Part 53 | s-2

492 39 0
                                    

Narrator


Katatapos lang ng matindiang pag iinsayo ni Denver. Bawat araw na lumilapas ay marami siyang natutunan. Kung paano makipag laban gamit ang espada at mano-manung pakikipaglaban.

Bawat pag iinsayo niya ay pahirap ng pahirap. Pero kinakaya nya naman ang lahat ng iyon.

Ngayon ay nilalakbay niya ang buong inferno kasama ang alipin na binigay sa kanya ni Beelzebub.

Natutuwa siya dahil masunorin ito. Lahat ng inuutos niya ay sinusunod ng kanyang alipin.

Ngayon ay nilalakbay niya ang ibang parte ng inferno dahil tapos na niyang  lakbayin ang teritoryo ni Beelzebub.

Ayaw niya sanang lumabas ngayon at magpahinga nalang sana sa palasyo ni Beelzebub ngunit nakita niya doon si Evera kaya mas minabuti niyang lumabas nalang ngayon dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa babaeng demonyo.

"Timos" tawag niya sa alipin na nakasunod lamang sa kanyang likoran.

Lumapit naman ang alipin niyang si Timos at tumabi ng bahagya sa kanya.

"Bakit po panginoon?" magalang na saad ng alipin.

Tinuro nya ang nakitang kakaibang tunel. "Ano yon? Para saan yon?"

Tukoy niya sa nikitang tunel. Kakaiba kasi ang itsura ng tunel. Saka pansin niya ang kaunting puting liwanag mula sa loob ng tunel. Kulay pula kasi ang liwanag sa lahat ng nasasakupan ng inferno. Kung may ibanag liwanag man ay galing na sa apoy.

Tinignan naman ng alipin ang tinutukoy ni Denver. "Hangganan ng pintoan ng langit at inferno iyon panginoon" paliwanag ng alipin. "Daan po yan papunta sa langit" dadag nito.

Tumango-tango naman si Denver. Hanggang sa maalala niya ang kanyang Nanay at Tatay. Sigurado siyang sa langit napunta ang mga ito nung namatay sila.

May namuong balak sa kanyang isipan. Dahil namimiss na niya ang kanyang magulang gusto niyang makita muli ang mga ito.

Kaya't hindi na siya nagdalawang isip pa. Naglakad siya patungo sa tunel. Agad namang naalerto ang alipin. Dahil kung sino man na demonyo ang masinagan ng puting liwanag ay nasusunog sa kamatayan.

"Teka panginoon—hays! Napaka ignorante talaga" bulong ng alipin. Hindi na niya napigilan pa si Denver dahil agad na itong naglaho.

Alam kasi ni Denver na pipigilan siya ng alipin kaya hindi na ito naglakad patungo doon. Kaya ginamit nito ang kakayahan upang agad na makapunta sa sinasabi ng alipin na daan patungo sa langit

Nang makarating si Denver sa harap ng pinto ay agad niyang pinihit ang saradula para buksan ang pinto ngunit sa kasamaang palad hindi niya iyon nabuksan.

Nang maabutan ng alipin si Denver ay nagulat siya sa nakita.

"Pangi..no...on—hindi ka nasunog! Paano nangyari yon?" nagtatakang bulalas ng alipin.

Hindi pinansin ni Denver ang reaksyon alipin.

"Bakit hindi mabuksan?" tukoy niya sa pinto.

Nakanganga parin ang alipin dahil sa nakikita. Namamangha siya dahil hindi nasunog si Denver sa liwanag gayung demonyo rin ito katulad nila.

"Paano nangyaring hindi ka nasunog sa puting liwanag?"

Nangunot ang noo ni Denver sa sinasabi ng alipin.

"Bakit naman ako masusunog sa puting liwanag nato?" tanong niya sa alipin.

"Baka wala ng epekto kaya hindi siya nasunog"  Sabi ng alipin sa kanyang isipan.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon