H. Ay Mali

1.8K 40 1
                                    


Isiping magiging kabilang ako sa pamilya nila Orang ay parang nakaramdam ako ng kilig. Nawala ang ngiti ko sa labi ng sinundot niya ako sa tagiliran. "Ayeeh, seniryoso niya."

"Har-har---"

"Toto naman 'yung sinasabi ko kaya nga kung mapabilang ka sa pamilya namin edi kompleto na kami."

"Feeling ko ang saya ng family mo."

"Sinabi mo pa. Ikaw kumusta naman pamilya mo?"

Bigla akong napaisip, si daddy, si Blade ang tanging pamilya na meron ako maliban kay tita Lene. Kumusta na kaya sila? Masaya kaya si daddy na finally wala na ako? Si Blade, iniyakan kaya niya ako?

Nahimik lang akong nakatingin sa langit, tahimik akong naupo, at nagulat ako sa sinabi ni Orange. "Sorry., hindi ko sinasadyang itanong."

"Ok lang yun, sadyang meron talagang swerte pag dating sa pamilya at hindi ako yun."

"Hayaan mo pag nasali kana sa pamilya ko party-party!"

"At paano ako maka pasok?"

"You marry one of Fuentebella."

"Isa sa inyong apat? Hahahaha. No thanks!"

"Hoy adik! Kung maka ayaw ka naman wagas!"

"Hahaha... bukod sa ka gwapohan ninyo ano pang strengths ninyo?"

"Mayaman kami, sikat at sure na ang magandang lahi."

"Hmmm, kung kami ni White? Pwede, mabait naman siya kahit slow. Kung si Green, malabo kasi bagag ata 'yun sa iba. Kung si Black? No thanks, pangangatawanan ko na lang pagiging adik ko. Kung ikaw---" tumingin ako sa gwapong mukha ni Orange, "H'wag na lang baka balde-balde ang luhang i-iiyak ko."

"Faithful ako."

"Pag tulog!"

Biglang tumunog ang bell. Tumayo na ako."A alis ka na?"

"Bakit? Ligawan ba ang ipinunta ko dito? Natural aalis ako kasi may klase pa ako."

"Tangerine, makikita pa ba kita?"

"Orange boy, kung hindi ako magiging white lady or mabubulag ka sure na magkikita pa tayo. See you mamaya, kailangan ko pang pumasok sa Math."

Nag mamadali ako sa pag lalakad ng sa di kalayuan ay may nakita akong busy sa pag sagot sa math gamit ang calculator. Eto talagang si White ang bopols. Simpleng assignment mag calculator ba talaga?

Hindi niya naramdaman ang presensya ko, dahil busy siya sa kakayuko at seryoso sa pag sagot. Nang dinungaw ko ang papel niya ay nakita ko ang sagot niyang puro mali. Graveh talaga ang utak, naka calculator na mali parin?

"H'wag kang magulo Green, mahirap 'to." sabi niya ng hindi ako tinitingnan.

Hindi na ako nakatiis. He is wasting his time sa mali-mali siyang sagot kaya kinuha ko ang papel kaya napalingon siya sa akin at kumunot ang noo.

"White, mali lahat ang sagot mo. Gusto mo turuan kita kung paano? Hindi sumagot si White at ingaw ang papel niya at nag patuloy lang ito sa pag sagot, kaya inagaw ko ang ballpen sa kanya. Pero na kuryente ako sa kamay niya, kaya nabitawan ko ito at tumingin siya sa akin, irap pa nga. Na bato balani ako sa titig niya, biglang bumilis ang tibok ni heart. 

Ano to? Bakit ganito? Wala naman siguro akong gusto kay White diba? Diba heart?

Naka tingin lang siya sa akin, naka tingin lang din ako sa kanya, hindi ko alam kong ilang segundo kami nag titigan, nagising ako ng tumaas ang kilay niya, agad kong inagaw ang ballpen sa kanya.

"Ganito yan White oh." 

Ipinaliwanag ko sa kanya kung papano ito sagutan ng hindi na kailangan ng calculator. Nasagutan ko na ito kay White kaya inulit ko lang din sa kanya. Nakatitig lang si White sa akin. Hindi ko alam kong natutuwa o galit. Dahil nanginginig ako sa nerbyos ay mabilis kong tinapos ang pag sagot.

Kailan pa ako kinabahan kay White? Si White lang to!

Nagtanong pa ako sa kanya kung naintindihan niya pero hindi siya sumagot, he just stare at me. Feeling ko meni-memorize niya ang hitsura ko. Mabilis na nagwawala ang puso ko sa loob.

"Ano kaba White, eyes on your paper, adik lang ako pero hindi ako ang sagot sa assignments mo." Effective ang pag gagalit-galitan ko dahil binalik niya ang mata sa papel niya at pinanuod niya akong sagutan ang lahat ng problem."O ayan tapos na! Perfect na yan!"

Bigla siyang tumayo, bitbit ang bag at walang salitang nag simulang mag lakad palayo.

Ang walang hiya 'di man lang nag thank you? Sinundan ko siya. "Hoy White, ang bait mo mag thank you ka naman!" Habol ko dito.

Pero mas binilisan niya ang paglakad, kaya tinakbo ko na siya ng bonggang-bongga. Nang nahawakan ko na siya saka ko siya sinapak ng malakas.

"WHAT THE FUCK!"

"Yan, ang bagay sayo, nag pakahirap ako tapos wala man lang thank you? Sayang, sabi ko pa naman kay Green, ikaw White ang mabait!"

"Adik" rinig kong mahinang sabi niya.

"Ano yun White? Adik ako? Pagkatapos kitang tulungan?"

"STOP CALLING ME WHITE! I'M NOT WHITE, OK?"

"Owsss 'wag mo akong okrayin White ikaw yan ehh, ikaw lang naman ang magdadala ng calculator kahit addition lang!"

"HINDI AKO SI WHITE OK? COZ MY NAME IS BLACK FUENTEBELLA! NOW, KUNG HINDI MO MAKITA ANG PAGKAKAIBA NG PAGMUMUKHA NAMIN I SUGGEST PATINGNAN MO ULIT ANG MATA MO, LUMALABO EHH."

"Black? Ikaw si Black?"

"THE ONE AND ONLY!"

Patay! Mali ang nasapak ko!

Mabilis ang bawat hakbang niya saka ko naalala na may klase pala ako sa Math. Binilisan ko ang pag takbo at naunahan ko na si Black. Nang makita niya akong tumakbo ay tumakbo na din siya. Yung mga nakakita sa amin akala naglalaro kami ng habulan. Nang huminto ako sa pintuan ang classroom ay hinihingal ako at pag lingon ko ay katabi ko na din si Black na hinihingal din. 

"Classmate ko siya?

"Kayong dalawa, bakit late kayo?" sita ng professor. "Pasok, sa susunod na ma late pa kayo hindi ko na kayo papapasokin."

Pumasok na kami at nahiya akong pinagtitinginan kami ng lahat. Nakita ko si White na kumaway, si Orange na kumindat at si Green na nag thumbs up.

"Kung saan kayo nakaupo ngayon, that would be your final seat. Hindi kayo langaw na palipat-lipat. Ang hindi susunod at wala sa upoan niya considered as absent."

Nagkatinginan kami ni Black nang makita naming ang bakante upoan ay ang nasa hulihan. "Oh, no, magiging seat mate ko siya?"

"In or out?"

"Huh?"

"In or out?"

"Out."

Hindi ako nagkamali, ngumiti siya sa sagot ko. Adik, anong meron sa out? Naunang na upo si Black, saka ako umupo sa tabi niya. Lumingon si Orange at tinanong si Black kung may assignment ito. Tumingin sa akin si Black saka ipinakita ang assignment niya. Mabilis na kumuha ng papel si Orange at Green at kinopya habang busy pa ang professor niya dahil sa setting arrangement.

Don't tell me silang apat ang bopols? Nag multiply into four nga ang ka gwapohan nila nag divide naman ang utak nila.

"Black, sure ka ba sa sagot mo? Mamaya nito, kalabasa na naman tayo." reklamo ni Green.

"H'wag ka na ngang mag reklamo, kailan ba tayo tumalino!" sikmat ni Black dito.

"Black, kanino mo nakuha ang sagot? Pareho kasi tayo." ani ni White na nagtataka.

Naghanap na ang guro ng assignment. Malaki ang ngisi ng tatlo na makakapasa sila. Kumuha ako ng notebook sa bag at ballpen ang lapag ko sa mesa ay may nakita akong papel na may naka sulat na, "Thank you, sa assignment." Napangiti akong sinulatan ito ng, "Your welcome," at ibinigay ko sa kanya, binasa niya ito at tumingin sa akin pero agad na inagaw ni Green ang papel.

"Adik, ikaw ang gumawa ng assignment ni Black?"

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now