I: buko

2K 41 1
                                    


Kagigising ko lang, nakikita ko si White na may ginagawang homework sa math. Napailing nalang ako ng maalala ko ang nangyari nung isang araw sa adik na babaeng yun. In fairness, adik ang hitsura nya, pero maganda pala siya sa malapitan. Inaamin ko na tulala ako sa pag lapit niya sa sakin as in sobrang lapit. Ang ganda niya minus the hair color and the glass.

Andoon na ang moment eh kaso, kinabahan ako. I don't know what got me pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng titigan ko siya at mahawakan niya ang kamay ko. I need to get out ASAP! Yung malayo sa kanya, yun agad ang pumasok sa utak ko habang nakatitig ako sa nga labi niyang tila ba kay sarap halikan.

Kaya ng matapos ang pag sagot, kulang nalang tumakbo ako sa bilis. Hindi ko nagustuhan ang pagkalalapit naming 'yun. Nakakaknis din, White ng White. Ni hindi niya makita ang pagkakaiba namin. Pero graveh ang babaeng yun, tingin ko nasa loob ang kulo nya. Santa-santita. Ang lakas ng loob pang sapakin ako.

Aminin, kinilig ka na seat mo siya.

Napangiti ako binalikan ang tagpong magkatabi kami kahapon


[Flashback]

Nag bell na at naka alis na sina White, Orange, at Green pero ako hindi maka daan. Kahit gusto kong mag excuse para lumabas ay hindi ko magawa kasi seryoso itong nagbabasa ng librong na hiram niya sa ka klase namin. Dahil wala akong magawa ay pinanood ko na lang siyang tila tinitingnan lang ang bawat pahina.

Naintindihan kaya niya ang binabasa niya?

Nang matapos siya ay tumungin siya sa akin saka sa paligid. "Hala break na pala sorry." Agad siyang tumayo para bigyan ako ng way lumabas kaya mabilis akong dumaan na iihi na kasi ako. Pinuntahan ko sila Green sa canteen na kumakain. Naupo ako sa may entrance pero hindi ko siya nakita. Pabalik na kami ng maisipan ko siyang bilhan ng sandwich at tropikana. Pagbalik namin sa classroom ay andoon parin siya nagbabasa. Pero nasa upoan ko na siya kaya ako ang na upo sa upoan niya. inilabas ko ang binili ko pero nahihiya akong ibigay sa kanya. Dahil dalawa ito ay kinain ko na ito at inalok siya.

"Gusto mo?"

Tumitig siya sa akin at sa gulat ko ay kinuha niya ang isa at kinagat habang nagbabasa pa rin. Nang maubos niya ito ay may kinuha siya sa bag, inilabas niya ang dalawang mansanas at ibinigay sa akin ang isa.

"Here, pa, thank you sa sandwich."

Tinanggap ko ito at kinain. Saktong na ubos ko na ang mansanas at nalinis ko na ang kalat sa mesa ng dumating ang tatlo na nakatinginan sa amin. "Kanina pa ba siya nagbabasa?" tanong ni Orange.

"Yup." walang ka buhay-buhay kong sagot.

"Adik, wala ka naman sigurong planong basahin lahat ng libro sa lahat ng subject natin diba?"

"I'm on the last book. Yes, nabasa ko na sila."

Namilog ang mga mata namin sa sinabi niya. Na basa niya ang walong libro? Ni wala pa kaming binuksan kahit na isa. "Kung magaling ka, sige nga pakita mo sa akin pano sagutan itong sa Physics." hamon ni White sa kanya.

Kinuha niya ang assignment namin. Si White talaga mahilig mag sulat at mag copy hindi naman mahilig mag sagot. Kumuha siya ng papel at bigla siyang parang nag demonstration. Isinaulo niya ang formula. Inisa-isa niya sa pag substitute ang bawat letter sa formula sa given data. Sabi pa niya kung marunong ka lang mag analyze sa given data at memorize mo ang formula, carry na yun. Walang kahirap-hirap naming na sundan ang paliwanag niya, ito ata ang pina ka unang beses na nakinig kami sa explanation.

Bakit mas naintindihan ko ang pagpapaliwanag ni--- napahinto ako. Ano ba talaga ang tunay niyang pangalan? Seryoso ba 'yung Tangerine?

Nasagutan niya ang lahat, tatlong lang naman ang problem. Nang pumasok si sir Ledesma ay pinatayo siya para magpakilala. Sheilah Mae Chui Romualdez pala ang palayaw niya. Pagdating sa pagsagot sa assignment ay himalang nag taas ng kamay sina Orange, Green at White na kahit si sir ay nagulat kaya sa kanila binigay ang pagsagot. Labis na humanga pa si sir ng bawat sagot nila ay ipinaliwag kung paano ginawa. Nang lumingon ako sa kanya nakita kong proud siyang ngumiti na siya ang nagturo sa kanilang tatlo.

TANGLED TO OUR PROMISEМесто, где живут истории. Откройте их для себя