Chapter 14

173 12 1
                                    


Chapter 14

Wag kang tumuwad


"Gusto mong.." Tumigil sya at pinilig ang kanyang ulo. Para bang nagaalinlangan syang ituloy ang sasabihin nya. "Umalis dito?" dugtong nya bago ako tinignan.

"S-saan mo naman ako dadalhin? Sa lawa ulit? Wag na no! Baka mamaya mapilayan na naman ako." Sabi ko at tinulak sya. Umayos ako ng pagkakaupo pagkatapos ay nagiwas ng tingin. Tumingala ako sa langit at madilim. Mukhang uulan na naman. Bakit ba kapag kasama ko ang lalaking ito ay palaging umuulan?

"Hindi naman kita dadalhin doon ngayon."

"Saan tayo?"

"Sa bahay ko." Diretsyo nyang sabi habang isinusuot ang polo nya kahit na basa sya. Nabasa din tuloy 'yun dahil manipis lang ito.

"B-bakit naman ako pupunta sa bahay mo?" sabi ko sa kabila ng nanginginig kong boses.

"I have clothes for you. Basa ka."

"I'm okay!"

"Uuwi kang ganyan?"

"O-oo!"

"Hindi ba sila magtataka? Infact, sinabi mo sakin na hindi mo ako kilala. Now, I'll let you get to know me. Lahat ng tanung mo, pwedeng masagot kapag sumama ka sa akin. Also, It looks like it's going to rain kaya malamang matatagalan sila doon sa kabilang isla. Unless, gusto mong magantay dito magisa habang umuulan. You choose." Aniya.


Bumuntong-hininga ako. Nakita ko ang paggisi nya habang hinihintay ang sagot ko. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, he knows how to get my attention. Alam nya atang natural na may pagka chismosa ako kaya naman ginagamit nya ito laban sa akin. I've always been curious about everything.. about him. Malaki syang palaisipan sa akin unang beses palang na makita ko sya. He's like a puzzle. Magulo, madaming tanung pero parang ang sarap-sarap i-solved. The more na nabubuo mo sya, the more na mas gusto mo pa syang makilala.


"Come on." Aniya at inilahad ang kamay nya sa akin.

"Paano sila.." Lumingon ako doon sa dagat, very much tempted to accept his offer dahil tama sya, ayaw kong maiwan dito magisa habang hinihintay sila sa ulan.

"They can take care of themselves." Aniya at kinuha ang kamay ko dahil hindi ko tinanggap ang kanya. Nang tumayo ako ay kinailangan ko pa ng ilang segundo para magbalik sa ulirat dahil pakiramdam ko ay nawala ang lakas ng mga hita ko.


Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari. Sa ngayon ay nakikita ko nalang ang sarili ko na naglalakad habang sinusundang syang pumunta sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse. Nang patunugin nya 'yun ay ngumuso ako ng makita ang isang malaki at kulay itim na itim na 4x4 ford ranger.


Nang pumasok ako sa loob ay alam ko sa sarili ko na wala ng atrasan 'to. Suminghap ako pagkatapos ay kaagad na nagbalik sa ulirat ng marealized kong anong ginawa ko. Shit! Did I freaking get in in his car?! Shit! I suddenly have a change a heart, akmang lalabas ako ng madinig ko ang pag click ng lock nito. Binalingan ko ng tingin si Gio at nakitang nagtaas sya ng kilay sa akin.


"Too late." Aniya at pinaharurot ang sasakyan.


Hindi ako umimik buong biaje. Bumaling ako ng tingin sa bintana ng kanyang sasakyan ng marinig ko ang malakas na pagpatak ng ulan. Niyakap ko ang sarili ko dahil nararamdaman ko na ang lamig dahil sa pagkakabasa ko. Lumunok ako pagkatapos ay naramdaman si Gio na gumalaw sa tabi ko pero hindi ko sya nilingon. Ayaw ko syang tignan. The fuck I'm nervous for? Bwisit!

I know what you did last SummerOnde histórias criam vida. Descubra agora