Chapter 5

150 9 0
                                    


Chapter 5

Cubicle


Pumasok na kami ulit sa sasakyan ni Julio at sobra-sobra ang excitement ko. Alam ko dalawang linggo palang naman akong nakukulong sa Central pero kahit na! Matagal na 'yun para sa akin. Lalo na na't hindi naman ako sanay na makulong sa bahay ng ganun katagal.


"Malayo pa ba?" Naeexcite na tanung ko.

Binalingan ako ng tingin ni Julio sa rare view mirror. "We're here. Maghahanap lang ako ng parking. Medyo maraming tao ngayon." Aniya.


Tumungo-tungo ako pagkatapos ay kinuha ang maliit kong salamin sa bag pati na ang lipstick ko para naman makapag retouch kahit na papaano nang marealized ko na naiwan ko ang cellphone ko sa bahay ni Julio na naka charge. Pero it's okay! Nasa bahay naman 'yun ni Julio at wala namang kukuha. Huli kong inayos ang buhok ko pagkatapos ay naunang bumaba ng sasakyan ng makapag park na si Julio sa wakas. Sunod na bumaba si Adella at hinawakan ang braso ko.


"Wag kang lalayo sa akin ha. At sandali lang tayo. Kailangan nating makauwi bukas agad ng maaga at may pasok ako sa hapon. Hahanapin ka rin ni Tita." Paalala nya ako.

"Oo na. Oo na. Alam ko. Relax ka lang nga. Tsaka, hayaan mo akong mag enjoy muna. Malapit ng matapos ang birthday ko oh. 11:30PM na." Sabi ko.

"Kinakabahan kasi ako sayo eh. Naku! Talagang mapapagalitan ako. Siguro dapat hindi nalang talaga tayo nagpunta dito eh."

"Kumalma ka nga.."

"Eh kasi-"

Nilagay ko ang daliri ko sa labi nya kaya napatigil sya sa pagsasalita.

"Shh. Okay, ganito nalang, hindi ako lulubay sayo okay? Infact, takot ko lang na maiwan ako dito magisa. Hindi ko kaya alam ang pauwi. Kaya relax!" Sabi ko.


Unte-unte nyang binitawan nya ang braso ko kahit na nagaalinlangan sya. Bumaba na din si Julio ng sasakyan pagkatapos ay pinagsalop nila ang mga palad nila at naunang naglakad sa akin. Umirap ako sa kawalan pagkatapos ay sumunod sa kanila. Nasa entrance na kami ni Chaos at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang ganda sa labas palang at curious na curious ako kung anong itrura nito sa loob. Masama ang titig sa akin nung dalawang bouncer na nakaharang sa labas ng bar. Tinitigan ko din sila ng masama pagkatapos ay nagpamewang sa harapan nila.


"18 na ako. Birthday ko po ngayon mga sir." Masungit na sabi ko.

Naningkit ang mga mata nila sa akin.

"Happy birthday po." Sabi nung isa pagkatapos ay pinadaan na ako.


Pumasok na ako sa loob habang nakasunod kay Julio at Adella. Panay ang lingon ni Adella sa akin dahil naglalakad akong halos hindi tumitingin sa paligid ko dahil panay ang gala ng tingin ko sa paligid. Sobrang laki at sobrang ganda dito sa loob. Kombinasyon ng kulay itim at abo ang pintura. May isang malaking stage sa gitna. Napaka laki ng dance floor. Mayroong mga matataas na bangko, maliliit na metal na mesa pati na mga malalaki at pulang-pulang sofa sa mga sulok na mayroong malalapad at mababasaging mesa. Ang gaganda ng mga naglalarong ilaw. Medyo mausok pero hindi naman mabaho. Sa totoo lang, amoy malinis at mint dito sa loob. Sa dakong kanan naman ay mayroong counter kong saan mayroong tatlong bartender na sobrang yummy, nakauniforme ng itim na polo ay naka apron ng itim na mayroong nakasulat na Chaos habang naghahalo ng mga drinks. May mga matataas na upuan sa harapan nila at iba't-ibang mamahaling wine sa kanilang likuran. Grabe ang sosyal ng bar na ito!

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now