Chapter 10

171 11 1
                                    


Chapter 10

Pumayag ka lang maging akin


Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nilaglag ko ang tingin ko sa mga pangalang sinusulat ko sa lupa at nakitang sadyang tinapakan ni Gio ang pangalan ni Matteo doon. Sumimangot ako at binato yong bato sa may lawa.


"Okay fine. I get it. Mayaman ka. Pinsan ka nga pala nila Japeth at Sue Alcantara. Now tell me, hanggang saan ang yaman mo? I mean, ano ang mga pag-aari mo dito sa Camerion?" tanung ko. Imbis na sumagot ay umismid lang sya sa akin.


"What?" tumaas ang kilay ko.

"Why do you want to know?" tanung nya, nagtaas din ang kilay.


Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. Baka sakaling patulan ko ang paghaharot mo sa akin dahil sa yaman mo." Biro ko. Humalakhak ako pagkatapos ay tumayo sa kinauupuan ko. Pinagpag ko ang pwet ko at halos magmura sa gulat sa biglaang pagkabig nya sa akin.


Napasalampak ako sa matigas nyang dibdib ng dahil doon. Nagbaga ang pisngi ko at nagangat ng tingin sa kanya at halos mangatog ng sinalubong nya ako ng matalim at madilim nyang ekspresyon.


"Gio, ano ba!" sigaw ko at tinulak sya pero hindi sya natinag doon. Naigting ang kanyang panga at sandali kong naramdaman ang pag gapang ng isa nyang kamay papunta sa aking tyan. Napasinghap ako nang dahil sa gulat at sa kakarampot pero tama lang na sensasyong umakyat-baba sa buong katawan ko ng dahil sa simpleng haplos nya na 'yun.


"Gio!" tinulak ko pa sya ng isang beses. Nagkanda loko-loko na ang systema ko at nangangatog na ang aking tuhod dahil sa panghihina. This man is a beast! Delikado ang lalaking ito at sa oras na hayaan ko syang mapalapit sa akin ay nasisigurado kong masisira ako.. mawawasak ang lahat sa akin. Dahil wala pa nga syang ginagawa ay pakiramdam ko naghahari na sya sa loob-loob ko at mayroon na syang mga insektong batalyon doon na patuloy na nagpapahirap sa tyan ko. Dahil sa bawat haplos nya ay tinutusok-tusok nito ang tyan ko.


"Papansinin mo lang ako dahil sa yaman ko?" Tikhim nya "Ang lahat ng ito at pati na ang pamilya kung saan nanggagaling ang yaman na ito ay kinamumuhian ko. Nadinig mo? Kaya kitang makuha kahit wala akong yaman, Ana. Tandaan mo yan." Madiing sabi nya at shaka ako binitawan.


Nangatog akong nakatayo doon. Gulat na gulat ako sa galit nya. I didn't expect that reaction dahil nagbibiro lang naman ako. I didn't mean it, though. Inaasar nya ako kaya gusto ko lang din naman syang asarin. Sinundan ko ng tingin si Gio na sumisipa at pumuputang-ina sa isang dahon ng makahiya doon sa isang tabi. Lumunok ako. He's damn scrary when he's angry. At ano? Kinamumuhian? Sino ang kinamumuhian nya? Ang mga Alcantara? Pero bakit? Hindi ba't Alcantara din sya?


"Gio.." Lumunok ako. "I-I'm sorry. Nagbibiro lang ako." Sambit ko. Natatakot akong mabadtrip talaga sya sa akin at bigla nalang akong iwan dito o kaya ay ilibing nalang ako ng buhay. Hindi pa naman alam nila Adella na umalis ako kasama ni Gio. Paano nalang kung ilibing nya ako rito at hindi mahanap nila Adella ang bangkay ko?


"Gio, I'm sorry." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "P-please. Alam ko na offend ka, pero I was just joking. Gusto lang kitang gantihan kasi inaasar mo din ako kanina. I didn't mean, though." Dugtong ko.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now