Part 44 | s-2

613 43 14
                                    

Trivia; no. 1 - Demons of Lust

Asmodeus

In the Malleus Maleficarum (1486), Asmodeus was considered the demon of lust. Sebastien Michaelis said that his adversary is St. John. Some demonologists of the 16th century assigned a month to a demon and considered November to be the month in which Asmodai's power was strongest.

(source wikipedia)

Correct me if im wrong.




Christian's pov

Nagising ang diwa ko dahil may dalawang tao akong naririnig na nag-uusap. Didilat na sana ako kaso natigil ako dahil narinig ko ang pangalan ko, pinag-uusapan ata nila ako.

"Anong pangalan niya" rinig kong tanong ng isang boses ng lalake.

"Christian" parang bagot na sagot ng kilala kong boses.

"Kay gandang pangalan marahil kinuha ang pangalan niya sa ating mahal na Diyos, bagay na bagay sa kanyang napaka ctue na mukha anghel na anghel ang itsura niya." tama nga ako, ako nga ang pinag uusapan nila. At gusto kong gumiti dahil sa narinig.

"tsk!" maka'tsk naman tong nathaniel  na'to.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo archangel Nathaniel? Hindi kaba na-cucutan sa kanya?" rinig kong tanong ng lalake.

Kaya nga hindi ba siya na-cucutan sa akin?

Hindi siya sumagot. Pero ramdam kong nakakatitig ang mga mata nito sa akin.

"mmm..  Hindi naman bawal umibig sa—aray! Bakit ka nambabatok?" pagrereklamo ng lalake. "Ang shakittt huhu"

Bad angel! Nananakit ng kapwa angel.

"Dumilat kana diyan Christian alam kong gising ka" sabi niya. Wait. Paano niya nalaman?.

Dahan-dahan akong dumilat at umayos ng upo. Nakatulog pala ako.

Nagsalubong ang mata namin ni Nathaniel. Titig na titig siya sa akin, ang lalim para akong nalulunod sa uri ng tingin niya sa akin.

Napa-iwas ako sa kanya ng marinig ko ang dumadaing na lalake. Nakita ko yong lalakeng naghihimas ng ulo sa tabi ni Nathaniel. Siya malamang yong binatokan.

Bigla itong natigil at namumula ang mukha ng makita ako.

"Kanina ka pa ba gising? Narinig mo ba yong pinag-usapan namin" nauutal niyang tanong.

Tumango naman ako. "Akala ko nga nananaginip ako pero totoo pala yong naririnig ko" sagot ko sa kanya.

Dahilan para lalo siyang mamula. Tinitigan ko siya ng husto. Ay! ang gwapo niya.

Ang cute ng mapula-pula niyang may kanipisan na lips. Pero mas bet ko pa rin yong lips ni Nathaniel medyo makapal pero kissable lips parin, nakaka-akit.

Tumikhim si Nathaniel dahilan para matigil ako sa pag kukumpara sa kanilang dalawa.

"Lucio lumabas kana may pag usapan pa kami" maotoridad na utos ni nathaniel sa lalakeng Lucio pala ng pangalan, bagay sa kanya.

Pero parang ayaw pa umalis nung Lucio kaya nakakuha ito ng matalim na tingin kay nathaniel, kaya wala siyang  nagawa kundi tumayo.

"Sige mauna na ako" naka ngiti niyang paalam.

Tumango naman ako. "Sige po"

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarting siya sa pinto.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now