Chapter 41

189 13 3
                                    

Chapter 41

Game


Nakatalon ako sa mababang bintana at nakalabas ng aming gate nang hindi nila mamalayan. I must be crazy! Yeah. I am definitely crazy. Nababaliw na nga ata talaga ako.


Nagmamadali akong naglakad palayo yakap-yakap ang bag ko. Panay ang tingin ko sa aking likuran na tila para bang may humahabol sa akin. Nangingilid ang mga luha sa mata ko sa ginagawa kong katangahan pero hinding-hindi ko ito pagsisisihan. Kung talagang hindi na nila ako pababalikin dito sa Central ay maharil ito nga ang nararapat kong gawin. Suwail na kung suwail. Masama na kong masama pero sa ngayon, susunduin ko ang puso ko.


Kaagad akong pumara ng tricycle para mapunta sa bahay ni Gio. Nang makasakay ako sa loob ay kaagad akong napapikit sa sumasalubong na malakas na hangin sa aming mukha. Niyayakap ko ang sarili ko sa lamig na tumatagos na manipis na jacket na suot ko. Pero hindi ko na alintana ang lahat ng ito, ang gusto ko nalang ngayon ay ang makapunta ako kay Gio kaagad.


"Manong, dito nalang 'ho." Sabi ko nang matanaw ko na ang engrandeng gate nang kanyang mansion. Inihinto naman ni Manong ang tricycle. Bumaba ako pagkatapos ay ibinigay ang bayad ko sa kanya.


Panay ang buntong-hininga ko habang tinitingala ang matayog na gate na nasa harapan ko. Tila sinampal ako nang katotohanan na naglayas nga ako sa amin at dumiretsyo dito sa kanya pero hindi na ako maaaring umurong pa. Narito na ako at di na ako puwede pang bumalik.


Sana ay nariya si Gio. Nariyan sya hindi ba? Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag doorbell pero walang sumasagot. Naghintay pa ako ng ilang sigundo bago nag doorbell ulit pero wala. Halos maiyak ako dahil sa naiiisip ko. Marahil ay wala nga sya rito.


Umupo ako sa semento sa mismong tapat ng gate niyakap ang tuhod ko. Anong gagawin ko? Umalis na ako sa amin. Hindi naman ako maaaring bumalik ngayon. Kung wala si Gio ay hindi rin naman ako maaaring manatili dito sa labas ng kanyang bahay magisa.


Tumungo ako sa tuhod ko at nagkagat ng labi habang lumalanndas ang luha sa mga mata ko. Nakakatanga ang mga desisyong kong hindi ko na naman pinagisipan. Ang mga desisyon basta ko nalang ginagawa sa oras na maisipan ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang ilang ulit na pag vibrate nang aking cellphone. Noong una ay natakot akong sulyapan 'yon sa pagaakalang sila Mama at Papa ang tumatawag at nalaman na nilang wala ako sa bahay pero nagkamali ako. Parang nadinig kaagad ng langit ang mga dasal ko dahil nakita ko ang pangalan ni Gio sa screen. Kumurap-kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala. Nang mamatay ang tawag nya ay isang tawag muli galing sa kanya ang pumukaw sa akin. Sinagot ko 'yon at marahang inilagay sa aking tenga.


"Gio..." Hindi makapaniwalang utas ko.

"Thank God my call went through. Makailang ulit ko nang sinusubukan. Kanina pa." Halos maiyak ako nang marinig ang malalim at napapaos nyang boses sa kabilang linya. Yumuko ako at pinagdasahan ang aking buhok.

"Baby, are you okay?" tanong nya.


Umiling-iling ako at naiyak. Parang naging gatilyo sa puso ko ang tanung nya at awtomatikong bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.


"Ana? Are you crying?" Naramdaman ko ang pag galaw nya at tila pagkataranta.

"Gio..." Humikbi ako nang humikbi.

I know what you did last SummerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ