D: ORANGE & TANGERINE

2.2K 39 0
                                    


Uuwi kami ng Cebu today. Katatapos lang ng kasal ni kuya Silver kahapon pero need na naming umuwi dahil pasukan na sa makalawa. Masaya ako para kay kuya Sil, finally he stand up as a man. Ang cute-cute ni Crystal mana kay ate Abby pero ang mata niya nakakatakot, nakuha kasi kay mommy.

"Sinong nag book ng flight ko? Diba sabi ko near the window? Bakit aisle ako?" 

Asar kong nilingon si White. "I try kaso taken na ehh pasalamat ka nga may seat ka ngayon!" Asar na nag seatbelt ako, agad kong nilagay ang shades ko at headset. Naka pikit ako ng may naramdaman akong dumaan sa harapan ko at lumubog ang katabi kung upoan, basi sa amoy ng pabango, babae ang may-ari.

Lumipad na ang plane, umayos ako ng upo, napasilip ako sa babaeng katabi ko, orange ang buhok. Malamang adik to! Sinubukan ko ulit matulog, nagising nalang ako sa pagsapak ni Green.

"HOY! Gising! Akala mo hotel toh?"

Patayo na sana ako ng makita kong the plane is empty at kahit ang adik kong kasama ay wala na. Pero may iniwan siyang note na idinikit niya sa aking noo. "Hoy Mr. LAWAY N'YO TUMUTULO!"

Aba't nang aasar ang babaeng adik na yun ahh. H'wag kamo siyang pakita sa akin.

"Ano ba yan?" agaw ni Green sa sticky note at tawa siya ng tawa si wala siyang balak na tumayo. "Black, pasalamat ka nalang hindi niya sinabi, bad breath ka, mas nakakahiya yun."

"I bath and brush. Hindi nangangamoy ang paa at kilikili ko."

"O ba't sa akin ka nakatingin? Sabihin mong mabaho ako at ihuhulog kita dito sa plane."

"Sino pa ba ang titingnan ko eh tayo nalang dalawa ang nandito? How long did the plane land?"

"Thirty minutes ago."

"And you're still here?"

"Siyempre noh! Alangan namang ewan kita, edi ako naman ang sapakin ni mommy?"

Nang makababa na kami ay ipinakita niya kina White at Orange ang sticky note ang ang dalawang kumag ay tawa ng tawa. Hindi pa sila nasiyahan at ipinakita pa talaga kay mommy.

***

Tulak-tulak ko ang cart with my lugage. Ang mga nakakakita sa akin ay napapalingo saka kukunot ang kanilang noon hindi kasi nila mawari kung mag nagbakasyon lang ba ako o mag lilipat bahay na ako sa dami kong dala.

Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang katabi ko sa plane kanina. I bet galit 'yun sa note na sinulat ko. Hindi naman talaga tumutulo ang laway niya, gusto ko lang pag tripan ang gwapo niyang mukha. Sarap nga kagatin ang matangos niyang ilong at dilaan ang mapupula niyang labi. Pwede din halikan mukhang kissable naman ito.

Magtigil ka Mae, manyak na adik na ang dating mo.

Itinulak ko pa ang cart nang biglang nahulog ang libro at sa kasamaang palad ay naapakan ko ito kaya nadulas ako, at napaupo sa sahig. "Arrrayyyy ko po! Ang sakit!" sapo ko sa puwet, pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ang iba ay natawa ang iba ay naguguluhan. "Hanggang dito ba sa Cebu gumagana parin ang ang kalampahan mo Mae?" tanong ko sa sarili. Dahil na bugbog ang puwet ko sa pagkakaupo ay nahihirapan akong tumayo. "God, ang sakit talaga."

"Need a lift, miss?"

Isang gwapong nilalang ang nakita kung nakangiti sa akin pero napakunot ang noo ko kasi pamilyar siya. Pero ang gwapo niya litaw pa ang dimple sa magkabilang pisngi. 

Bawal ma attract Mae, BA-WAL!

"Tatayo ka ba d'yan o may plano kang gawing mop yang puwet mo sa sahig?"

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now