Chapter 38

157 12 0
                                    


Chapter 38

You go, I'll stay


Mabilis ang naging pagsakay ni Gio sa loob ng sasakyan. Natakot ako na baka iwanan nya ako dito katulad noong una nyang ginawa noong nagaway kami sa parking lot ng Mall pero hindi. Nanatili sya sa loob habang diretsyong nakatingin sa unahan at nagiigting ang panga. I supposed he's waiting for me to hop in so I did.


Pagpasok ko ay kaagad nyang pinaharurot ang kotse. He's so silent at walang nagsasalita sa aming dalawa. I want to talk but I'm actually so afraid na baka mainis sya lalo sa akin kaya pinili ko munang manahimik.


Nang hindi ko na nakayanan ang katahimikan ay muli ko syang binalingan. The ride feels so long because we are not talking. I feel so guilty for ruining his mood. I know, kasalanan ko. I should've told him earlier. In my defense, totoo naman it slipped out my mind and also, I was just so afraid at hindi ko alam kong paano ko sasabihin na aalis na kami. I was trying to find some ways because I clearly don't want to be apart from him.


"Gio, I'm s-sorry." Hindi ko naitago ang nginig sa boses ko. I don't want us to fight. Ang saya lang namin kanina. Ayaw ko nang ganito.


Hindi sya sumagot at sumulyap manlang sa akin he doesn't want to talk to me. Iniliko nya ang sasakyan at nakita kong 'yon ang daan papunta sa aming bahay. I think he'll just drop me and that's it. Matatapos ang araw na 'to na ganoon lang.


True enough, I am right. Nang makababa ako sa tapat ng aming gate ay kaagad nyang iniatras ang sasakyan. Nagmani-obra sya kaagad para umaalis. Nanatili lang akong nakatayo doon habang pinapanood ang kotse nyang unti-unting nawala sa paningin ko. Pakiramdam ko ay pinipiga ang aking puso sa sakit. Matagal na syang nakaalis pero narito parin ako at nakatayo, nagbabakasakaling babalik sya pero wala.


Lumandas ang mainit na luha sa mga mata ko. Napalitan ng sakit at hinagpis ang lahat ng sayang naramdaman ko kanina kasama sya. Why is it always like this? Bakit sa tuwing masaya ako ay iiyak din ako pagkatapos? Why he always walks away every time he doesn't understand something? Bakit kahit ilang ulit kong sabihin sa kanya at mahal ko sya at hindi ko sya iiwanan ay sobra parin ang takot nya sa pagalis ko? Is it his trauma? Did I trigger something?


Pinunas ko ang mga natuyong luha sa mga mata ko at pumasok sa loob ng bahay dahil magdidilim na at pinapapak na din ako ng lamok dito sa labas. Pagpasok ko palang ay nakita ko kaagad si Kuya Roger sa salas na nakaupo sa sofa na animo'y pinagsakluban ng langit ng lupa. Lumabas naman si Lola galing sa kwarto nila ni Lolo pati na si Mama na may dalang isang palanggana ng tubig, BP at iilang mga gamot. Umusal kaagad ang kaba sa dibdib ko lalo na nang makita ang magang mata ni Lola.


"Ano pong nangyari?" tanong ko at kaagad na inilapag ang bag ko sa upuan.


Muling humagulgol si Lola na kinagulat ko. Napapaupo sya at kaagad namang tumayo si Kuya Roger at kaagad syang dinaluhan.


"La!" Aniya. "Umupo muna po kayo. Tama na ho ang iyak. Kanina pa yan. Baka marinig na naman kayo ni Lolo at manikip na naman ang dibdib noon." Inalalayan nya si Lola sa upuan. Tumakbo naman si Mama sa kusina at kumuha ng tubig.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now