Chapter 24

172 12 1
                                    


Chapter 24

Halik sa hangin


Pinanuod ko syang lumalapit sa akin. Natigang ako doon at nang nasa mismong harapan ko na sya ay kaagad nyang pinasadahan ang kanyang buhok. Perpektong bumagsak ang mga 'yon sa kanyang noo.


"Sorry, okay?" His eyebrows frowned.


Hindi ako nagsalita at nalunod nalang sa kanyang tingin. Humangin at napapikit ako sa pagkalat ng buhangin sa paligid. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatitig padin sa akin si Gio gamit ang matatalim nyang mga mata. Lumunok ako at nagiwas ng tingin. This tension between the two of us is so intimating and scary.


"Fine." Simpleng sabi ko.

"Fine? So we're okay?" Nagtaas nyang kilay.

Tumungo-tungo lang ako.

"Great. So, ano? Let's go? May ipapakita lang ako sayo." Aniya.


Tinagilid ko ang ulo ko at nagisip. Sinabi ko nang ayaw ko na syang makasama pa pero heto na naman ako ngayon. Bakit ba napakahirap iwasan ng lalaking ito? Bakit ba parang palagi kaming pinagtatagpong dalawa.


"Sandali lang ako." Sabi ko.

Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. "I promise." Aniya.


Hinawakan nya ang pulso ko at kaagad akong hinila. Nalaglag ang tingin ko doon at hindi na din pumalag dahil wala na akong lakas pa.


Nagtungo kami sa isang dako doon at nakita kong mayroong isang puting speed boat na nakaparada. Nakita ko kong paano tapikin ni Gio ang balikat nung lalaking naka long sleeves na puti at nakasuot ng sarong. Tinignan ko si Gio at bago pa lamang ako magreact ay nakita ko na kung paanong walang kahirap-hirap syang umangkas doon sa boat. Ngumisi sya pagkatapos ay naglahad ng kamay sa akin.


"Come on." Aniya.

Tinanggap ko ang kamay nya kahit na may pagaalinlangan ako. Umuga 'yung speed boat kaya naman nakapapikit ako at nakaupo. Shit.

"Come here." Aniya at inakay ako sa isang upuan doon.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"I'll drive." Simpleng tugon nya. Nanlaki ang mata ko at kaagad na nyang pinaandar ang speed boat. Matindi ang hawak ko sa railings ng dahil doon. Gusto ko syang sigawan pero hindi ko magawa dahil masyadong malakas ang hangin at talsik ng tubig sa mukha ko.


Hininto nya ang speed boat sa malinaw na parte ng dagat. Lumingon ako sa pinanggalingan namin at hindi pa naman kami masyadong malayo doon.


Lumapit sya sa akin pagkatapos ay nakangising hinubad ang kanyang t-shirt.


"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Angal ko sa kanya; kung may plano syang masama ay grabe naman sya, sa gitna pa talaga ng dagat?

"I'll swim for a bit. Malinaw ang tubig rito." Aniya. Walang ano-ano ay kaagad syang lumusong sa tubig. Tumuwad ako sa railings at sinilip sya. Malinaw nga ang tubig at kitang-kita ko ang mga isda na lumalangoy doon. Nakita ko ang magarbong magsisid at maglangoy ni Gio. Walang kahirap-hirap 'yon at para bang palagi na nya itong ginagawa.

I know what you did last SummerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang