Chapter 1

240 13 0
                                    


Chapter 1

Liliana Marie Alcaraz


Naiiritang inipit ko ang lumilipad kong buhok sa likod ng aking tenga nang makababa kami ng Van. Sobrang hangin kaya kahit na tirik ang araw ay hindi naman ganun kainit. Sumunod na bumaba ang kapatid kong si Miggy at kaagad na humawak sa laylayan ng dress ko.

"Miggy, wag mong hilain 'yung dress ko!" suway ko sa kanya. Ngumuso sya sa akin pagkatapos ay tumakbo kay Mama

"Wag mo nga awayin ang kapatid mo. Hawakan mo muna sya habang nagbababa kami ng gamit at baka tumakbo doon sa kalsada!" Sabi ni mama. Umirap ako at kahit na naiinis ako ay sinunod ko ang gusto nya. Lumapit si Miggy sa akin pagkatapos ay hinawakan ko ang maliit nyang kamay.

"Ikaw, bilisan mo kasing lumaki para hindi kana alagain." Sabi ko.

"Malaki na ako Ate."

"Malaki ka dyan. Four ka palang. Di ka pa nga tuli eh."

"Papatuli daw ako dito sa probinsya sabi ni Papa!"

"Whatever!" Sabi ko pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang paligid.

Nagbababa sina Mama at Papa ng mga gamit namin sa Van at nakita kong tinutulungan sila ng isa sa kapatid ni Papa na si Tito Ismael.

"Miguel Carlos Alcaraz. Kay Miggy ang mga gamit na yan." Sabi ni Papa pagkatapos ay ibinaba ang spiderman na maleta ni Miggy na may name tag.

"Mga toys ko yon, Ate." Hinila ni Miggy ang kamay ko at tinuturo 'yung mga gamit nya.

"Oo na! Bakit may umaangkin ba?" Sabi ko.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay inilabas ang cellphone ko saking bulsa. Ay grabe! Walang signal! Ngayon palang iniisip ko na kung paano ako tatagal dito! Walang ka signal-signal jusko!

"Liliana Marie Alcaraz. Kay Ana naman ito, Ismael." Ani ni Papa at binuhat ang maleta ko. Nakita ko ang kaagad nyang pagsimangot. "Ano ba naman 'tong maleta na 'to, parang bato ang laman. Napakabigat!" reklamo nya.

"Ganoon talaga ang dalaga Kuya. Madaming gamit!" Tumatawang sabi ni Tito Ismael pagkatapos ay inilagay sa balikat nya ang maleta ko. Ay wow! Ang lakas pala ni Tito Ismael! Sa balikat nya lang nilagay ang maleta ko samantalang si Papa binaba lang sa sasakyan nagrereklamo na sa bigat.

Lumapit si Mama sa akin pagkatapos ay kinarga si Miggy.

"Halina kayo. Mauna na tayo sa bahay ng Lolo ninyo habang ibinababa nila ang gamit." Aniya. Sumunod naman kami kay Mama.

Pumasok kami sa isang malaki pero medyo luma na bahay. Expectation ko sobrang barong-barong ang bahay nila Lolo dito pero hindi naman pala. Masyado akong Judgemental. Medyo luma nga lang at halatang hindi na na maintain. Sigudo konteng ayos lang nito at pintura ay sobrang ganda nadin nito.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang kanilang salas. May mga kahoy na upuan, sementado ang mga pader na may puting pintura na medyo bakbak na. Madami ding mga picture frame na nakasabit doon. Pinagmasdan ko 'yun at namukhaan si Papa nung bata pa sya. Mga may picture sya doon nung grumaduate sya ng highschool at college. Tapos meron pang isa, maliit pa si papa at katabi nya si Lolo at Lola na sinasabitan sya ng medalya. Lumang luma na ang mga litratong ito dahil medyo kupas na. Nakasabit din doon ang larawan ng ibang kapatid ni Papa na si Tita Judy na nasa Switzerland, at si Tito Ismael

Walang second floor ang bahay. Pero malawak naman. May apat na kwarto at maaliwalas naman ang paligid. Pero walang aircon. Umupo kami sa sofa at nadinig ko ang pag langitngit nun. Natakot tuloy ako na baka masira kaya lumipat ako doon sa maliit na bangko.

"Asan si Lolo?" tanung ko kay Mama.

"Dinala ng pinsan mong si Raul sa therapy. Maya-maya andito na yon." Sabi ni mama.

"May mga maiiwan naman pala kay Lolo dito, bakit pa tayo pumunta dito?" tanung ko. Nakita ko ang matalim na tingin ni mama sa akin.

"Si Tito Ismael mo nagtratrabaho sa bukid pati na ang pinsan mong si Raul ay tumutulong sa kanya. Ang asawa naman nya kakapanganak lang kaya hindi din pwede maiwan sa lolo mo."

"Eh ang mga anak ni Tita Judy?" tanung ko.

"Nag tratrabaho sa isang souvenier shop malapit sa dagat si Adella. Si Roger naman Lifeguard. May mga kanya-kanya silang buhay."

Ngumuso ako. "Ako din naman meron no." bulong ko.

"Bakasyon mo at wala ka namang ginagawa sa bahay kaya wag ka ng magreklamo dyan!" Sabi ni mama. Hindi na ako sumagot at binalingan si Papa at Tito Ismael na pumasok na sa pintuan dala ang huling maleta namin.

"Papaano, kuya Leandro at Ate Elisa. Kayo na ang bahala dito ha? Kailangan ko na kasing bumalik sa bukid. Si Raul, sigurado pabalik na yon susunod din yon sa akin sa bukid para tumulong. May pagkain na sa mesa." Sabi ni Tito Ismael habang pinupunasan ang pawis nya.

Bunso nila Papa si Tito Ismael at nung bata ako, natatandaan ko nung huling punta ko dito binata pa sya at walang asawa. Medyo pasaway pa nga sya noon. Ngayon, nag matured na sya ng sobra tapos umitim din. Siguro dahil palaging nasa bukid.

"Oh sige. Maraming salamat sa tulong mo ha. Dadalaw nalang kami sa bahay ninyo sa darating na mga araw." Sabi ni mama pagkatapos ay niyakap si Tito Ismael. Ganun din ang ginawa ni Papa.

Alas dos na ng hapon dito at maalinsangan kaya naman pumasok na ako sa kwarto ko at hindi na nagabalang kumain kahit na inaaya ako nila Mama at Papa. Hindi pa naman kasi ako nagugutom. Apat ang kwarto sa bahay na ito. Ang isa kay Lolo at Lola ang isa naman kila Mama, Papa at Miggy magkakasama sila sa iisang kwarto ang isa naman sa akin at ang isa daw ay sa pinsan kong si Adella. Dito daw muna sya mag s-stay habang andito kami para naman daw hindi ako maboring. Medyo na excite nga ako dahil close ko ang pinsan ko na 'yon. Naaalala ko nga nung bata pa ako ay palagi kaming naglalarong dalawa.

Umupo ako sa matigas at kahoy na kama pagkatapos ay pinagmasdan ang paligid. Ibang-iba ito sa kwarto ko sa manila. Hindi naman kami mayaman pero I must say na I have a comfortable life. May aircon ako sa kwarto samantalang dito isang maliit na electric fan lang na nakapantong sa isang lumang bangko. Mayroon akong isang dura box na lagayan ng damit ko tapos maliit na lamesa at upuan. May malaking bintana din sa gilid ng aking kama. Dumungaw ako doon. Mababa lang. Pwede akong tumalon dito kapag gusto kong tumakas kapag gabi. Ngumisi ako. Pero napawi din agad yon ng maalala kong nasa probinsya nga pala ako. Kung tatakas ako sa gabi, san naman ako pupunta? Makikipag party sa kalabaw ganon? Wala namang malapit na bar dito. Nasa bayan pa. Jusko Lord!

Hinanap ko ang tuwalya ko at toiletries dahil gusto kong maligo dahil lagkit na lagkit na ako. Ang nakakainis lang, walang CR ang kwarto ko. Isang common cr lang ang meron dito at 'yun ang pinaka hate ko sa lahat. Sa Manila, may CR ang kwarto ko eh. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos ay naabutan si Miggy na tulog na sa may sofa. Si Mama naman ay nakayakap kay Papa na ngayon ay inaayos na ang gamit nya. Mamayang gabi kasi ay babiaje din si Papa pabalik ng Manila dahil may trabaho sya doon. Isang beses lang sa isang linggo nya kami uuwian dito. Ngumuso ako.

"Pa, sama ako pabalik." Huling hirit ko.

Binalingan ako ng tingin ni Papa.

"Habang tumutulong ang mama mo sa pagaalagay sa lolo mo ikaw naman alagaan mo ang kapatid mo. Kaya nga pinasama ka namin dito." Aniya.

Sumimangot ako pagkatapos ay binalingan ng tingin si Miggy na ang sarap sarap ng tulog sa sofa. Aanak-anak ulit tapos ako ang papaalagain. Tss.

"Kailangan ako ng Lola mo para tumulong sa pagaalaga ng Lolo mong may sakit. Alam mo naman matanda na 'yun. Mahirap na. Baka 'yun naman ang magkasakit." Sabi ni Mama pagkatapos ay binuhat na si Miggy papasok ng kwarto nila.

Umirap nalang ako dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mananalo sa kanila. Pumasok ako sa masikip pero malinis naman na CR pagkatapos ay naligo na. Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako at bumalik sa kwarto ko. Humiga ako sa matigas kong kama pagkatapos ay binalingan ng tingin ang Cellphone ko. Wala talagang signal dito. Langhiya.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now