Chapter 25

195 14 4
                                    


Chapter 25

Mad, ape


Nagpatinaod ako sa paghila sa akin ni Gio kahit na hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Hawak-hawak nya ang kamay ko at hindi na ako pumalag pa doon. Hinayaan ko syang hawakan ang kamay ko habang nagko-concentrate ako sa paglalakad sa tubig para hindi madapa.


"We're here." Nagangat ako ng tingin ng marinig 'yon. Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang isang table na nakatayo sa mababaw na parte ng dagat. Mayroon itong mantel na kulay puti na nagsasayaw dahil sa mahinang ihip ng hangin. Mayroong isang vase sa ibabaw na napupuno ng magangandang daisies, may dalawang plato na nakatakip. Isang wine at dalawang wine glass. Binalingan ko ng tingin si Gio, gulat at hindi alam ang sasabihin.

"Anong..." Nangapa ako ng salita. Nakakakita lang ako ng ganito sa mga movies na pinapanuod ko sa TV.

"Let's go." Aniya at hinila ako. Umupo ako sa isang upuan doon at umikot naman sya para umupo din. Tinignan ko sya at nakita kong kinuha nya ang kubyertos at hiniwa-hiwa ang steak sa pinggan nya bago pinagpalit ang pinggan namin dalawa.

"Eat." Utos nya. Ha? Okay. So kakain lang kami without him explaining kung anong nangyayari?

"What are these?" tanong ko.

Sandali nya akong tinignan. "Can't you tell?" Barumbadong sagot nya.

Sumimangot naman ako. "Alam ko kong ano ito, ang ibig kong sabihin ay bakit may ganito? "Did you prepare all of these?" tanong ko.


Nakita ko ang pagnguso sya. Matagal ang titig nya sa kanyang steak at para bang nangangapa ng salitang sasabihin sa akin.


"I have... people who did this for me." Aniya at hindi ako tinignan. Dinilaan ko ang ibabang labi ko at pinakiramdaman ang mahinang paghaplos ng tubig dagat sa aking mga paa.

"Anong... I mean... Uh, bakit may paganito?" tanong ko.

"I read this on the internet." Sagot nya. Napansin ko ang balisa nyang mga mata. "Girls like surprises... so..." Hindi nya tinapos ang kanyang sasabihin at nagsalin ng wine sa baso namin. Kaagad nyang ininom ang kanya. Diretsyo at halatang kabado.


Yumuko nalang ako at hindi nakapagsalita. Don't tell me nag search pa sya ng mga ganitong ganap para sa akin?


"Do you... like it?" tanong nya.

"I.. I do. Kaya lang-"

"Kaya lang ano?" tanong nya kaagad. Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko.

"H-hindi ako sanay sa mga ganito." Pagamin ko.


Because it's the truth. Hindi ako sanay sa mga ganitong surprise. Inaamin ko na I'm not good at surprises. Mas gusto ko yong alam ko kesa i-susurprise ako. I don't like putting on the spot. Mas gusto kong napaghahandaan ko ang mga magiging reaksyon ko. Katulad nalang ngayon. Hindi ko tuloy alam kong ano ang dapat kong gawin o kong ano ang dapat kong ikilos.


"Hindi rin naman ako sanay. This is my first time, though." Bulong nya pero rinig ko pa din. Kumalabog ang dibdib ko at hindi na magawa pang magsalita. Okay, calm the fuck down. What's with this atmosphere? Hindi naman ganito kanina ang aura sa pagitan naming dalawa. But somehow, it suddenly changes dahil dito sa mga pautot ni Gio.

I know what you did last SummerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt