Part 23

1.4K 73 10
                                    

Christian's Pov

Kanina pa kami dito sa palengke pa ikot ikot lang. Si Cyfer ang sumusuri kung fresh daw ba ang binibili namin. Kunti nalang ang tao dahil lagpas tanghali na rin.

Habang abala sa pagpili si Cyfer. Napadako ang tingin ko sa tindahan ng mga dyaryo. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nabasa ko sa isang dyaryo.

"Mga tao natagpuang wala ng buhay sa probinsya ng Pangasinan sa bayan ng Santa Maria; hindi pa alam kung sino ang may sala, kalunos lunos ang pagpaslang natatagpuang wala ng buhay at kulubot ang buong katawan."

Basa ko sa balita. Shit malapit lang ang Santa Maria dito sa amin. Isang bayan lang mula dito ay Santa Maria na. Dulo na kasi ang bayang iyon. Nakakatakot nga roon kasi puro baryo na ang mga lagar doon.

Nakita ko ang isang bangkay na nakahilata. Kahit black 'n white kita naman sa picture na kulubot nga ang buong katawan ng bangkay.

Nakaka kilabot!!

Halos tumayo na lahat ng balahibo ko dahil sa takot. Sino naman kaya ang gagawa na ganun klaseng pagpatay.

"bhaby ok ka lang?" napaigtad ako dahil sa gulat.

"ano ba Cyfer wag ka ngang nanggugulat" medyo inis na sabi ko.

"Ay sorry.." nagkamot ng batok. "Oh bakit ang putla mo bhaby?" tanong niya.

Tinuro ko yong nabasa ko sa dyaryo.

Tumaas ang isang kilay niya. Tela nag iisip tapos biglang sumeryoso ang mukha niya ng makita ang picture ng patay.

"Tara na uwi na tayo" hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit saka hinila ako para maglakad na.

Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya. Nagtataka naman niya akong tinignan.

"Asan yong bhaby?" kunot nuo kong tanong sa kanya. Nanibago lang kasi ako, nawala na yong endearment niya sa akin.

Sawa na ba siya?.

Nasanay na kasi akong tinatawag niya akong bhaby kahit na ang corny.

Nginitian lang ako ng loko. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng hindi matawag na bhaby" natatawang sabi niya.

Masakit pala! nakakatampo nga. Hihi

Naglakad na kami papuntang sakayan ng tricycle. Pero napahinto ako ng mapadaan kami sa sikat na drug store. Naalala ko wala na pala akong kojic.

"wait lang bhaby may bibilhin lang ako" papunta na sana ako pero hinawakan ni Cyfer ang kamay ko kaya natigil ako. Naka tingin lang siya sa karatola ng Mercury Drugs.

"Anong bibilhin mo diyan bhaby? Pegnanty tet?" takang tanong niya.

Loading...

Loading...

Ano daw? Anong pegnanty tet?

"Bwahahahaha!!" hindi ko mapigilang tumawa ng malakas. Napahawak pa ako sa tiyan ko, Sumakit na dahil sa kakatawa.

Tumigil lang ako sa kakatawa dahil seryoso na ang mukha niya at seryoso narin kung maka titig sa akin. Jusko Cyfer!

"ahhh hihi s-sorry bhaby masaya lang ako" palusot ko. Sabay pahid ng luha dahil sa kakatawa.

"Pinagtatawanan mo ba ako bhaby" sabi niya.

Umiling iling ako bilang pagtanggi. "Hindi ahh.. Wait lang bibili lang ako" tatalikod na sana ako baka matawa ulit ako eh. Pero hinawakan niya ulit ako sa kamay.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now