Part 52 | s-2

454 34 0
                                    

Narrator


Samanta sa kabilang dako ng inferno isang lalakeng demonyo ang naglalakad sa pasilyo patungo sa kanyang trono.

Taas noo itong naglalakad. Walang emosyon ang makikita sa mukha.

Yumuyuko ang mga nakakasalubong at nakakakita sa kanya. Malaki ang respeto nila sa kanilang panginoon demonyo.

Nagagalak sila dahil muli nanaman nilang nakita ang kanilang panginoon. Lalo na ang mga kakabaihan na humahunga sa kanya. Halos binabalandra na ang kanilang katawan. Ngunit hindi yon binibigyan pansin ni Cyfer.

Gwapo, matipuno, makasig at maganda ang pangangatawan. Ganyan nila mailalarawan ang hinahangaang lalakeng demonyo. Halos tumulo ang laway ng mga babae sa tuwing makikita nila ang maskuladong katawan ni Cyfer.

Sinalubong siya ng kanyang katiwala sa kanyang teritoryo.

Bahagya itong yumukod. "Maligayang pagbabalik panginoong Cyfer" bati ng kanyang katiwala. Tumayo na ito ng matuwid at sumabay sa paglalakad sa kanyang panginoon.

"Hindi pa ako babalik may bibisitahin lang ako" malamig na saad ni Cyfer. Alam ng katiwala kung sino ang tinutukoy nito.

Pagkarating sa kanyang trono ay agad siyang naupo.

Agad namang kumuha ng bote ng alak ang katiwala. Nagsalin sa kopeta at binigay sa kanyang panginoon. Inisahan na ininom naman iyon ni Cyfer.

"Anong balita sa pinag uutos ko sa inyo?" tanong nito pagkatapos inumin ang alak.

Hindi agad nakasagot ang katiwala. Napalunok ito dahil wala pang nangyayari sa pinapagawa sa kanila. "Wala pa rin panginoon...patawad" hinging paumanhin ng katiwala.

"Hindi parin kami makalapit sa hangganang pintoan ng langit at inferno panginoon.." pahayag niya. "Pero minsan namin siyang naramdaman sa pintoan ng hangganan, panginoon" dagdag niya kaya napatingin sa kanya si Cyfer. Hinihintay nito ang susunod na sasbihin ng katiwala.

Minsan nilang naramdaman ang presensya ni Christian sa hangganan ng pintoan ng langit at inferno. Nung araw na nagpunta si Christian kasama si Lucio ang tinutukoy ng katiwala.

"Pero saglit lamang yon, panginoon. Patawad hindi namin siya nakuha dahil hindi parin kami makapasok dahil sa puting liwanag" paliwanag nito. Natatakot siya dahil baka bulyawan siya ng kanyang panginoon dahil wala silang nagawa upang kunin si Christian.

Huminga ng malalim si Cyfer. Bagsak ang balikat dahil sa narinig. Kinuha niya ang bote ng alak at siya na ang salin sa kanyang kopeta at sumimsim.

Gaya nila ay hindi rin siya makapasok. Hindi rin siya makalapit sa puting liwanag na nilagay ng mga anghel.

Minsan na niya iyon ginawa pero ibayung hirap ang dinanas niya. Halos ikamatay na niya iyon dahil muntik na siyang masunong dahil sa kapahangasan niya. Hindi lang isang beses niya ginawa yon. Paulit-ulit niyang sinubukan ngunit hindi siya nagtagunpay.

Pinarusahan ang kanyang amang si Lucifer na hindi na muling makakabalik sa langit at sinumpang hindi na ito muling makakatapak sa langit. Dahil anak siya ni Lucifer ay maging siya ay nadamay sa parusa at sa sumpa ng diyos.

Nag-igting ang kanyang mga panga at napakuyom ang mga kamao.

Nagdadalawang isip naman ang katiwala kung sasabihin ba niya ang ginawa ni Evera. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang sabihin narin yon.

"Panginoon tinangkang kunin ni Evera si Christian—

—Ano?!" napatayo si Cyfer dahil sa narinig sa katiwala.

Hot and Sexy DevilKde žijí příběhy. Začni objevovat