Part 48 | s-2

503 43 10
                                    

Christian's pov

Nakakailang.

O ako lang ang naiilang.

Sandaling katahimikan ang sumakop sa aming dalawa.

Maya maya sabay kaming tumikhim dahilan para magtawanan kami.

"Ang seryoso mo naman" sabi nya ng maka recover ng tawa.

Kasalanan mo kaya shunga.

"Ikaw kasi eh kung anu-ano sinasabi mo" paninisi ko.

"umm.." taka niyang tinuro ang sarili.  "Bakit ano ba sinabi ko at naging seryoso ka dyan?" tanong niya. Oo nga no.

Teka parang pinapahiya ako ng anghel nato ah.

Namali ba ako ng naisip.

Tinignan ko sya ng seryoso. Mata sa mata. At anghel ayon umiwas ng tingin.

Hindi rin naka iwas sakin ang pamumula ng dalawang taynga niya.

"Wala yon wag mo isipin" sagot niya tapos agad na tumalikod. Oh diba. Kala mo ha.

Tapos naglakad siya patungo sa kulay pulang pinto.

Hindi ko maiwasan pagmasdan ang malapad niyang likod. Bawat hakbang niya nag feflex ang mga muscle niya sa paa. Umakyat ang paningin ko sa mga braso niyang batak na batak. Parang gusto kong hawakan at pisil pisilin.

At siguradong may abs itong anghel nato. Ilan kaya abs niya? Gusto kong bilangin. Shit

Hindi ko namamalayang nag iinit na pala ang buong katawan ko. Jusko!

"Charistian—

"Ay! ilan abs mo!" gulat kong sabi.

shuta anong sinabi ko?

Narinig ko ang mahinang tawa nito.

Taena nanggugulat kasi.

"tsk! Bakit kaba nanggugulat?"  inirapan ko nga. para iwas kahihiyan ba.

"Haha sus kanina kapa tulala diyan kanina pa kaya kita tinatawag" tapos ngumisi siya ng nakaka loko.

Iniripan ko nga ulit.

"Tara dito" aya niya tapos kumintad pa.

"H-ha? Bakit?" bakit nangingindat pa.

"Gusto mo ata bilangin abs ko?" sabi niya habang taas-baba pa ang isang kilay niya.

Ako? Ito ramdam ko pag init ng mga pisngi ko.

Nag iwas ako ng tingin. "Ha? Pinagsasabi mo diyan?" sige deny pa.

"Haha sige kunyari wala ako narinig" oo mabuti pa nga. "Tara dito may ipapakita ako" tawag niya.

Tinignan ko siya baka kasi kalokohan nanaman ang sasabihin niya. Pero ewan koba parang gusto ko naman yong ginagawa niya. Hehe

Nang hindi parin ako kumikilos sinenyes nya yong pinto don ko lang napansin na nasa tabi na pala siya ng pulang pinto.

Huminga muna ako ng malalim. Bago lumapit.

Puro kamanyakan kasi nasa isip. Hays!

Dahan-dahan akong lumapit. Huminto ako ng medyo may agwat sa kanya. Tapos si anghel ayon nakatitig pala sa akin tapos naka ngiti pa.

Tinaasahan ko siya ng isang kilay. Taray diba ako na nagnanasaha ako pa yong mataray.

"Ano na?" naka nguso kong tanong.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now