Chapter 11

159 9 0
                                    


Chapter 11

Unang Halik


Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa. Masyado akong nanghihina dahil nakakalasing ang lapit naming dalawa. Ang kaninang mainit na tubig ay pakiramdam ko lumamig na ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang pangangatog ko.


"L-let me go." Hirap na sabi ko.

"No. Not a chance." Sagot nya.


Suminghap ako ng mas ilapit nya ang sarili nya sa akin. Lahat ng klase ng mura ay umusal na sa labi ko. Shit! Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na pinagtitripan lang ako ng lalaking ito. Na lahat ito ay hindi totoo! He's probably feel challenge dahil mataray ako sa kanya. Ganun lang 'yun!


"Bitaw sabi!" Sabi ko pagkatapos ay ginamit ang natitirang lakas ko para itulak sya.


Nang makawala ako sa mga bisig nya ay kaagad ko syang tinalikuran. Sinubukan kong lumangoy pabalik doon sa damit ko para makapag bihis nang manghina ang tuhod ko at marealized na sobrang lalim na pala sa parteng ito kaya diretsyong bumulusok ako pailalim sa tubig. Suminghap ako ng mayroong maiinit na braso na kaagad pumulupot sa beywang ko para itaas ako kaagad. Naghahabol ako ng hininga at matindi ang kabog ng aking dibdib sa kaba at takot.


Nasa likuran ko sya habang ang kanyang braso ay madiing nakapulupot sa beywang ko. Nanigas kaming dalawa sa pwesto na 'yun. I can feel the warmth of his hands in my bare skin at hindi ko na kaya. Parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.


"L-let go." Hindi ako makapaniwala sa panginginig ng boses ko.

"You dancing in my lap still hunts me every fucking time, Ana. What I'd give just to see you dance like that in front of me again." Bulong nya sa tenga ko.


Nanlaki ang mata ko at matamang bumalik sa akin ang ala-ala ng gabing 'yun sa bar. Pinipilit ko na 'yung kalimutan at ayaw ko na 'yong maalala pa dahil binabalot ako ng matinding hiya sa ginawa ko.


Hindi ako sumagot. Hinarap nya ako sa kanya at hindi mapakali ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ito ibabaling para lang hindi ko masalubong ang kanya. Isa pang beses ay hinapit nya ako palapit sa kanyang katawan. Tsaka ko narinig ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nakakabingi sa lakas ng ugong nito at malalaki ang patak nito sa aming katawan. Nang muling magdikit ang katawan naming dalawa ay parang bulang naglaho ang lahat ng lamig na naramdaman ko kanina, napalitan ito ng init at hindi ko alam kung saan ito nanggagaling.


"I am so damn attracted to you." Kinain ng ulan ang boses nya pero malinaw padin ito sa pandinig ko.


Inawang ko ang ibabang labi ko. Sinundan ko ng tingin kung paanong bumagsak ang tingin nya doon. May araw pero umuulan. Hindi ko maintindihan. Katulad nalang ng nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit narito padin kami ni Gio sa gitna ng lawa habang nagpapaulan. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Wala. Wala akong maintindihang kahit ano.


Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa tubig na nanggagaling sa ulan. Pinasadahan ni Gio ang basa nyang buhok pagkatapos ay kaagad na inangat ang hita ko at pinulupot ito sa kanyang beywang. Hindi ko nasundan ang pangyayari. Inakay nya ang kaliwa kong kamay pagkatapos ay ipinahinga sa kanyang balikat. Ang kanang kamay ko naman ay nakalapat sa kanyang dibdib. Malakas ang tibok noon. Hindi ako makapaniwala. Pumangay ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Wala patin akong masabi. Anong sasabihin ko? May dapat ba akong sabihin? Tinagilid nya ang kanyang ulo at ngumuso.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now