35: EXCITED

1.5K 26 2
                                    


Hindi ako masyadong nakatulog kagabe dahil sa sobrang excited simula ng sinabi ni daddy na pumayag na si Mae. Marami na akong pinaplano. Kung saan kami mag date. And how it is to have her by my side while I'm working. Pag natutulog ako kasama siya. Kahit saan ako lilingon and'yan siya. Kaya before tumunog ang alarm clock ko ay nalalego na ako at nakapag palit na ako ng bagong damit pantulog. Dapat mabango ako pag dating ni Mae.

"Morning mom." Ngiti ko sabay halik kay mommy. Alas singko palang si mommy ay gising na early bird kasi. Si daddy nahawa lang kay mommy. Matanda na sila pero matamis parin parang asukal.

"Masaya ata ang binata ko." Ani ni dad.

"Pustahan Moy hindi yan natulog."

"Mom, pag nagpunta si Mae dito, paakyatin n'yo sa kwarto huh? Utusan n'yung gisingin ako. Basta. At mom huwag n'yong takutin." Bilin ko kay mom na natawa.

"Gigisingin kapa sa lagay na yan? Diba gising kana?" Apila ni daddy.

"Hayaan muna Moy, mahirap na baka matuluyan 'yan. Ang hindi ko alam ay kung papaano gigisingin ni Mae ang isang gising na." Mommy na naiiling.

"Ano Black? Wala paba akong apo sayo?" Ngiti ni daddy.

"Dad naman huwag n'yo akong eh pressure. Pag mamaya makita n'yong malaki ang tyan ni Mae isa lang ang ibig sabihin n'yan, buo na. Pero pag hindi pa don't worry mag OOVERTIME ako para gawin ang apo ninyo!"

"Mga kabataan ngayon. Ginagawa lang testing ang paggawa ng bata. O siya kumain ka muna para may energy ka sa pag gawa ng bata."

"Kia!" Saway ni daddy.

"Ano? Sawa na ako sa mga ganyan Moy! Alalahanin mong siyam ang barako mo! Sanay na ako sa mga kwentong babae nila lalo na si Orange at Green."

"Buti nalang at wala ang tatlo dito. Bibisitahin natin sila sa boarding school sa Sunday. Na miss ko na ang aking makukulit na princessa."

Pangiti-ngiti akong kumain. Wala akong pakialam kung anong pinag uusapan nila mommy. Bago nahiga sa kama ay nag sipilyo muna ako. Hirap na baka amoy basura ang hininga ko. Naka tihaya ako hanggang sa nakatulog ako.


***

Aligaga ako sa kwarto 8 AM na at dapat nasa mansiyon na ako ng Fuentebella. Kaso nahihiya talaga ako sa parents ni Black eh. Suot at tight jeans at long sleeve na checkered ay nagmumukha ako dyosa. Echus!

"Ano aalis kaba?" Puna ni daddy. "Kung nag bago ang isip mo sabihin mo at kakausapin ko si Rency."

"Dad, you know why I am doing this diba? I need to protect him at isa pa, para e patch up narin namin ang reason kung bakit kami nag hiwalay."

"Naiintindihan ko anak. Pero sure kana ba talaga sa lalaking yun? Mga mayayaman sila baka aalilain kalang nila. Baka mga playboy yun? Nako Mae, patawarin ako ng diyos pero pag niloko ka ng Black na yun talagang pakakainin ko yan ng bomba!"

"Daddy naman. Maangas lang si Black pero deep inside. Mapagpahal siya at mabait. Malambing at ma--"

"Tama na! Baka kung saan pa mapunta ang usapan ayokong marinig. Alam ko at narinig ko na ang usapan ninyo ni Blade sa pag suko ng spratly island. Siguraduhin mo lang na papakasalan ka ng Fuentebellayang yun."

Nag yakapan kami ni daddy bago ako sumakay sa kotse. Pag dating ko sa Gate nila at nag sign of a cross muna ako bago nag door bell. "Good morning po madam." Yuko at bati ko sa nanay ni Black.

At agad niya akong hinatak papasok sa loob. "Bakit ngayon kalang Mae. Halik ka sa loob kumain kana ba? Mukhang pumayat ka ata. Halika kain ka muna pabayaan mo muna si Black sa taas. Hayaan mo siya dun."

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now