Binigyan ko siya ng suntok, nilakasan ko talaga kanina pa siya eh nang aasar sa text. "Let's go, I can't wait to see my 5 years."

"Is that revenged?"

"Call it whatever you call it, but I'm going to check in now."

"Teka lang wala pa si Robin Hood."

"Bakit late 'yun? Nagpakalasing ba kayo?"

"Nag inuman lang kami pero nauna akong umuwi dahil si daddy may pinagawa sa akin. Iniwan ko siya at si Marion. Mae, may secret ako wanna know?"

"Ows? Chismoso kana ngayon?"

"Secret nga tayo lang ang may alam total ikaw naman ang girl bestfriend ko."

"Ano ba 'yan?"

"I found her! The sparks of my life."

"Owss? Sino naman?"

"Ate ni Robin Hood."

"Ano? Ate ni Robin? Bakit na kilala mo na ba?"

"Hindi pa pero nakita ko siya sa picture pinakita ni Robin sa akin, siya daw ang manang na sister niya si Raven."

"Teka sandali. Picture? Asan ang sparks dun? Pano mo nagustuhan ang manang niyang ate? Eh kulang nalang ma laglag 'yang mata mo tuwing may magandang dadaan. Eh manyakis ka eh."

"Mae naman kung maka panirang puri ka parang hindi mo ako bestfriend. I don't know exactly, pero iba ehh, the moment i look at her sa photos, speechless ako, at ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko tapos bigla akong nakakaramdam ng init at parang kuryente basta yun, yun."

I look at Egypt, his one kind of hopeless romantic, and hear him saying this. He's in love, indeed. "Goodluck!" Tinapik ko siya at tinalikuran pero hinabol niya ako.

"Yun lang ang sasabihin mo? Goodluck sa love life ko?"

"Nope. Goodluck kako sa kapatid. And'yan na siya palapit sa likod mo."

"Whatta f*ck!"

Gusto kong matawa kay Egypt na nag mamadaling umalis mas nauna pa sa akin, takot ata kay Robin. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil nakaganti na din ako sa kanya.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Robin. 

Tiningnan ko siya at may nakita akong bite mark sa leeg niya. "Mukhang nag enjoy ka kagabi, may ibendensiyang naiwan eh."

Itinago niya sa collar ng polo at inayos ang Jacket. "Bwesit na Marion, nag-ayang mag bar sinamahan ko na dahil lasing ang lentik pati ako nalasing nagising nalang ako ng hubad. Pag ako nakabuntis kung sino man 'yun pipinohin ko talaga ang buto ng payatot na 'yun."

"Good luck din pala sayo."

"Anong nangyari kay Egypt at kumaripas ng takbo?"

"Ahhh yun? Nag ka LBM ata nag mamadali baka maabutan."


***

Philippines

"WELCOME BACK KIDS! Ready na ba kayong palitan ang mga parents ninyo?" Tanong ni ninong Rence na siyang personal na sumundo sa amin dito.

"Yes, Sir!" koro naming tatlo at nag salute sa kanya.

"Good. I know I will be proud sa inyo."

Sa isang magandang restaurant kami nag dinner, kwentohan sa mga experience namin nang isang alarma ang narinig namin, galing sa labas, sa kabilang building na hindi pa gawa, nag si tayuan ang mga tao at nakiusyoso sa labas. Umalis si ninong at inusisa ang pangyayari at sumunod kami. Isang ama na high ssa droga ang ginamit ang anak bilang hostage. Nakaramdam ako ng awa sa batang nasa siyam o sampung taon. Nasa ika anim na palapag sila habang ang bata ay umiiyak.

"Anong klaseng tatay siya? Paano niya nagawa 'yan sa sarili n'yang dugo? Ako nga mahal ni daddy kahit hindi niya tunay na anak!" Galit na nag wawala na si Egypt. Pag usaping anak ay malambot 'yan kasi ninong Rence adopted him when he was five. At saksi ako kung gaano sila kamahal ni ninong. "Ang nga ganyang ama hindi dapat binubuhay!"

"Egypt! Kahit galit ka pa, magiging alagad ka ng batas at isa sa gagampanan mo ay iligtas ang mga taong pwede mong mailigtas ang buhay." sigaw ni ninong dito.

"Aakyat ako. Pupuntahan ko ang kinaroroonan ng mag ama." Agad na umalis si Robin at sumunod ako sa kanya. "Mae, kahit anong mangyari ang bata ang dapat mong iligtas ako na ang bahala sa tatay niya." ani ni Robin.

"Copy that."

Tahimik kaming umakyat sa building na nasa ika 6 na palapag. Rinig pa namin ang ng bata at galit ng ama na dito ibinunton dahil iniwan ng asawa. May patalim itong hawak at sa isang kamay ay alak, habang ang anak niya ay naka gapos at hawak nito ang lubid.

Nag bigay ng hand signal si Robin sa akin para palibutan namin ang lasing at ang bata.  Nakalapit na kami ng hindi niya napapansin nang sa kalasingan ay natumba ito at nabitiwan ang lubid kaya nahulog ang bata. Hindi na ako nag dalawang isip at nilipad ko ang building para maabutan ito. Gamit ang lakas ay nahila ko ang pisi at nayakap ko ang bata at nagpagulong kami sa ika limang palapag nang biglang bumigay ang sahig dahil hindi nito kaya ang bigat namin. Sobrang bilis ng mga pangyayari, bumagsak kami ng bata, wala na akong ibang naisip kundi ang iligtas ito kaya i used my body to cover the little girl na shock din gaya ko. Ang sakit ng katawan ko sa bawat tumama sa aking katawan at ulo. Hindi ko na inaasahan na mabubuhay pa ako sa taas ng pag bagsak, but I'm still hoping na mabubuhay ako for my dad. And for Black.

I was in too much pain and almost passing out when I finally had no strength to hold on to the little girl. I'm sorry. I'm sorry. Iyak ako ng iyak ng hindi ko na control ang kamay ko at nabitawan ko siya. I felt my body land on the stock of woods, and before I closed my eyes, a huge post fell on my legs, hurting like hell.

I love you, Black. I guess I can't make the five years promise.

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now