Part 28

1.1K 67 6
                                    


Christian's POV

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang magsalita.

"Noong una palang kitang makita pagpasok mo sa room.." tumawa ako ng bahagya. "Nagustuhan na kita. Nainlove na ako sayo.." pag'aamin ko.

"Alam mo ba lalong lumalim ang pagkakagusto ko sayo simula ng tumira ka dito.." naalala ko pa kung paano kiligin at excited na umuwi para mabusohan siya.

"Ang saya saya ko non kasi makikita na kita araw araw hindi lang yon kasi makakasama pa kita" ngumiti ako sa kanya.

"habang tumatagal unti unting nabubuo ang pagkagusto ko sayo pero lalo lang nabuo yon nung.." napaiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako umamin. "nung may nangyari sa atin" tumingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na nakikinig.

"Palagay ko Cyfer mahal na kita non haha.. mahal na mahal.. kahit na sa sandali natin pagkakalilala nahulog na ako ng husto sayo nakakatawa diba marupok kasi ako haha.." natatawa ako sa pag aamin ko.

"..Pero walang biro matagal ko na tong pinagdadasal na sana dumating na yong taong magmamahal sa akin at tanggap ako sa tingin ko nga bigay ka ng diyos sa akin kasi may hiningi akong sign eh lahat ng yon nakita ko dito sa bahay nato at sayo"

Totoo yon pinagdasal ko sa diyos na bigyan ako ng taong magmamahal sa akin at tatanggap sa pagkatao ko lahat ng yon nangyari. Humingi pa ako ng sign kung si Cyfer na ba yon pero lahat ng hiningi ko ay nangyari kaya naman sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya papakawalan pa.

Lumunok laway siya. Nagsalubong pa ang kilay niya at yumuko.

"kaya ang sagot ko sa tanong mo.. Mahal kita higit pa sa buhay ko.. Sasama ako sayo kahit saan ka magpunta.. Susunod lang ako dito sa puso kung saan man ako dalhin nito" maluha luha kong sabi.

"Kaya maghihintay ako sayo at tutulongan kitang makalimot sa ex mo dahil yon ang pangako ko sayo" ngumiti ako ng tipid.

"Mamahalin mo pa kaya ako oras na malaman mo ang totoo? At kahit na may kasalanan ako sayo?" tanong niya.

Nagtaka naman ako dahil wala naman akong maalalang ginawa niyang kasalanan sa akin. Saka anong totoo ang sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? Saka hindi ko maintindihan ano bang kasalanan yon" tanong ko na nagugulahan.

Bumuntong hininga siya.

"Talagang hindi mo ako maiintindihan.."  medyo tumaas ng bahagya ang tono ng boses niya. "Alam mo baka talaga hindi ako ang para sayo!" Halos malaglag pa ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

Nagugulohan ako. Kanina tinatanong niya ako kung gaano ko siya kamahal.

Tumayo siya at tumingin sa akin ng masama. "Alam mo hindi ko kayo ma-intindihan.." kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. "Ano bang mayron sa diyos na yan ha?!" galit niyang sabi.

Sa totoo lang siya ang hindi ko maintindihan.

"Para sabihin ko sayo hindi ako bigay ng diyos MO sayo.. Hangal! Magsama kayo ng diyos mo!" sigaw niya sa akin. Ngayon ko lang siyang nakita na ganitong kagalit.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya ano bang nangyayari sa kanya. Wala naman akong maalalang sinabing masama sa kanya para sigawan ako ng ganito.

Galit ba siya sa diyos? Sa panginoon..

"Anong nangyayari? Ayos ka lang ba? Bakit ka galit? Anong problema?" sunod sunod na tanong ko.

Umiling iling siya at huminga ng malalim. "Baka hindi ako ang para sayo" sabi niya at yumuko.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now