Part 21

1.6K 75 6
                                    

A/N; waahh! Ang haba na pala sabi ko short story lang gang 20-25 chapter pero nasa chap. 20 na ako wala pa ako sa ginta na story haha.. Happy 30k reads!  Lav yah!

- - - - -

"bhaby?  Yan ba endearment niyo ni Ashley" kunot nuo kong tanong sa kanya.  Bigla nalang sumeryoso ang mukha niya.

Ang lalim ng titig niya sa akin. Kulang nalang ng sungay at buntot mukha na siyang demonyong—gwapo. Hihi

Pero aminin natakot ako ng kunti sa uri ng pagtitig niya. Pero nilabanan ko yon. tinapatan ko rin siya ng pagtitig. Para iparating na ako ang nandito wala na si Ashley patay na.

Kasi naman nagseselos ako eh..

"Hindi" madiin niyang sabi. "hindi ko pa alam ang ganyan dati.. ngayon ko lang natutunan ang mga ganyang salita" sa ekspresyon niya ngayon kita ko na ang panlalambot niya.

Tumango tango nalang ako bilang pabor para hindi na humaba pa.

"Hindi ba sabi ko sayo kakalimotan ko na si Ashley at tutulongan mo ako sa bagay na yon" kita ko ang panunubig sa gilid ng mata niya.

So hindi pala kami nag make love pampalipas lang pala yon para maka limot siya. Nakakalungkot isipin. Mukhang matagal tagal pa bago niya ma realize na mahalin ako.

"oh bakit ka nakasimangot" hinawakan niya ang baba ko pataas para magtapo ang mga tingin namin. Hindi ako nagsalita umiling nalang ako bilang sagot.

"selos nanaman ba nag bhaby ko? Tss!  Halika nga dito" pang aalo niya sa akin. saka hinala niya ako palapit sa kanya tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

Aww so sweet nemen!

Ang sarap ng yakap kapag totoong ang yakap ng tao sayo.

Natigil ako sa pag iisip so ibig ba sabihin nito gusto niya ako dahil ramdam ko ang yakap niya?. .

"so round three?" bulong niya. Napa irap nalang ako sa hangin. Hindi pala totoo. nalinlang lang ako. Libog lang pala niya ang naramdam ko.

"ewan ko sayo!  Tara na kilos na may pasok pa" inis na sabi ko. Saka kumawala sa yakap niya.

Tumayo na ako at kumuha ng damit sa drawer. Nagbihis at saka bumaba. Magluluto muna ako ng agahan bago maligo malamig pa eh. hihi

---

Cyfet's Pov

Hindi naman ako tanga para hindi ko mapansin na nag seselos nga si Christian. Naiwan akong naka ngiti dito sa kwarto. Saka napapa iling nalang sa inaasta niya.

Mukhang patay na patay siya sa akin.

Pag ibig nga naman..

Napahinto ako sa pag iisip ng napagtanto kong unti unti na akong nakakalimot. Wala ng epekto sa akin si Ashley.

Wala na!

Nung binanggit niya si Ashley parang wala na sa akin ngayon. Hayss salamat at nakaya ko at salamat kay Christian.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Kinuha ko lang ang towel ko sa silid saka bumama na para maka ligo na.

Naabotan ko si Christan na abala sa kusina. Narinig niya ata na parating ako kaya nagsalita siya kahit na hindi lumilingon.

"Tara na kakain—bakit ka nakahubad?"  gulat niyang tanong sa akin.

Hindi ko na inabala pa na magdamit pa kanina dahil maliligo lang din naman ako so bakit pa ako magdadamit.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now