Z: PROMISE

1.5K 20 3
                                    

Wala akong tulog. After naming gumawa ng apoy ni Black sa loob ng van nila ay nagdrive pa si Black sa malapit na resort at doon may part two'ng naganap sinulit namin ang aming paghihiwalay. Drama lang pala ni Black ang hindi pa ready noon dahil halos hindi niya ako hiniwalayan kung wala lang kaming graduation rites ngayon baka hindi pa kami uuwi. 

Buti din may souvenir clothes sila kaya nakabili kami ng masusuot. It was five ng napilitan kaming bumangon dahil may 6 am mass pa kami. Inuwi niya ako at binigyan lang ako ni tita ng ngiti kaya nahiya akong yumuko wala naman siyang sinabi pero tingin ko alam niya ang real score, inumaga eh.

***

Dumating ako sa bahay ay agad kong nakita si Mommy, kuya Red at Kuya Blue na nagkakape. Tumingin sila sa akin at natawa ang dalawang kuya ko pero si mama tahimik lang ni hindi siya nag tanong kung saan ako galing, sino ang kasama ko at saan ako natulog.

"Ma, hindi mo ba tatanungin si Black kung saan siya galing?" tanong ni kuya Blue.

"Shut up Blue. If hindi ako nagkamali, graduation din noon natin sa highschool ng inumaga ka ng uwi daig mo pa ang na rape ng bakla." sita ni kuya Red kay kuya Blue.

"Bakit pa ako magtatanong eh alam ko naman. Asan ba nagmana si Black sa graduation na late dumating diba sayo, Blue?" asik ni mommy.

"Mae is leaving papunta sa states. Baka doon na din siya mag-aral. Hindi pa niya alam when siya makakauwi depende daw sa kalagayan ng father niya."

"Ayun, gumawa pala ng souvenir."

"Do you want to marry her?" Deretsong tanong ni mommy pero umiling lang Ako. "Why not?"

"I love her. I do want to marry her . But I also know Mae won't accept my proposal. Marami pang gustong gawin si Mae, Ayoko siya ikulong sa akin."

"Why not study in the state?"—kuya Red.

"Ayoko maging distraction kay Mae. Kung anong kaya niyang Ibigay for now sapat na 'yun."

Naawa sila sa akin kaya walang nag komento. Pumasok ako sa room at nalego. Mabilis lang naman ako mag ayos kasi hindi ako tumitingin sa salamin di tulad ng tatlo. Pagbaba ko ay handa na sila para umalis kami. Pagdating namin sa simbahan ay nakita ko si Mae na kinawayan ako. Si White ay malagkit ang tingin sa akin.

Pagkatapos ng mass ay nag picture taking muna saka kami tumuloy sa school para sa graduation rites ceremony. Umiyak si Mae nang matanggap niya ang diploma akala daw niya hindi na mangyayari sa dami ng school na pinasukan niya at sinipa niya. It would be nice to see daw sana kung kasama niya daddy niya. Walang sawang picture-picture from class picture, basketball team, class section, circle of friends, kaming apat, at kaming dalawa ni Mae. 

After the graduation and pictorial ay nagtuloy kami sa hotel owned by lola Kate kasi libre ang salo-salo ni tito Trigger sa aming anim. Inaya ko din si  Mae at tita niya na nauwi pa sa tawanan dahil na ungkat ang kwento ni tito Tim at tita Andy. Ang tita ni Mae tawa lang ng tawa dahil alam nito ang nangyari at isa si Andy daw sa pinagseselosan niya noon pero si tito Trigger ay walang ka alam-alam kaya nagseselos inalo naman ito ni tita na hindi naman daw naging sila kamuntikan lang daw.

Pagkauwi ko sa bahay ay nagbihis lang ako ng damit dahil nagkasundo kami ni Mae na mamasyal at sulitin namin ang moment magkasama. Walang reklamo ang tita ni Mae nang ipag paalam ko. One thing na same ang pamilya ko at pamilya ni Kim, 'yun ay pagiging open minded. Naka shorts lang ni Mae at simpleng T-shirt na pinarisan ng tsinelas. 

"Drop muna tayo sa bahay nila Venice."

"Makikikain pa tayo? Busog na ako."

"Sunduin natin si Green, nakikipag-away doon dahil sa selos baka ipakulong ni Mayor ang kapatid mo."

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now