Part 64 | s-2

1.4K 56 42
                                    

Christian's pov




Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil sa marahang humahaplos sa buhok ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko para makita kung sino ang gumagawa non.

Nang makita ko kung sino. Napabangon ako bigla. At agad na umusog palayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Matalim rin ang tingin na pinupukol ko sa kanya.

Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Binabantayan ka" mahina nyang sagot.

"Tsk! Binabantayan? Sa tingin mo ba makakatakas ako sa lagay ko na to?" patakoy ko sa kadena at sa kulongan na kubong na kubong.

Hindi nya ako pinansin sa halip pinagtuonan nya ng pansin ang pagkain.

"Bat hindi kapa kumakain? Kumain ka para makabawi ka ng lakas" sabi nya ng makita nyang walang bawas ang pagkain na bigay nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ako nagugutom" pabalang kong sabi.

Rinig ko ang paghinga nya ng malalim. Nanahimik na rin sya sa tabi. Kita ko sa gilid ng mata kong nakatitig lang sya sa pagkain.

Naalala ko ulit yong mga sinabi nya kanina.  Halo-halong emosyon ang naramdaman ko kanina. Hanggang sa hindi ko nakayanan umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako. Tapos magigising ako hinahaplos na nya ang ulo ko.

Tapos nakaramdam ako ng konsensya at awa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Bakit ako nakukonsensya at naawa sa kanya.

"Sa totoo lang naiinggit ako sayo dahil ikaw mahal ka ng tunay nating ina, samantalang ako tinapon dahil ganito ako, bakit? dahil halimaw ako? Salot? Demonyo.."

Huminga ako ng malalim at pumukit. Naalala ko yong itsura nya nung sinabi nya yon. Ramdam ko yong lungkot at hinanakit sa boses nya.

"Ayaw mo ba ng pagkain? May gusto ka bang iba? Anong gusto mo?" basag nya sa katahimikan.

Makapagtanong akala mo naman kung sinong maalagang kuya sa kapatid.

Tumingin ako sa kanya sakto namang nakatingin sya sa akin.

"Kahit ano?" mapaghamon kong tanong. Alanganin naman syang napatango.

"Buhayin mo Papa ko kaya mo?" taas kilay kong tanong.

Napalunok sya at napayuko. "Hindi ko talaga sinasadya—

—hays! Paulit-ulit nalang. Tumahimik ka nalang o di kaya umalis ka nalang" putol ko sa sasabihin nya. Lugmok syang napayuko. Akala mo aping-api sya sa itsura nya.

Huminga ako ng malalim.

"Mayron bang pumatay na hindi sinasadya? Sempre wala" tanong ko sagot ko.

"Wal—

—wala ka sa sarili?" pagak akong tumawa. "Hindi ko sinasadya kasi wala ako sa sarili.. Linyahan ng mga pumapatay" napa-iling ako. Lumang palusot.

"Si Devies nilason nya ang isipan ko—

—kita mo nga naman tatay mo ang pumatay sakin diba" agad syang napatingin sa akin. Gulat. yan ang nakikita ko sa mukha nya.

Napatitig sya sa akin. Hindi nya siguro inaakala na alam kong tatay nya ang demonyong yon. Walang emosyon akong tumitig sa kanya.

"Tatay mo ang pumatay sakin tapos ikaw ang pumatay sa Papa ko, Kapatid ko ang pumatay sa Papa ko" punong-punong hinanakit na sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nagbabadyang pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan. Napaiyak na ako.

"Alam mo bang magkapatid tayo?" sinamaan ko sya ng tingin. "Pero hindi bale na alam mo man o hindi sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi kita kikilalanin bilang kapatid dahil galit ako sayo! galit na galit.. Hindi kita matatawag na kapatid dahil sa ginawa mo" 

Nakita ko ang paglamlam ng mata nya. Namamasa. Tanda ng paiyak na rin sya. Bigla syang tumayo at lumapit sakin. Niyakap nya ako ng mahigpit na kinagulat ko.

"Patawarin mo ko.. Patawarin mo sana si kuya.. Ikaw nalang ang pamilya ko Christian.. Ayaw ko ng mag-isa.. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako.. Patawarin mo si kuya please" sabi nya habang umiiyak na nakayakap sa akin. Naestatwa ako sa kinalalagyan ko.

Mas lalo rin akong napaiyak ng marinig ko hikbi nya. Taena. Bakit ang sakit sa dibdib.

Umiling ako at nagpunas ng luha.

"Pinatay mo Papa ko Denver! Pinatay mo! Ang sama-sama mo! Nag makaawa ako sayo non hindi mo pinakinggan.." hagulgol ko.

"Patawarin mo ako.. nilason ng demonyong yong ang isip ko maniwla ka.. Hindi ko ginusto ang nangyari.. Please maniwala ka sa kuya.."

Umiling lang ako ng umiling habang humahagulgol. Umiiyak rin sya habang inaalo ako.

"Please maniwala ka sa kuya.." mas lalo akong napapaiyak ng marinig ko ang 'kuya'.

Umiiyak lang ako habang nilalabas ko ang hinanakit ko sa kanya. Lahat ng galit ko sa kanya nilabas ko. Sinabihan ko sya ng masasakit na salita at sinumpa ng harap-harapan.

Wala syang sinabing iba kundi 'Patawarin mo si kuya' habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.

Walang ibang maririnig sa selda kundi iyak ko at pag-aalo ni Denver sa akin.

Aaminin kung may kunti akong nararamdaman na kakaiba na para bang ang gaan sa dibdib habang nakayap sya sa akin. Hindi ko maintindihan.

Galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya diba.

Dapat galit ako sa kanya, dapat itulak ko sya palayo pero hindi ko magawa.

May parte sa akin na intindihin sya, na pakinggan sya at patawarin ko sya. Pero sa tuwing naalala ko yong ginawa sya sa Papa ko. Pinapangunahan ako ng galit at pagkamuhi sa kanya.

Ilang oras pa kaming nasa ganong posisyon. Nakayakap pa rin sya sa akin habang inaalo ako. Hikbi nalang ang maririnig sa akin. Nakakapagod umiyak.

"Shhh' tahan na.." bulong nya.

Umiling-iling ako. "Galit ako sayo.. Demonyo ka"

"Uhmm' galit ka sa akin, galit na galit ka sa kuya" huminga sya. "Tatangapin lahat ng kuya ang galit mo kung yan lang tanging paraan para mabawasan ang galit mo tatanggapin ko lahat" marahan nyang sabi.

Umiling lang ako. Pagod na ako. Ayaw ko na magsalita.

"Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako.. Babawi si kuya—

—Hindi kita kuya!.. Hindi kita kapatid!" mariin kong sabi. Humigpit ang yakap nya sakin.

"Hindi ako titigil hanggang sa mapatawad mo ako.. Kahit parihas kayo ni Ina na ayaw sakin dahil demonyo ako mahal ko kayo..

..gusto kong maranasan na may nagmamahal din sakin kahit ganito ako.." humikbi sya.

"Ang sakit sa pakiramdam na ayaw sayo ng pamilya mo..

..Gusto ko lang naman maranasan na may natatawag na pamilya"

Pagkatapos nyang sabihin yon lalo pang humigpit ang yakap nya sakin.

Umiling ako. Hindi ko alam kung kaya kong gawin yon.

Pinatay nya Papa ko.

Pilit akong kumakalas sa yakap nya.

"Lumayo ka sa akin.. Hindi kita kapatid!"




---

TO BE CONTINUED...

   Don't forget to vote! ❤🥀

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon