2: ACCIDENT

1.3K 20 0
                                    


Hindi ako makatulog. Isang bote lang ng beer ang nainom ko pero ang laki ng tama sa akin. Hindi talaga ako makakapaniwala na si Robin, siya ang nakita ko kanina, gwapo na siya noon pero he look even better ngayon, the bad boy image ang nag papa add ng angas effect sa kanya plus those tattoos painted all over his body. 

Are they even real?

I look at the clock it is four in the morning at hindi pa umuwi si Blade. Naisipan kong buksan ang phone ko at mag laro nalang ng little big city para ma busy ang mata ko at makatulog. Nang makarinig ako ng pagbukas ng pintoan agad kong kinuha ang baril sa ilalim ng unang at bumaba ako. Nakit ko si Blade na napaupo s acouch ang sapo ang mukha at umiiyak siya.

"Blade?"

"Ate?" pinunasan niya ang luha. "Gising ka pa pala."

"What's wrong? May nangyari ba?"

"Wala ate. Sobrang na stress lang ako sa work at napagalitan pa ako kanina. Sige aakyat na ako."

May problema kaya siya at ayaw niyang sabihin? Dahil hindi ako makatulog ay nag kape na lang ako. Isang SMS ang natanggap ko kay Egypt.

>>> I know gising kapa kasi hanggang ngayon hindi mo pa ma digest ang ka gwapohan ni Robin Hood. Tama naman ako diba?

Gusto niya ata sakalin ko siya, gwapo naman talaga si Robin ahh pero anong ipinagkaiba nito ngayon? Meron ba?

>>> Siya nga pala nagkausap na si Daddy at Blade, sinabi niyang uuwi ka kaya heto ang e-ticket mo, bukas ng hapon ang flight kaya be ready, alam kong excited kana makita si 5years.

Luko-luko talaga. Humanda ka Egypt Abellino, may araw ka rin sa akin.

Naisipan kong puntahan ni daddy sa kwarto niya, ganun parin ito walang nag bago sa dumaan na mga taon. "Dad..." Hinaplos ko ang mukha niya. "Alam kong araw-araw kong sinasabi na mahal kita, alam ko naririnig mo ako, andito kami ni Blade na mahal na mahal ka. Huwag kang sumuko huh? Hindi kami susuko kahit gaano ka tagal."

Pinahid ko na ang mga luhang nag patakan, sobrang emotional ako pag dating kay daddy partly because ang tigas ko sa kanya, inaaway ko siya, binibigyan ng sakit ng ulo at pinaiiyak ko siya. "Siya nga pala dad, Chemist na ako. Ilang panahon nalang kaya na kitang tapatan. Magiging kasing galing n'yo na ako dad." Hinanap ko ang kamay niya at dinala sa pisngi ko at dinama ang kaunting init. "Dad, pansamantalang uuwi muna ako, pansamantala lang naman yun, pangako babalikan kita. Doon muna ako mag tatrabaho, dahil may pangako din akong gustong tuparin. Dad, in love na si MoeMay."

Para akong baliw na nakatawa habang umiiyak. "Sorry kung bakit ngayon ko lang sinabi sa inyo, natakot po kasi akong hindi ko siya mabalikan pagkalipas ng limang taon. Pero heto na, wala ng problema, uuwi ako upang balikan siya, pangako pag ok na ang lahat ipakikilala ko siya sayo. Dad, pray for me please? Sana ang lovelife ko hindi kasing saklap ng love story n'yo ni mommy. "Yan din ang reason why i hate to fall in love. But i did fall in love. I guess i am not that wise enough huh? But i love him dad. I love him so much. Hindi siya sweet at pasensyosong tao pero napapakilig niya ako, napapasaya niya din ako, at mahal na mahal niya ako. Diba 'yun naman ang importante?"

Tumayo ako at inayos ang kamay at kumot n'ya saka ko siya hinalikan. "Pagaling kahuh? Ilalakad mo pa ako sa simbahan, ihahatid mo pa ang kamay ko kay Black, dapat takutin mo siya, yung gaya sa Meet the Fockers diba yun ang favorite mo?"

"I love you, dad! Always and forever."


***

"Read---what the hell Mae?!"

TANGLED TO OUR PROMISENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ