Part 24

1.1K 68 1
                                    

Daniel's POV

"Tes.. Bakit mo naman hinayaan na makasama ng anak ko si Cyfer"  bahagya siyang yumuko dahil napataas na ang tono ng boses ko.

Nag angat siya ng ulo at tumingin sa akin. "Daniel.. hindi ko alam" mahinang sagot niya. Yon lang ang nasabi niya. Halatang wala nga siyang alam na magkasama na pala ang anak ko at si Cyfer.

Hindi lang basta magkasama. Magkasama pa sa iisang bahay. Kahapon ko lang din napag alaman na magkasama pala sila sa iisang bahay.

"Magkasama pa sila sa iisang bahay Tes, Alam mo ba kung saan?" umiling siya. "Sa dating apartment ni Ashley"

Napahilamos siya ng mukha dahil sa sinabi ko. Siya man din ay nagulat sa balita ko.

"Tes ikaw nalang ang inaasahan kong tao na makaka pagbantay sa anak namin ni Ashley." hindi naman sa sinisisi ko siya.  Pero dahil sa takot ko parang lumalabas sa bibig ko ay ang sinisisi siya.

"hindi ako pwedeng makita ni Cyfer hindi na ako archangel Tes tao na ako wala na akong laban sa kanya" dugtong ko pa.

Totoo yon tao na ako at wala na akong kapangyarihan. Hindi na ako archangel sa ngayon lakas ng loob at tibay ng katawan nalang ang ma-i-tatapat ko kay Cyfer na alam kong tatawanan lang niya ako dahil wala na akong laban sa kanya.

"Hayaan mo kaka-usapin ko siya Daniel alam mo naman mahal na mahal ko yong batang yon eh parang anak ko narin siya alam mo yan, Simula ng mamatay ang kapatid ko pati ang mga magulang ko siya nalang ang natitirang pamilya ko" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango. Ramdam ko ang pag mamahal niya sa anak ko. Alam kong napalaki niya ng maayos at mabuting tao si Christian. 

Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid.

"May isa pang problema Tes" basag ko sa katahimikan. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba ito. Pero kailangan dahil pamangkin din niya si Denver.

"Tes alam mo ba kung sino ang may gawa ng mga pagpatay ng mga tao sa Santa Maria?" umiling siya. Huminga ako ng malalim. "Si Denver".

Nakita ko ang pagka-gulat niya.

"Buhay siya marites.. At si Denver ang may gawa ng mga pagpatay sa Santa maria—

"Buhay siya? Paano ka nakakasiguro na si denver yon" putol niya sa sasabihin ko.

Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana at dumungaw siya sa labas.

Denver ang pangalan ng unang anak ni Ashley hindi niya ito tanggap kaya si Marites nalang ang nagbigay ng pangalan sa bata, pero dahil hindi tanggap ni Ashley ang sanggol ay tinapon niya ang bata sa ilog sa Santa Maria, doon kami nagtago noong kabwunan niya para hindi kami mahanap ni Cyfer.

Hindi na namin alam kung buhay pa ba ang bata noon dahil hindi na namin ito nahanap. Pero ngayon ay alam na namin buhay na buhay siya at nag hahasik ng lagim sa Santa Maria.

"Bakit ba nangyayari ito" dinig kong sabi niya. "bakit ako nagkaroon ng..." sandali siyang tumigil at lumingon sa akin. "bakit ba ako nagkaroon ng mga pamangking Anghel at demonyo" naluha pa siya. Muli siyang tumingin sa labas ng bintana.

Tumayo ako at lumapit kay Marites. Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga batang masayang naglalaro.

"Tes, isa na akong Demons Hunter at isa ako sa mga kunseho, Ayon sa isa naming miyembro na espiya sa Santa Maria at ayon sa deskripsyon niya alam kong siya yon at isa pa doon siya tinapon ni Ashley diba" kwento ko.

"Ano na ang gagawin natin?" tanong niya.

Dahil ang layunin namin ay pugsain ang mga gaya ni Cyfer ay gagawin namin ang nararapat na gawin kay Denver. Ang mawala siya dito mundo ng mga tao baka kung ano pa gawin niya sa anak ko.

Nilingon ko si marites "Ikaw na sanang bahala sa anak ko, Bukas paparoon na kami sa Santa Maria" tumango naman siya.

"Anong gagawin niyo kay Denver?" tanong niya ulit sa akin.

"Kung anong nararapat Marites" tugon ko sa kanya.

"Ang patayin siya ganun ba Daniel?"-Marites

"Marites delikado siya alam mo yan ang mga gaya niya ay hindi nararapat dito sa mundo ng mga tao, Hindi na siya bata Tes wag kang maawa" madiin ko sabi.

Napapikit nalang siya sa sinabi ko. Ang totoo niyan gusto ko talaga siyang mawala na dahil natatakot ako para sa anak ko. Walang puprotekta sa kanya.

Saka kung hindi pipigilan si Denver tiyak  na maraming tao pa ang mamatay sa ginagawa niyang pag-higop ng mga kaluluwa ng tao.

Nakaka-kilabot ano?? Kaya dapat na siyang mamatay hanggat maaga pa.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong bahay ni Marites.

Maya maya lang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isa mga kunseho kailangan na nila ako sa meeting.

Nagpaalam na ako kay Marites pero bago umalis ay binigyan ko muna siya ng proteksyon gaya ng holy water at rosary na may basbas ng mahal na Panginoon. At dali dali na akong pumunta ng punong bulwagan.

- - -

Marites POV

Pagkarating ko sa apartment ni Christian ay agad ko siyang tinext. Sa dami ng iniisip ko buti nga't ligtas akong nakarating dito. Sandali kong nilibot ang paningin ko ganun parin ang bahay na to luma na ngalang ang pintura at hindi ko aakalain na dito pa talaga nakahanap ng apartment ang pamangkin ko.

Wala pang isang minuto ay agad ng bumukas ang pinto. Nagtatakang mukha ang bumungad sa akin.

"Ma.. Mabuti napadalaw po kayo" niyakap niya ako. "Pasok ka ma" hindi ako umimik. Niluwagan niya ang pagkaka-bukas ng pinto.

Pagkapasok ko. "Anak mag ayos kana ng mga gamit mo ngayon na! uuwi na tayo ngayon!" madiin kong utos. At siya naman ay nagulat.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ma?  Bakit may problema ba?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Wala basta mag impake ka nalang ng mga gamit mo at uuwi na tayo" utos ko ulit. Pinangdilatan ko pa ng mata.

"Mama!" inis niyang sabi nagpapadyak pa siya. "malapit na ang graduation namin mama ngayon pa ako aalis marami kaming gawain ngayong malapit na ang graduation kung doon ako sa bahay mahihirapan ako sa pagpasok" inis niyang sabi.

Aba kailan pa natotong mag maktol tong batang to.

"Ayy basta! maraming paraan yan ako na bahala dyan mag aarkela ako ng sasakyan para sa service mo basta uuwi na tayo ngayon kilos na"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, wala ba siya dito ngayon? pero sabi ni daniel magkasama sila sa iisang bahay bakit wala siya. Gustohin ko mang magtanong ay nagpigil ako baka makahalata ang pamangkin ko.

"Ma, dagdag gastos nanaman yan dito nalang ako.." sandali siyang tumigil at tinignan ako ng nagtataka. "Mama kilala kita may problema b—

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil may nagsalita.

"kaya nga may problema ba?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses naka tayo si Cyfer sa may tapat ng hagdan.

Nakaka tindig balahibo ang mga tingin niya sa akin. Nakaka-takot!

Mas lalo ring lumalim ang boses niya. Kasing lalim ng tingin niya sa akin na para bang inaakusahan ako ng masama.

Mas lumaki din ang katawan niya kumpara dati. Ibang ibang na siya. Pati ang itsura niya hindi ko ikaka-ila na may itsura si Cyfer.

Sa pagkakataong ito muli kong nakita ang damonyong sumira ng buhay ng kapatid ko, sila ng kapatid niyang demyong si Devies sinira nila ang buhay ng kapatid ko!

Hindi ko sila mapapatawad!


TO BE CONTINUED...


Hot and Sexy DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora