Chapter 21

151 15 0
                                    


Chapter 21

Pathetic


Habang nasa sasakyan at wala kaming imik. Hindi rin kumikibo sina Julio at Adella sa akin. Sa tingin ko ay natatakot lang din silang magsalita. Ganoon din naman ako, hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos ng mga nangyari. Sa totoo lang ay nahihiya ako. They hear everything. Alam na nila ngayon ang katangahang ginawa ko kay Matteo.


"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Nagaalalang tanung ni Adella sa akin nang ihinto ni Julio ang kotse sa tapat ng bahay. Tumungo-tungo naman ako.

"Oo. Magpapahinga na rin ako kaagad. You guys can go ahead. Salamat sa paghatid, Julio."

Bumaling ng tingin si Julio sa akin at ngumiti. "No worries, Ana." Aniya.

"Oh sige. Magpahinga kana at huwag na masyadong magisip. Magusap nalang tayo pag uwi ko. Magkita nalang tayo sa shop. Pero kung hindi mo kayang pumasok ay ayos lang naman. Magpahinga kang mabuti at huwag mong pilitin ang sarili mong pumasok kung hindi mo kaya." Sabi ni Adella. Tumungo-tungo naman ako pagkatapos ay tinanaw ang kotse ni Julio papalayo sa akin.


Nang mawala sila sa paningin ko ay kaagad akong tumakbo papasok ng bahay para puntahan ang aking kwarto. Tulog na ang lahat ng tao dito at umaasa akong pagpasok ko sa loob ng kwarto ay naroon si Matteo pero wala. Nanlumo ako kaagad at binalingan ng tingin ang lugar kong saan nya inilagay ang kanyang maleta pero wala na 'yun doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng isa-isang magsilaglagan ang luha sa mga mata ko. He left me already and I know I deserves it. Nagaalala ako sa kanya dahil umalis sya ng ganoon ang kalagayan. I hope he's safe.


Hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit akong sinusubukan na i-text at tawagan si Julio pero nakapatay ang kanyang cellphone. Nang lamukin na ako sa ilalim ng puno ay pumasok na din ako sa loob. Sumalampak ako sa aking kama at umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makabawi sa kanya. Hindi ko alam kung sa paanong paaraan pa ako hihingi ng tawad. I hurt him so bad at nagagalit ako ng sobra sa sarili ko ngayon. Shit.


Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Ginusot-gusot ko ang mga mata kong maga padin dahil sa kakaiyak ko kagabi. Lumabas ako ng kwarto ko dala-dala ang aking toiletries dahil plano kong maligo na dahil may pasok kami ngayon ni Adella sa souvenir shop at late na ako. Paglabas ko ay bunganga kaagad ni mama sa sumalubong sa akin.


"Ana!" tawag nya. Nilingon ko naman sya. Winagayway nya sa harapan ko ang kanyang cellphone habang nakapameywang pa.

"Ano itong text ni Matteo? Umuwi ba sya pa Manila kagabi? Bakit hindi nagpaalam? At bakit gabing-gabi na?" Sunod-sunod na tanung nya. Nanlaki ang mata ko at kaagad na sinunggaban ang cellphone ni mama at binasa ang text na galing nga kay Matteo doon.


Matteo:

I'm sorry tita kung hindi na po ako nakapag paalam. Pero uuwi na po ako sa Manila ngayon. Magiingat po kayo.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Binalik ko ang cellphone ni Mama sa kanya.


"Nagaway ba kayo?" tanung nya ulit.

Umiling-iling ako. "Hindi po.. Ma. M-may emergency lang si Matteo sa Manila kaya napauwi sya kaagad."

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now