming mga gamit.


Pinasadahan niya ng tingin ang iPad na hawak. "Miss Jaide, free na po kayo simula ngayon hanggang bukas. Then meron po kayong photoshoot sa sumunod na araw."


"Okay. I'll be just in my house this afternoon. You can go home and rest na. Salamat," I smiled at her. As much as possible, ayokong maabala sila sa personal nilang buhay. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ko ng tulong nila.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagdial sa bagong number ni Solaire. Ilang ring pa lang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.


[Yes? Hello? Dr. Guevarra speaking.]


"Wow, professional ka na ngayon. Sana all," biro ko sa kaniya.


Nagkaroon ng katahimikan sa kabila ng linya bago siya sumagot. [Oh, Jaide Alastair, buhay ka pa pala?! Akala ko nakahanap ka na ng sugar daddy sa Japan.]


"What the fuck is wrong with you, people? Lahat na lang yata ay 'yong Japanese na 'yon ang pambati sa'kin."


[Iyan kasi,] sisi niya sa'kin. [Alam mong sikat ka na tapos kung sino-sino ang kinakatagpo mo. Sino ba 'yan? Hindi ko pa nakikita sa soc meds ko. Gwapo ba?]


"Yeah, gwapo. But not my type," I rolled my eyes as if she can see it.


[Anyway, busy ka ba? Let's meet later. Wala namang gagawin diba?]


"Yeah, wala naman dahil tapos na lahat ng guesting ko. Pahinga na lang ako hanggang bukas. Why?"


[Good! Let's go clubbing. Na-miss ko nang uminom at maghanap ng gwapo! You can't say no. I'm gonna call Creed and Iah. Bye!]


Totoo ngang hindi ako nakahindi sa kaniya. Pinatay na niya agad ang tawag kahit hindi pa ako sumasagot.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now