Chapter 32

215 14 9
                                    


Chapter 32

Birthday


"Happy 21stbirthday, pare!" narinig ko ang malakas na boses ni Tadeo sa kabilang linya. Humagalpak ng tawa ni Matias at mukhang nagkakagulo na sila doon.

"Gago. Kausap ang girlfriend!" sigaw naman ni Matias.

"Gio... Babe.. Lika muna dito sa kama. Kamutin mo likod ko.." Nagboses babae si Tadeo kaya tumawa ako.

"Salamat pero tang-ina mo!" Mura ni Gio sa kanya. Narinig ko ang pagkilos nya at ang mga yabag. Mukhang naglakad sya kung saan walang ingay.

"Andyan na pala sila?" tanong ko at umayos ng pagkakaupo.

"Yup. Sumabay si Tadeo kay Matias. Si Julio papunta palang. Didiretsyo sya diyan para sunduin si Adella."

Tumungo-tungo naman ako. "Sasabay nalang ako sa kanila."

"No. I'll fetch you, too. Aalis ako in thirty." Aniya.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at nangiti. Today is Gio's birthday at mayroon syang celebration sa mansion nila. Naroon na sina Matias at Tadeo, kami namang dalawa ni Adella ay andito pa sa shop dahil may pasok kami ngayon.


"Anong regalo mo kay Gio?" tanong nya sa akin.

Umiling-iling ako. "Wala."

"Wala? Bakit wala?"

"Adella, nagulat lang din ako na birthday nya pala ngayon. Hindi ko naman kasi naitanong. Isa pa, wala akong oras para bumili ng regalo. Kelan pa ba ung huli kong punta sa bayan? Noong linggo pa." Sabi ko. I actually feel so guilty pero totoo naman kasi, wala naman akong mabibilhan ng regalo dito sa Camerion. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis at makapunta sa Mall ay tsaka ko nalang sya bibilhan.

"Ayos lang kahit wala kang regalo. Masaya naman si Gio sa Oo mo." Kinikilig na sabi nya.


Umirap ako at nagiwas ng tingin. Inaayos ko ang pagkaka display nitong mga bagong stock na dumating sa store. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinipigilan ang mga ngiti doon pero hindi ko magawa. Ngising-ngisi ako at hindi ko maipagkakaila na sobrang saya ko. That day... in the lake was one of the happiest moments in my life and I'm not even exaggerating. I wish I can elaborate how happy am I right now. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Ang OA ko lang, pero totoo... Hindi naman sa hindi ako masaya noon, pero iba kasi ang saya ko ngayon... I never felt this kind of happiness before.


Alas kwatro nang mag-out kami ni Adella. Nagtext si Gio na naroon sila sa parking at naghihintay kaya matapos naming ibaba ang roll-up ay nagtungo na rin kami doon. Nakita ko kaagad sina Gio at Julio na seryosong naguusap habang nakasandal sa sasakyan. Nakakunot ang noo ni Gio at tila naiinis na habang seryoso naman ang mukha ni Julio. Nang makatunog sila na narito na kami ay kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gio. Bumaling sya sa akin at ngumusi ng malaki. Umiling-iling naman si Julio at tumingin kay Adella na nasa harapan na nya ngayon.


"Anong problema?" tanong ni Adella sa kanyang boyfriend. Ngumiti lang si Julio at hinalikan ang kanyang pisnge.


Lumapit naman si Gio sa akin at kaagad akong hinapit sa bewang. Kumalabog kaagd ang dibdib ko ng dahil doon. Tinignan ko si Julio at nakitang nakakunot ang noo nya habang pinapanuod kami. Gusto kong magtanong kong nagaway ba sila o ano pero nang agad akong halikan ni Gio sa labi ay nawala na ang lahat ng tanong sa utak ko. Pumikit ako at mahina syang itinulak dahil nakakahiya kila Adella.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now