39: LET HER GO

2.2K 40 6
                                    


Sa sobrang sakit ay gusto kong mag wala at sumigaw. Hindi ako maaring maging baog, paano na ang mga pangarap namin ni Mae.

Agad kong binuksan ang kotse at wala akong marinig kundi ang lakas ng kabog ng puso ko. Konti nalang sasabog na ako. Kailangan kong maka layo.

I'm so sorry, Mae, I failed you. I'm a worthless person right now.

Sinabunutan ako ang sarili ko at naiyak na ako. Humagolhul ako sa steering wheel. Ang pag iyak nalang ang kaya kong gawin ngayon. Bukas ang bintana ng kotse ko kaya rinig ko ang music sa katabi kong sasakyan. It is playing "Let her go."

Kaya ko bang palayain siya gayung ikamamatay ko ito?

Mabilis kong minaneho ang sasakyan. Wala akong pakialam sa mga kasalubong ko at kasabayan. Wala akong paki sa mangyayari sa akin. I'm good as dead. Itinigil ko ang sasakyan sa malapit sa bangin. Nakayuko lang ako at umiyak ng umiyak.

I can't let you go, Mae! I can't.

Lumabas ako sa sasakyan. Nag sisigaw-sigaw ako habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Hindi pa ako na kontento at pinag sisipa ko ang gulong sasakyan.

I can't live without you, Mae!

Humagolhul akong naka luhod sa pinto sa may driver side at ang ulo ko nasa upuan.

What to do, Mae? What to do?

Para akong baliw at ngayon ay nakatulala. Titig na titig ako sa araw na tirik na tirik. Hinayaan kong masilaw ang mata ko. I'm hurting. Natatakot na ako kasi alam kong hindi dapat ako maging makasarili. Wala siyang future sa akin.

Tama si Allen, ang magkaroon ng anak ang essence sa pagiging babae. Pano ko maibigay 'yun sa kanya? Paano ko s'ya haharapin knowing that I'm worthless?

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinark ang sasakyan sa labas. At pag pasok ko sa gate ay nakita ko ang mga roses ni mama. Pinag sisipa ko ang paso at pati ang orchids niya. Nagulat sila ni daddy sa pag dating ko. Dahil binato ko ang susi ng sasakyan sa hagdanan at tinakbo ko na ang kwarto ko. Pag pasok ko sa loob ay agad kong sinipa ang mga gamit malapit sa pinto. Kinuha ko ang upoan at hinataw ko ang malaking salamin. Si daddy tawag ng tawag sa labas. Ayokong kausapin ang sino man sa kanila.

Nag durugo ang kamay ko dahil sa mga bubog. Tempted na akong maglaslas sa pulso ng makakita ako ng broken piece of the mirror glass. Pero instead, tinapon ko ito. Lahat nang kung anong meron sa table ay sira. Walang patawad ang flat screen na tv ko. Kahit ang walang ka awa-awang lamp shade. Pumunta ako sa banyo. Binuksan ko ang shower habang suot ang damit ko ay nalego ako. Puno ng dugo ang kamay ko pero hindi ko maramdaman ang sakit. Tanging nararamdaman ko ay ang sakit sa puso dahil sa katotohanang palalayain ko si Mae.

Hindi ko alam kong ilang oras akong naka lublub sa tub na puno ng dugo. Patuloy ang patak ng tubig ganun din ang dugo ko sa kamay.

Mae, mas masakit pa ang sugat kung iiwan muna ako. Mas masakit. Hindi ko kaya ang sakit.

I'm helpless, crying my heart out and crying for the possible pain. The pain when the thought of Mae leaving me.

Mae, don't leave me, even if I push you away to leave me. Stay with me. Please stay with me. I need you. Mae. Don't leave me, please s-t-ayyy.



***

Halos takbuhin ko na ang papasok sa bahay nila Black. Lahat ng kapatid niya present. Nang makita ako ng mommy ni Black ay niyakap niya ako. "Please sabihin mo hindi mo iiwan ang anak ko. Nakikiusap ako sayo Mae. Huwag mong iwan si Black." Naawa ako sa ginang at niyakap ko siya.

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now