Part 51 | s-2

489 34 1
                                    


Wag i-scape ang mga sumusunod na chapter. Para hindi mapatanong ng.. "bakit ganon" , "bakit ganito" , "Sino siya" ganern. :)






Narrator

May isang mumunting kubong nakatayo sa isang matayug na bundok. Wala ni isang mamamayan ng Pangasinense ang nakaka-akyat sa matayug na bundok. Wala ring nagbabalak umakyat sa bundok dahil mapanganib.

Sa mumunting kubo may isang binata ang nakatira doon.

Binatang may maliit na sungay sa noo.

Lumabas siya ng kubo at umupo sa harap ng pinto.

Sersoyo ang mukha ngunit purong kalungkotan ang makikita sa pares ng kanyang mata.

Kalungkotan dahil sa pangungulila sa kanyang mga magulang.

Taon na rin ang nakalipas ng pumunaw ang kanyang ina at ama dahil sa nangyaring trahedya na kagagawan ng mga mapanghusgang mga tao.

"Nanay, Tatay namimiss kona po kayo" malungkot nitong bulong. Dumungaw siya sa mga nagkikislapang bituin.

"Patawad Nay napanakit ako ng mga inosenting tao.." usap niya sa mga bituin na akala mo'y naririnig siya ng kanyang magulang.

Pinangaralan siya ng kanyang ina na wag manakit ng tao. Noong bata palang siya ay hindi siya lumalayo kanilang tahanan. Kung lalabas man siya ay hanggang sa sakop lang ng kanilang bahay at sa ilog na malapit sa kanila upang maligo. 

Napatunayan namang niyang may mabubuti at nakaka unawa sa kanya sa kabila ng kakaiba niyang itsura katulad nalang ng kanyang nanay at tatay. Maliban sa kanila may nakilala rin siyang mabuting tao.

Si Danilo, Dandan ang tawag niya sa kaibigan at Denden naman ang tawag sa kanya ng kaibigan. Simula bata palang ay si Dandan lamang ang nakakalaro niya sa kanilang baryo.

Mabait siya at hindi siya nito hinusgahan sa kabila ng kanyang itsura. Bagkus naging matalik silang magkaibigan. Hanggang sa paglaki nila. Nagkahiwalay lamang sila nung umalis si Dandan sa baryo at nagpunta sa Maynila kasama ang pamilya.

Pansin rin noon ni Denver na may kakaibang pagtangin sa kanya ang kaibigan. Hanggang sa umamin nga ito sa kanya na may gusto sa kanya si Dandan.

Kaya't hindi niya magawang umalis sa  baryo dahil hinihintay niya na bumalik ang matalik na kaibigan at maliban doon handa na siya.

Handa na siyang tanggapin ang pagtingin nito sa kanya.

Dumukdok siya. "Nanay hindi ko sinasadya.." mangiyak-ngiyak niyang saad.  "Nilamon ako ng galit at poot dahil sa ginawa nila sa inyo ni Tatay.." napakuyom ang kanyang kamay ng maalaa ang karahasan ng mga tao. "Saka may lalakeng demonyo na nagpakilala sa akin na siya raw ang tunay kong Tatay.." naalala niyang muli noong may lumitaw na demonyo sa kanyang mumunting kubo at nagpakilala sa kanya na siya ang ama nito.

"May ginawa siya sa akin kaya nagbago ako.." sumbong nito. "Pero nawala rin yon nung mamatay siya bumalik ako sa dati.. Patawad Nanay hindi ko sinasadya ang lahat"

Hindi siya nananakit ng tao. Yon kasi ang turo at pangaral sa kanya ng kanyang Nanay. Maliban nalang kung may gagawin sa kanya na hindi maganda.

Ilang minuto pa siyang nakadukdok at inaalala ang masasayang nangyari noong kasama pa niya ang Nanay at Tatay.

Maya maya ay may naramdaman siyang paparating kaya't naging alerto si Denver.

Tumayo siya at hinanda ang sarili.

Hindi nagtagal may isang demonyong babae ang lumitaw sa kanyang harapan.

Naalala niya kung sino ito. Minsan niya na itong nakita. Walang emosyon ang babae na nakatingin sa kanya.

Hot and Sexy DevilDove le storie prendono vita. Scoprilo ora