F: Destiny....

2.2K 37 4
                                    


Start na naman ng pasukan, puspusan ang ensayo namin sa basketball. Hindi pwedeng hindi kami ang magiging champion ulit. Bilang captain, ayokong mapahiya. Hawak ng Fuentebella ang kasikatan pagdating sa basketball dahil kina kuya Red at kuya Blue na binansagang "The Legend" kaya gusto kong ipagpatuloy 'yun as family legacy.

"Orange, bilisan mo late na tayo sa praktis!" Asar na asar ako dito, isang linggo pa yan tulala walang ginawa kundi tumawang mag isa.

"Green, feeling ko nakita ko na ang "THE ONE KO!"

"Sino naman 'yan?"-Green.

"Si TANGERINE na adik ang buhok!"

"Eehh, adik karin naman pala ehh bakit ka magkakagusto sa isang adik? Ang dami-daming babae tapos papatos ka sa adik?"-sapak ni Green dito.

Nag mamadali ako sa paglakad, kasi pupunta muna ako sa locker nang pag liko ko ay may nakita akong isang babae na naka tawag pansin sa akin ang kanyang buhok na may weird na kulay. Kailan pa naging good combination ang kulay na Pink at Green? Tapos neon colors pa, ano ba siya sa tingin niya reflectors?

Dahil sa pagkakabanggit ko sa salitang reflectors ay naalala ko ang babae sa airport na may Orange na kulay ang buhok kaya natawa na lang ako. Bakit kaya nag lipana sa mundo ang maraming adik ngayon?

Nakalapit na ako sa may hanay ng mga locker nang makita kong pinagtatawanan ito. Hindi pa sila na kuntento ay binuhusan pa nila ito ng juice, halatang sinasadya. Mga tao nga naman, mahlilig mam-bully sa mga weak, sa'kin niyo gawin 'yan at ililibing ko kayo ng buhay.

Napa iling nalang ako at nag patuloy sa aking ginagawa. Paalis na ako pagkatapos kong makuha ang sadya sa locker nang makita ko na siyang nag lakad palayo habang umiiyak hindi alintana na basa na ang uniform. Nakasunod lang ako ng tanaw sa kanya ni hindi ko magawang maglakad palayo, sa puso't isip ko nakaramdam ako ng awa para dito. Hindi naman kasi porke't adik ang trip niya ay deserve niyang ma bully.

St. Lourdes sounds like a religious school but were are not. Actually dito, may free will basta according sa code and ethics ng school kaya hindi na ako nagtataka na tinggap ang mga taong tulad niyang trip ang buhok na stands out.

Sa di kalayuan ay nadulas na naman ito at sumadsad ang puwet sa sahig. Tawa ng tawa ang mga naka kita. Kahit ako natawa, hindi dahil lampa siya or what. Natawa ako kasi super malas niya today. Pero nang makita ko ang pagkakahulog ng kanyang eye glass at ang pag-uunahan ng kanyang mga luha ay naawa na naman ako. Are they laughing beacuse of her clumsiness? Or sa kanyang pagiging adik?

I saw how she compose herself and manage to stands up despite her situation at saka tumakbo palayo. Nakaramdam ako ng galit sa mga bullies niya at kating-kati na akong manapak.

Black, hindi ikaw 'yan.

Yeah, dahil sa babae'ng 'yun ay pansamantala kung nakalimutan na ako si Black, ako ang taong wala pakialam sa paligid. Isa yan sa mga ugali ko ang hindi makisaw-saw. Isa lang ang nasa isip ko ang mag basket ng bola.


***

Malalaki ang paaralan sa Manila gaya ng pinapasukan ko pero hindi rin pala pahuhili dito sa Cebu lalo na ang Lourdes.

"Okay ka lang ba Mae?"

"Tito, nakakahiya po ata dito."

"Dapat kalang talagang mahiya kasi adik ang dating mo." Tukso ni Kian na first year college na. Magka edad lang kami kaso panay drop out ko kaya na sayang ko ang isang taon na ngayon ay binabalikan ko.

"At least adik lang ang drama hindi adik kung umasta."

"Oh, siya tama na 'yan. Kian total may time ka pa ipasyal mo muna si Mae dito nang makabisado niya ang school. Mamaya din daanan mo si Mae baka maligaw siya pag-uwi."

TANGLED TO OUR PROMISEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα