Part 40

640 45 2
                                    

Wahhhh! Hello? Kamusta?
Btw, ito na pala yong replacement na nabura. Sana oki padin hindi ko masabi kung mas maganda ito.

Salamat sa pag hihintay. At sa mga nagbabasa!  ❤😘

_______


Christian's pov

Nang makabawi ako sa gulat. Nagugulohan akong napatitig kay kuya Daniel.

Masama ang tingin nito kay Cyfer. Nang tignan ko naman si Cyfer blanko  ang makikita sa mukha niya habang naka tingin din kay kuya  Daniel.

Kutob ko magkakilala sila. Gusto kong itanong pero hindi ko magawa dahil sa tensyon sa paligid.

Lumingon si Cyfer sa akin. Napalunok ako. Dahil sa klasi ng titig nito sa akin.

"Sinong ina ni Christian?"

Tanong niya habang nakatingin sa akin. Pero umiwas din ito. Dahan dahan naman akong lumingon sa likoran ko dahil don siya nakalingon. Akala ko nasa likoran ko yong pinagtatanongan niya kasi don siya tumingin. Pero wala namang tao.

Narinig kong umismid si kuya Daniel. "Bakit mo kaylangan tanongin? Hindi mo na siya maibabalik" mariing niyang sabi. Halata sa boses nito ang galit. Kaya napalingon ako sa kanya.

Si mama Marites ba ang tinutukoy niya?

At doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala.

Kaya pala mabait siya sa akin at magaan ang loob ko sa kanya simula palang nong una ko siyang makita. Dahil siya ang tatay ko.

Siya nag asikaso lahat mula sa burol at libing ni mama.

Kaya pala gusto niya akong kunin kasi  anak niya ako.

Wala ring sinasabi sa akin si mama noon kung sino ang tatay ko. At kung buhay pa ba siya.

Pero sabi niya noon magkaibigan sila. Tapos ngayon malalaman ko sa kanya na anak niya ako.

Nagugulohan ako.

Magtatanong na sana ako pero hindi na natuloy dahil sa biglang paghila sa akin ni kuya Daniel at tinago ako nito sa likoran niya.

"Hindi kana makakalpait sa anak ko demonyo at kung ano man ang binabalak mo sisiguradohin kong matatapos na dito. At dito kita mismo papatayin." pagbabanta nito kay Cyfer.

Ngumisi naman si Cyfer at bahagyang tumawa. Tela baliwala lang sa kanya ang banta nito.

"Sinong tinakot mo dating Archangel na pinatapon sa lupa?" pag-uuyam nito.

"Bago mo pa ako mahawakan tsk kung makakalapit ka nga ba sa akin hays! Bago mangyari yon isusunod ko na kayo kay Marites!" dagdag nito na nagpabingi sa akin.

Nanginig ang mga kamay at tuhod ko dahil sa huli niyang sinabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nanginginig ang labi ko. Hindi ko na rin napigilan lumuha. Malinaw sa akin na si mama ang tinutukoy niya.

Kilala ni mama si kuya Daniel at kilala ni kuya Daniel si Cyfer malamang kilala rin ni Cyfer si mama.

Siya ba ang pumatay kay mama?

"I-ikaw ba? Ikaw ba Cyfer pumatay kay mama?" umiiyak na tanong ko sa  kanya.

Lumingon ito sa akin. Blanko ang mga mata nitong tumitig sa akin. Sabihin mong hindi Cyfer!

Hindi ko kakayanin. Please!

Pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin ito sumasagot.

Silent means yes!

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now