Chapter 2

179 12 0
                                    


Chapter 2

Puno


Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng aking kwarto. Gumalaw ako pagkatapos ay ginusot-gusot ang mata ko.

"Ana! Bumangon kana dyan. Kanina pa andito ang Lolo at Lola mo. Bumati ka muna." Sabi ni Mama.

"Opo!" sabi ko. Umupo ako sa kama at kaagad akong nakaramdam ng sakit ng likod at balakang. Laglag ang panga ko habang hawak-hawak ang likod kong pinasok na ata ng lahat ng lamig dahil ang tigas-tigas ng higaan ko.

"Aray ko pooo. Ang sakit ng likod ko." Reklamo ko pagkatapos ay mabagal na naglakad papuntang pintuan. Tinulak ko yon pagkatapos ay ginulo-gulo ang buhok ko.

"Ma, mamaya massage mo naman ako. Ang sakit ng likod ko dahil ang tigas ng higaan k- Araaay!" Di ko natapos ang sinasabi ko ng bigla akong kurutin ni mama sa tagiliran. Tsaka lang ako natauhan at nakita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nakatingin sakin si Lola Marie at si Lolo Carlos na nakaupo sa kanyang wheel chair.

Kinuha kina Lola Marie at Lolo Carlos ang pangalan naming dalawa ni Miggy. Isa kasi 'yun sa request nila Lolo at Lola.

Liliana Marie at Miguel Carlos.

"Bumati kana sa Lolo at Lola mo." Utos ni Mama sakin at pinanglalakihan ako ng mata kaya naman sumunod ako sa kanya. Lumapit ako kay Lola at Lolo at yumakap sa kanila.

"Hello po. Lolo at Lola" Sabi ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Lola Marie at hinaplos ang mukha ko.

"Nako. Dalagang-dalaga kana talaga. Ang ganda-ganda mo!" Aniya. Ngumiti naman ako. Favorite ko si Lola at Lolo nung bata ako kasi palagi nila akong binibigyan ng pera lalo na kapag pinapagalitan ako ni Mama. Isang beses umiyak ako dahil hindi ako pinayagan ni Mama at Papa na sumama sa mga pinsan ko pagpunta sa perya dahil may lagnat ako. Kaya ang ginawa ni Lola at Lolo nag lagay sila ng one hundred pesos sa ilalim ng unan ko. Akala ko talaga noon magic. Pero ngayong matanda na ako narealized ko na 'yung mga magic na akala kong nangyayari sa akin nung bata ako ay sina Lolo at Lola pala ang may gawa.

"Masaya ako at andito ka, apo." Sabi ni Lolo sa akin. Lumuhod ako sa harapan nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. Mukha syang mahina at medyo pumayat sya dahil sa pagkakasakit nya. Na-guilty tuloy ako bigla dahil naisip ko na bakit kami pa ang kailangang magalaga kay Lolo. Gayung sobra ang pagaalaga nya sa amin nung mga bata pa kami.

"Ako din po Lolo. M-masaya po akong andito ako." Labas sa ilong na sabi ko. Kasi hindi naman talaga ako masaya na andito ako. Ayaw ko nga dito sa probinsya eh. Pero masaya naman ako na nakita sina Lolo at Lola so, okay na 'yon.

Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan at naparami ang kain ko dahil hindi ako kumain kaninang tanghalian. Sobrang sarap din naman kasi ng luto ni Lola Marie kaya di ko mapigilang mapalamon talaga.

"Kumain ka ng marami, hija. Ang payat-payat mo. Puro junk foods ata ang kinakain mo sa Manila eh." Aniya sa akin at nilagyan pa ng kanin ang pinggan ko. Hala. Pangatlong rice ko na 'to. Bukas kailangan ko mag workout.

"Diet po kasi ako lagi Lola." Sabi ko sabay kuha nung leg part ng manok. Binalingan ako ng tingin ni Miggy dahil favorite part nya din 'yon. Dinilaan ko sya. Wala na nauna na ako, tsaka may ulam pa sya kaya wag syang ano dyan!

"Diet? Aba'y bakit kailangang mag diet? Napakapayat mo na nga." Sabi naman ni Lolo. Binalingan ko sya ng tingin at nakita kong pinunasan ni Lola ang bibig nyang may sabaw.

"Sa Manila po kasi payat ang mga babae doon. Ang uso po sa Manila payat na malaki ang boobs at pwet-"

"Ana!" Suway ni Papa sa akin. Ngumuso ako. Bakit ba? Totoo naman ah.

I know what you did last SummerKde žijí příběhy. Začni objevovat