Part 40.2 - End of season 1

705 50 16
                                    

End of season 1

——

Christian's pov

"Anong nangyayari?" pauli ulit kong tanong sa sarili.

Hindi ko lubos maisip kung totoo ba ang lahat ng ito. Mababliw ako. Nababaliw na ako sa nangyayari. Mariin akong pumikit. Nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat.

Pero pag mulat ko. Ganun pa rin ang nakikita ko. Nagtatakbahon ang mga tao. Nakakabingi ang mga sigawan. May mga halimaw talaga kahit saan ako lumingon.

"Anak tara na kailangan natin magmadali. Kailangan mong maka alis dito" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Daniel.

Napatingin ako sa kanya ng puno ng katanongan. Naramdaman ko nalang na inaalalayan niya akong maglakad.

Kahit nangangatog ang mga tuhod ko pinilit kong maglakad.

"Punong konseho! Nandon ang Van" napasulyap ako sa taong nagsalita. Nasa mukha rin nito ang takot.

"Bakit ngayon lang kayo?" mautoridad na tanong ni kuya Daniel. "ilayo muna natin ang anak ko dito dalhin mo siya sa ligtas na lugar" dagdag na utos niya.

Naalala ko siya. Siya yong laging niyang kasama. Tumango lang ito pagkatapos ako nitong tignan. At ginayak kami nito papunta sa sasakyan sa di kalayoan.

Don ko lang napansin. Yong mga taong nasa burol ni mama noon ay nandito.  Tumutulong sa mga tao. Para silang mga ekspertong nakikapag laban sa mga halimaw. Puti ang kasuotan nila at may logong letra na D'sH.

Malapit na kami sa kinaroroonan ng Van pero laking gulat namin ng bigla itong tumalsik at pagkatapos sumabog ito kung saan bumagsak.

"Nah! San kayo pupunta?"  malalim ang boses nito at malamig. nilingon namin ang pinanggalingan ng boses.

Gulat akong napatitig dito. Pareho sila ni Cyfer ng anyo.

Pula ang buong katawan. May malaking sungay din pero mas malaki ang sungay ni Cyfer. Kumukuwag ang buntot nito.

Nang pagmasdan ko ang mukha niya. Nanliit ang mga mata ko dahil pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

"Devies!"

Mariing sabi ni kuya Daniel. Kaya napalingon ako sa kanya. Kilala niya din ang nilalang na ito?.

Tumawa ng nakaka kilabot yong tinawag niyang Devies.

"Nakaka tuwa at kilala mo pa ako" naka ngisi nitong sabi.

Napalingon ulit ako dito. At agad na nag flashback sa akin kung sino at kung saan ko siya nakita. Naalala ko na siya.

Tama ako siya nga yong lalaking kumausap sa akin nung gabing umiiyak ako at yong binugbog ni Cyfer nung gabing iyon.

Hindi sumagot si kuya Daniel. Umabante siya paharap. Nagulat nalang ako ng biglang may lumabas na espada sa kanang kamay niya.

Kulay puti at ginto ito. Sumisingaw ito ng puting liwanag. Namangha ako dahil sa ganda nito. May kalakihan ang espada niya kumpara sa anghel kanina.

Napatitig ako sa likod ni kuya Daniel. May katanongan nanaman sa isip ko na gusto kong makumpirma.

Hindi ko siya matawag na tatay hanggat hindi ko nakukumpirma kung totoo ba ang lahat. Kung tatay ko nga siya at sa nakikita ko dahil sa anghel kanina at katulad ng espada niya. Isa rin bang anghel ang papa ko?.

Bumalik ako sa reyalidad ng magsalita siya.

"Eman ilayo mo ang anak ko, ako na ang bahala sa demonyong kaharap ko!" mariin nitong sabi.

Hot and Sexy DevilWhere stories live. Discover now