W: ONE NAME, ONE GOAL

1.6K 27 2
                                    

Pag pasok ko palang sa classroom ay na ninibago ako sa apat na tahimik lang sa kanilang upuan. Pag upo ko sa tabi ni Black ay agad siyang yumakap sa akin at nakita ko ang pangingitim ng tila pasa sa left jaw niya.

"Na paano 'yan? turo ko sa pasa. "H'wag mo sabihin naging si Green ka na?"

Umiling lang ito. "Mae, naalala mo ang gwapo'ng Montefalcon na 'yun?"

"Si Pyton and Viper ba 'yun? Bakit anong meron?"

"Anak pala sila ni kuya Red at sumugod sila sa bahay kagabi ayun nag suntukan kami. Graveh, mga pamangkin ko pa pala sila, diba nakakahiya?"

"'Di ahhh, ang cute nga ehh, pamangkin mo ka edad mo."

"Basta ka inis. Kaya pala magaling pa sa akin mag laro, anak pala sila ni kuya Red."

"Ayun, 'yun ang hindi mo matanggap hindi ang pagiging pamangkin. Ayaw mo ba 'nun pag kayong apat plus silang dalawa ang first five sa court may lalaban pa ba? At the end of the day Fuentebella parin naman ang dadalhin ninyo. Hayaan mo na kung tingin mo mas magaling siya sayo, pamangkin mo naman 'yun. Diba si kuya Blue hindi naman nagseselos kay kuya Red? Kasi tanggap niya na magaling ito. Kaya itigil na ninyo ang pagiging malungkot ninyo. Para sa akin kayo naman ang magaling at ipag che-cheer ko kayo kahit anong game."

Dahil sa sinabi ko ay natanggap na din ng apat na ang ma angas at gwapo nilang karibal ay pamangkin nila. "Lagi ninyong tatandaan apat, makinig sa payo to ng ate Mae ninyo. Bawat isa sa inyo ay magaling at may sariling abilidad at taleno. Hindi na importante kung sino ang pinakamahusay sa team ninyo ang mahalaga, pareho kayo ng goal ang manalo at mag uwi ang trophy para sa karangalan ng school natin."

"Tama ka Mae, katulad din yan sa larong mobile legend. Every member has the strength to help one another and ensure we will win. Tama, we have one goal, and that is victory."

Nadaanan ko ang team mates ni Black at narinig ko ang pinag-uusapan nila. Ang kambal na Montefalcon, ang kapatid ni Kelvin at kambal na Lefranco ay sa Lourdes na daw mag-aaral at ipinasok ni sir Kevin sa team. Nangamba silang ma banko dahil alam nila ang bagsik ng first five ng Ildefonso na tinalo sila sa game.

Alam na kaya ito ni Black?

Bumalik ko sa classroom at wala na si Black pero nakita ko si Green hindi pa tapos sumagot sa assignemnt niya. "Aba, ang sipag mo ata ngayon gumawa ng assignment."

"Mae, pa tulong naman nahihirapan akong intindihin ang number four."

Sinalat ko ang noon niya kung may lagnat ba siya. "Okay ka lang Green?"

"Mae, kailangan kong magsipag sa pag-aaral dahil dito na papasok si Venice ayokong mapahiya."

"Green, alam niyo na ba na dito na mag-aaral ang pamangkin ninyo at ipinasok sila ni sir Kevin sa team ninyo?"

Tumango lang ito. "Yup, sinabi ni kuya. Okay lang 'yun, diba sabi mo at the end of the day Fuentebella parin naman sila at may isang kaming goal? Tanggap ko nang mas magaling ang Viper na 'yun sa akin ang hindi ko lang matanggap ay bestfriend sila ni Venice, nagseselos ako!"

Tinuruan ko siyang intindihin ang problem four at iniwan ko na siya para hanapin si Black. Nakita ko siya sa likod ng classroom masinsinang kausap ni Kelvin.

"Paano 'yan Black, paano if palitan ka ni daddy sa Montefalcon na 'yun? Swapang pa naman si daddy."

"Sira ulo, tatay mo 'yun sisirain mo?"

"Totoo naman. Aminado akong mas magaling si Melvin sa akin sa paglalaro ng basketball pero ang taas ng pride ng daddy ko ayaw niyang aminin kaya ipinapakita niya dito na ako ang magaling kaya tuloy ang kambal ko galit sa akin dahil sa abnoy kung tatay."

"Okay lang 'yun Kel, sabi nga ni Mae at the end of the day Fuentebella sila at Lourdes na ang team na kinabibilangan nila. Tanggap ko na may mas magaling pa sa akin."

"Aba, mukhang kinain na ng virus ang buo mong sistema, ahhh. Anong variant ba yan O-MAE-CRON?"

Napangiti akong nilisan ang likod at bumalik ako sa classroom na masaya kasi kahit papano ang mayabang na si Black ay bumait at ang bolakbol na si Green at nagsisipag sa pag-aaral.


***

Naghihintay ako sa gate kay Mae nang makita ko si kuya Red na pumasok kasunod ang kambal nito na agad nakatutok sa akin. Nag mano ako kay kuya at nagulat ako ng nagmano din ang dalawa sa akin kaya sinapak ko sila. "Tado, magka edad lang tayo." natawa silang dalawa.

"Hindi ka ba matatakot mapalitan ni Py, tito Black?"

Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ni Viper na mukhang sinasadyang inisin ako. "Vi, matatanggap kong mapalitan kasi aminado na akong magaling siya pero ang hindi ko matanggap ay tawagin mo akong tito, kinikilabutan ako."

Nakatawa silang niyakap akong dalawa and i feel better, nawala yung malaking harang. Nakaalis na sila nang dumating si Mae na kausap si Venice habang si Green naman ay nasa likuran niya panay senyas at hindi ko ma gets. Kinuha ko ang libro ni Mae at sumabay ako sa paglalakad nila kaso ang kupad nilang maglakad kaya inunahan ko na silang pumasok sa classrom. Nakita ko si Green na kumuha ng extra upoan.

"Orange, lipat ka sa likuran ni Mae, si Venice ang uupos sa upoan mo."

Tumaas ang kilay ni Orange. "Ano? dumating lang si Venice palalayasin mo na ako?"

Natawa ako sa kanilang dalawa inseparable silang dalawa eh pero heto nga nang dahil kay Venice ay pansamantala muna silang maghihiwalay. Walang nagawa si Orange ng dumating si Venice ay nag offer si Green ng upoan dito.

Dumating ang aming first subject teacher at pumasok ang transferree ang kambal na Montefalco, si Melvin Moreno at sina Finn at Flynn Lefranco aside ni Venice Pimentel. Lumapit si Py sa gawi namin kaya napataas ang kilay ko ng inilahad niya ang kamay kay Mae.

"Mae, hi, sabi ni sir Hanz patulong daw ako sayo mag adjust sa subject. Tayo daw ang ilalaban niya sa Science and Math Fair."

"Teka Py, paano mo nakilala si Mae?" sagbat ko.

"Sabi kasi ni sir walang ibang babaeng may kulay ang buhok, yun si Mae na girlfriend ni Black."

"Ahhh sige, Py kita nalang tayo mamaya sa recess para pag-usapan ang sa fair."

Naupo si Viper sa tabi ni Orange at sa likuran nila sina Melvin at Python. Dumaan si Kelvin at nilapitan si Venice at nagpakilala. "Hi Venice, ang ganda mo naman. Alam mo bang boyfriend ng mommy ko ang daddy mo noon? Sayang pala kapatid sana kita."

Ngumiti si Venice. "Oo nga eh, ngayon ko lang alam na chizmiz sa akin ni madam principal. Nakipag break break siya sa daddy ko kasi nakilala niya ang daddy mo. 'Di ko masisisisi ang daddy ang ganda kasi ng mommy mo parang kapatid lang niya sa Melvin sa katandaan paano kasi puro ng simangot. Diba kambal kayo? Bakit masayahin ka at siya hindi? Feeling ko tuloy siya ang tatay ninyo."

Binato ni Melvin ng takip ng ball pen si Venice at ipinagtanggol ni Green na gumanti ng bato at ang natamaan ay si Python na gumanti pero kay White nag landing ang takip at ibinalik kay Melvin kaso mabilis umilag at tinamaan si Viper na ibabato sana nito pabalik kay White pero maagap na inagaw ni Orange ang ending naging rambol ang side namin at napagalitan kami.

During the meet up with the new members ay nagulat ako ng sinabi ni Sir sa akin na e make sure kong hindi tatamad-tamad ang mga new members sa practice. Ibig lang sabihin na hindi ako papalitan. One thing i like, is the respect of the newest members for me as the captain and during the practice game ay napakaintense parang grand finals parin hinati kasi kami sa dalawang team between me and Py at ewan kung nanalo ba talaga kami o pinagbigyan lang kami ni Pyton at Viper. Pero ng uwian na, isang sasakyan parin ang ginamit namin dahil isang bahay lang din ang nuuwian namin. Ito na ang sinasabi ni Mae sa akin na at the end of the day we are still Fuentebella.

"Tito Black, nice game." akbay sa akin ni Py.

"Tito Green---" agad na ipinakita ni Green ang kamao niya kay Viper na hindi na tinapos ang sasabihin sa takot sa suntok ni Green. "Si Venice, crush ka na ata." Agad namula si Green.

Masaya naman pala if titingnan mo lang sa positive side ang changes. Kung ako pa ang old Black, it would be hard for me to accept it, but since I met Mae, I started to loosen up and accepts things and positively look at them.

O-Mae-cron, ibang klase ang dala mong virus pang one time, big time.

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now