36: FATHER'S BLESSING

1.6K 36 4
                                    


Isang buwan na ang nakalipas. At dito na ako nakatira sa bahay nila Black. At first may sarili akong kwarto pero useless din kasi hindi naman nagagamit. Hindi kasi papayag si Black na hindi kami tabi matulog. Gaya nalang ngayon.

"Black, dumating na si Blade, sa bahay muna ako matutulog." Agad niyang hinuli ang mga paa ko sa mga paa niya para hindi ako maka alis. "Black naman!"

"Dito ka lang Mae."

"Hindi nga pwede."

"Sige sasama ako. Sa inyo ako matutulog." Wala na akong nagawa. Matigas ang bao niya kaya imposible kung makikinig siya. Pag dating namin sa bahay ay agad kong nakita ang malungkot na si Blade. Si daddy pagka kita kay Black biglang na lukot ang mukha. By the way, isang buwan ng sinusuyo ni Black si daddy. Pero ang tatay ko ewan kung anong drama.

"Bakit nandito yan?" Sita niya agad kay Black.

"Magandang gabi po, dad." Kinuha parin ni Black ang kamay niya at nag mano. "Dito po ako matutulog."

Nakakatawa ang mukha ni daddy. "Bakit? Wala bang kama sa inyo? Isang buwan mo nang hindi pinauwi ang anak ko at isang araw lang hindi mo siya pauuwiin para makasama ako?"

Napakamot lang ng ulo si Black. At natawa kami ni Blade. "Daddy kasi, hindi ako makatulog kung wala si Mae." Bilib na ako sa lakas ng loob ni Black.

Hindi talaga na di-discourage sa pag trato ni daddy. "Kaninong anak ka ulit? Sa pag kakaalam ko dalawa lang ang anak ko. Wala din akong naalala na may anak akong lalaki sa labas."

"Magiging anak niyo po ako kung papayagan n'yo po akong pakasalan si Mae."

"Dad! Bakit niyo ginaganyan si Black? At nilapitan ko si Black at niyakap."

Biglang tumalikod si daddy. "Ate, nagseselos lang siya. Kailan niyo kasi bigyan ng apo?" Ani ni Blade.

"Manahimik ka Blade. Hindi pa kami handa ni Black."

"Akala ko pa naman may dadatnan na akong ate na malaki ang tiyan."

"Kumusta ang paghahanap ninyo kay Marrion?"

"Ayun sa awa ng dios na kita narin namin. Nag asawa na pala siya. Infairness medyo nagkalaman siya. Hiyang atah."

"Huh? Siya nag asawa? Kanino?"

"Kay Cheiz. Buntis nga eh. Para parin silang aso't pusa."

"Buntis na si Cheiz?" Na inggit ako sa dalawa. "Teka pano pala naging si Marrion at Cheiz?"

"Ipinadukot ko siya kila Orange at Green para huwag mong pakasalan at si Cheiz ang pinain ko. Kawawa kasi ang bruha hopeless gaya ko." Nalaglag ang panga ko sa gulat pero hindi naman ako galit. "Sorry na Mae, despirado lang akong maging akin ka."

"Patawarin muna ate. Alam na ni Marrion hindi naman siya galit eh. Mukhang masaya pa nga. Ang hindi lang namin alam kung paano na buntis si Cheiz gayong para silang aso at pusa." Ani ni Blade na nagtataka.

"Si Robin kumusta naman?"

"Ayun na matanda sa konsimisyon. Ewan ko dun. Nagkukulong sa lab ninyo. Dalawin mo kaya? narinig ko may usapan sila ni Marrion na magkikita sa linggo sa Korea."

Nawili ako kakakwento kay Blade at nakalimutan kong may alaga pala ako. At biglang nawala, hindi ko mahanap.

"Black? Asan ka? Nakita mo Blade?"

"Hindi!"

Hinanap ko kay daddy wala daw. Nilibot ko sa likod at nakita ko sa pool malungkot. "Hoi! Anung ginagawa mo d;yan?"

TANGLED TO OUR PROMISEDär berättelser lever. Upptäck nu