Chapter 8

155 12 1
                                    


Chapter 10

Magkainan tayo


"Adella, bakit andito yan?!" Sabi ko pagkatapos ay tinuro si Gio na ngayon ay napatingin na sa direksyon namin.

Ngumiwi si Adella at bumaling sa akin. Guiltyng-guilty ang itsura nya. "Sorry hindi ko sinabi. Alam ko kasing hindi ka sasama kapag sinabi kong andito si Gio eh." Aniya. Pumikit ako.

"Akala ko ba kayong dalawa lang ni Julio ang magcecelebrate?"

"Hindi ko naman sinabing kaming dalawa lang ni Julio. Pero hindi ko din sinabing andito sila Gio." Depensa nya sa kanyang sarili.

"Adella naman!"

"I'm sorry Ana. Galit ka ba? Huli na naman ito. Hindi ba puwedeng magkasundo muna kayong dalawa kahit na ngayon lang? Oh kaya iwasan mo nalang sya. Birthday naman ni Julio ngayon kaya pagbigyan mo na ako. Huli na talaga ito. Pangako." Aniya at hinawakan pa ang kamay ko.


Ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil sa frustration dahil pagkatapos ng nangyari doon sa bar noong nakaraang araw ay wala na talaga akong planong makita pa sya. Magaling talaga ang pinsang kong 'to! Dahil alam nya na kapag nalaman kong andito si Gio ay hinding-hindi ako sasama sa kanya. Ngumuso ako pagkatapos ay tumungo-tungo nalang dahil wala din naman akong magagawa. Ayokong sirain ang araw na ito para kay Julio at Adella. Nagsinungaling pa naman sa Adella sa bahay. Hindi din akong puwedeng umuwi dahil ayaw ko naman na maglakad ng magisa doon sa may talahiban. Baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa akin doon.


"Mahal!" Lumingon ako ng makita ang matikas na pag-ahon ni Julio sa tubig. Sinundan ko ng tingin kung paano nalaglag ang panga ng pinsan kong si Adella na patay na patay sa boyfriend nyang chinoy. Sinalubong ni Adella si Julio at tuwalya at tinulungan itong magpunas. Biglang parang wala na akong dito. Sinama nya lang talaga ako para makaalis sya. Tss! Okay Great! So, anong gagawin ko dito? Kanina pa naman akala ko ay mageenjoy ako kahit na magisa lang ako pero hindi pala.


"Happy birthday, Julio!" sabi ko pagkatapos ay ningitian sya. Ningitian din ako ni Julio pagkatapos ay bumaling ng tingin sa likuran ko.

"Salamat! Kumain ka muna?" Aniya at ininguso 'yung kawayang mesa doon na mayroon mga iba't-ibang pagkain. Oo. Ganun na nga ata ang gagawin ko. Kakain nalang siguro ako.


Kaya naman tumapak ako sa isang malaking bato doon para pumunta doon sa bandang patag kung nasaan ang lamesa na mayroong mga pagkain. Pero hahakbang palang sana ako ng maramdaman ko ang mariing paghawak ng kung sino sa magbilang braso ko galing sa likuran. Nagulat ako ng mapasandal sa isang matigas na bagay.


Kaagad akong lumingon at nanlalaki ang mata nang sumalubong sa akin at matatalim na mata ni Gio. Nakahawak sya sa magkabilang balikat ko at nakasandal naman ang buo kong katawan sa hubad nyang dibdib. Basa sya kaya nababasa na din ang likuran ko. Sumimangot ako pagkatapos ay tinignan ang pagtulo ng mga butil ng tubig mula sa kanyang buhok papunta sa akin. Nakakapaghina dahil mukha syang diyos ng tubig dahil sa itsura nyang yan. Nang magbalik ako sa ulirat ay kaagad akong kumawala sa kanya.


"Ano ba?!" singhal ko kaya naagaw ko ang attensyon nila Mattias at Tadeo at napatingin sila sa akin.

Narinig ko ang malakas na boses ni Tadeo. "Nagsisimula na si Gio!" Humalakhak sya.

Hindi ko sila pinansin sa halip ay galit na binalingan ng tingin ang bakulaw na nasa harapan ko.

I know what you did last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon