31: FIERCE PLAN

1.6K 31 2
                                    


Naririndi na ako sa pag wawala ni Black. Kahit kumukulo ang dugo ko sa Matapang na 'yun ay parang gusto kong matawa sa hitsura ni White na bugbog sarado ni Black. Si Green cool lang sa pag mamaneho.

"Itigil mo Green. Sasapakin kita!" Banta ni Black.

"Kung kaya mo! Pero bakit ako pa? And'yan naman si White. Siya nalang ang banatan mo!" Ani ni Green na tumatawa pa.

"Loko ka Green! Sakit na nga ng batok at panga ko!" Reklamo ni White. "Orange ikaw dito!"

Pero umiling lang ako. "Ang gwapo kong to? Gagawin kong panangga lang? Yuko nga!"

"Astig mo kanina Range. Akala ko talaga tatakbuhin pa kita para maging back up mo!" Ani ni Green sa sakin.

"Nako Green sa laki ng katawan niyang yun? Alam ko namang talo ako eh, pero gaya ng sabi ko pipilitin ko talagang maka suntok sa kanya para maalala niya na isang kamao ng Fuentebella ang umambag ng kulay sa mukha niya."

"Oo naman. Talagang plano ko na kanina ang balikan ka. Alangan ipapabugbog ko yang mukha mo eh d'yan kalang nakakahanap ng chiks. Inambunan mo nga ako noon diba?" Na tawa ni Green.

"Cut the crap! Ihinto n'yo ang sasakyan! Bababa ako!" Sigaw ni Black.

"Hindi pwede," ani ni Green na nangaasar.

"Kung ganun bilis bilisan mo ang pag mamaneho. Ano ba etong nasakyan ko karo ng patay? Ang bagal ng usad." Gusto kung matawa sa hitsura ni Green. Yan si Black pag galit kahit ano nalang sasabihin.

Nang makarating kami sa bahay ay naghihintay na sina mommy at daddy. Nauna silang dumating. Bakas sa mukha nila ang pag alala kay Black. Andito rin pala si Kuya Red na karga ang kambal niya, si Fierce. Nag pauna si Black sa pag pasok. Napailing nalang si daddy. At ngumiti.

"Kita n'yo naman ang ginawa ni Black diba? Hindi niya inalintana ang sasabihin ng mga tao." Ani ni daddy na tila humanga pa kaysa sa magalit.

"Yan lang ang reaction mo Moy? As in yan lang?" disappointed na tanong ni mama.

"Bakit Moo? Are you expecting me na pangaralan si Black on how should he reacted kanina?" Daddy na natawa.

"Diba dapat lang yun? Hindi lang tayo ang bisita. Fuentebella ang dala ni Black. Ano nalang ang sasabihin ng mga kakilala mo? Ni Abellino?"

"Nah... hayaan n'yo sila. Black will be Black. He is in love. Ano bang mali sa ginawa niya? Ang cool nga eh. Lahat ng anak mo ang tatapang at ang aangas pero pag tungkol na sa babaeng mahal nila handang maging katawa-tawa. Hindi ko maalalang ginawa ko yun sayo."

"Moy!"

"Kia, I don't care what others would say. I'm not affected at all. Their words will not scratch me a bit. The only thing they can do to hurt me is hurt, my family. For me, the courage and guts that Black shows up there are enough for me to respect him. What more to say? The son of a bitch is in love, for crying out loud."

Walang comment si mommy hanggang sa nakarinig kami ng mga nabasag na vase. "PUNYETA KA BLACK! COLLECTION KO YAN! ANG MAHAL NG BILI KO D'YAN!" natawa kami na sinundan si mommy na nag wawala na sa galit.

"Agggghhh...bogsh!" Tunog ng mga binasag ni Black.

"TUMIGIL KA BLACK KUNDI MATATAMAAN KANA TALAGA SA AKIN." banta ni mommy pero sinaway lang siya ni daddy.

"Pabayaan mo Moo, kwentahin mo nalang kung magkano ang damage at pabayaran mo sa kanya." Pigil ni daddy.

"Black ano bang problema mo? Bakit ang vase ko pa! Sana inaya mo nalang sana ng suntukan si Green."

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now